Chapter 4: Sa Mansyon

Beginne am Anfang
                                    

"Alam mo, bagay sa 'yo ang gupit mo," compliment ni Pam habang bumalik sa upuan, at si Jules sa sofa bed. "Mas cute ka tignan kesa 'yung malago mong buhok na kulot."

Napangiti lamang si Jules at uminom ng juice.

"Si Jules? Cute? Talaga lang ha!" malakas na sabi ng boses.

Mula sa CR.ay lumabas si Hannah na nakatapis lamang ng tuwalya. Basa pa ang maikli niyang buhok.

"Bakit? Cute naman si Jules ah!" depensa ni Pam. "Mas bagay nga 'yung gupit niya ngayon kesa dati, at hindi na siya chubby!"

Saglit na napatingin si Hannah kay Jules. Ayaw man niyang aminin ay tama naman si Pam. Iba na ang image ni Jules mula sa dating nerd. May dating na ito. Ikanga, papabol na siya.

"'Yan cute?!" kutya ni Hannah at tumawa nang malakas habang pumasok ng kuwarto para magbihis. Sa saradong pintuan, dinig pang halakhak niya sa loob.

Nailang si Jules na pinaguusapan siya ng harap-harapan, kung kaya't dalian siyang tumayo.

"Hannah, peram na ng susi ng Hi-ace, para maikarga ko na itong hard case ko," aniya.

"Nasa taas ng ref!" sigaw ni Hannah mula sa loob ng kuwarto.

Tumayo si Pam at siyang kumuha ng susi at inabot kay Jules. Naramdaman ni Jules ang malambot nitong kamay.

"Ah, eh, mauna na ko sa baba," paalam ni Jules.

"Okay!" ngiti ni Pam sa kanya, obvious na nangfi-flirt.

Lumabas ng apartment si Jules, at nang wala na ito:

"Hannah," sabi ni Pam. "Bakla ba si Jules?"

"What?!" sigaw ni Hannah sa loob, hindi niya narinig.

"Never mind," sabi ni Pam at ipinagpatuloy ang pagubos sa pancake niya na nilagyan pa niya ng syrup, disappointed lang na tila walang epekto ang pagpapapansin niya kay Jules.

Matapos magbihis ay nagpaalam si Hannah kay Pam. Paglabas ng apartment ay nakita niyang naroon nang nakasakay si Jules sa loob ng nakaparadang Hi-ace sa gilid ng bangketa. Sumakay sa driver's seat si Hannah suot ang usual niyang rock t-shirt, tight jeans at Chucks. Ngayon, hindi na pa-pretty girl ang ayos niya, kundi balik na sa eyeliner at bagsak na mahabang bangs. Goth girl na uli. Ini-start niya ang Hi-ace at lumarga sila. Maluwag ang kalsada sa oras na ito.

"So, ano na? 'Di mo pa nakukuwento 'yung date mo kagabi," usisa ni Jules.

Umiling si Hannah sabay abot ng kaha ng Marlboro Reds sa dashboard. "Okay na sana eh, tapos, believe it or not, miyembro pala siya ng charismatic."

Sumabog sa tawa si Jules.

"Fuck lang 'di ba?" sabi ni Hannah habang nagsindi ng sigarilyo. "Malas talaga ako 'pag dating sa lovelife. Ewan ko, may sumpa ata ako."

"Anong pangalan uli?" tanong ni Jules.

"Dean," sagot ni Hannah. "Drummer. Long hair. Cute. 'Yung tutoong cute at 'di 'yung mga trying hard na pa-cute." Sabay tingin niya sa katabi at tumawa.

Nag-roll ng eyes si Jules.

"Uy, alam mo type ka ni Pam, panay tanong eh," sabi ni Hannah pero hindi siya pinansin ni Jules, ayaw lang patulan ang topic. "Ang hot kaya ng bestie ko! Sexy na malaki pa boobs!"

Deadma pa rin si Jules.

"Hay nako! Killjoy!' irap ni Hannah. "Palibhasa..."

Ininterrupt agad siya ni Jules. "Pagusapan na lang kaya natin ang bagong kaso."

"Fine," hithit ng yosi ni Hannah. "So, genuine na possessed ba ito?"

Kinuwento ni Jules ang mga detalye ng kaso ni Don Villaromano.

Ang Dalawang Anino ni SatanasWo Geschichten leben. Entdecke jetzt