Chapter 3: Hannah's Date

Magsimula sa umpisa
                                    

"Ano naman ang "happy song" mo?" tanong ni Hannah.

Nagaalangan na sumagot si Dean.

"Sige na, go," hikayat ni Hannah. "Hindi kita ija-judge."

"Umm, Third Eye Blind, Semi-Charmed Life," sabi ni Dean sabay inom ng beer.

Nanlaking mga mata ni Hannah. "What the fuck?!"

Napalagok ng marami si Dean. Oops. Mali ata nasabi niya, pero sa gulat niya'y biglang masayang kumanta si Hannah ng lyrics ng Semi-Charmed Life. Sumabay ang drummer sa pagkanta at nagpalitan pa sila ng mga linya.

Nagpause sila saglit, nagkatinginan at sabay na nag:

Doo doo doo, doo doo doo doo...

Naglingunan ang ibang mga customers dahil bagama't maingay sa loob, ay dinig ang duet nila. Ang iba'y napapa-doo doo doo rin.

"Fuck! 'Yan din ang happy song ko! Yeah, Third Eye Blind!" aliw na bulalas ni Hannah.

Masaya silang nag-toast ng beer mugs. By now ay medyo tipsy na ang dalawa dahil nasa ikalawang giant beer mug na sila na halos katumbas na ng tatlong regular size na bote.

"Speaking of," umpisa ni Dean. "Sabi nga pala sa akin ay may third eye ka daw?"

Medyo na caught-of-guard si Hannah sa tanong. Well, naisip niya, since balak naman na niyang magka-anak kay Dean ay nararapat lamang na malaman nito ang ilang mga bagay-bagay tungkol sa kanya.

"Since 6 years old ako," admit ng psychic.

"Wow!" mulat ni Dean. "Para ka palang may super powers!"

Napakunot-noo si Hannah, parang narinig na niya dati ang komentong iyon.

"So, madalas kang makakita ng multo?" may interes na tanong ng drummer.

Nagtaas-balikat si Hannah. "Well, oo."

Tapos ay hinawakan siya ni Dean sa kamay. Kinilig si Hannah at nanlambot ang katawan, lalo na't nakatitig si Dean sa kanya with those brown eyes.

"Alam mo, gift 'yan ni God," sabi ni Dean.

Biglang napataas ng kilay ni Hannah. Ano daw? Aniya sa sarili. Lalo na't ang kasunod na tanong ng drummer ay, "Religious ka ba?"

Hindi alam ni Hannah ang isasagot, nakaramdam siya ng pagka-weird sa pinatutunguhan ng usapan.

"Dapat sumama ka sa akin, sa church ko," sabi ni Dean.

"Church mo?" may almang sabi ni Hannah.

"Sa God is Love Christian Movement," siryosong sabi ni Dean. "May commune kami sa Antipolo."

At ang reaction ni Hannah? Agad niyang hinugot ang kanyang kamay sa pagkakahawak ng drummer. "What the fuck?!" ang maanghang niyang reply.

Hindi agad nag-react negatively si Dean, thinking na last time na nag-What the fuck? si Hannah ay 'yun pala'y pareho sila ng gusto.

Pero not this time.

Bigla na lamang tumayo si Hannah at nag-walk out.

***

Sa labas ng restobar, nagmamadaling naglalakad paalis si Hannah at muntik pang mabangga ang mga taong nakasalubong niya. Humahabol si Dean sa may likuran.

"Hannah, wait!" sigaw ng drummer. Pero pinigilan siya ng maskuladong bouncer pagka't hindi pa pala bayad ang kanilang bill. Dire-diretso naman si Hannah, may disappointment sa mukha at hindi na lumingon pabalik.

Nguni't bakit?

Ang reason, at ito'y iilan lamang ang nakakaalam, kasama na sina Jules at Father Markus, ay dahil may hindi magandang kinagisnan si Hannah noong kabataan niya.

Twelve years old si Hannah nang mamatay ng cancer ang kanyang ama. After lamang ng 8 months ay nakapagasawa ang kanyang ina ng isang leader ng isang Christian congregation daw. Dinala silang mag-ina ng lalaki sa commune nito sa Benguet kung saan sila nanirahan at naging mga miyembro ng Christian group na isa palang kulto. Hindi naman rehilyoso ang ina ni Hannah, nguni't sa impluwensiya ng kanyang pangalawang asawa ay nagbago ito, naging deboto to the point of fanaticism.

Isa sa mga insane practices ng kulto ng kanyang step-father ay magtanghal ng orgies. Nakita ni Hannah ang ina niya na willing na nakipagtalik sa iba't-ibang lalaki sa iisang kuwarto. Para sa Diyos, sabi ng step-father. Ang pinaka-nakakahindik na gawain nila ay ipunin ang mga semen ng lalaki at gawing ostiya bilang offering sa Diyos. Ayon sa kanila, ito raw ay galing pa sa sinaunang turo ng Gnostic scriptures, dating back to 4 A.D., at kahalintulad ng mga Manicheans sa ancient Persia.

Kaya't pagsapit ni Hannah ng kanyang ika-16th birthday, ay in-offer mismo siya ng kanyang ina sa kanyang step-father para makatalik. Para sa Diyos, ulit ng kanyang ina. Nguni't, nang naiwan sila sa kuwarto at si Hannah ay handa nang hubaran ng damit ng kanyang step-father ay kanya itong tinuhod sa ari. Tumakas si Hannah at nakahingi ng saklolo sa dumaraang kotse ng pulis at dinala siya ng mga ito sa pangangalaga ng mga madre sa isang kumbento, kung saan siya prinotektahan. Sa tulong din ng mga sisters, si Hannah ay ipinadala sa Manila para mag-aral at magsimula ng panibagong buhay. Two years sa college ay nabalitaan ni Hannah na nasunog ang tinitirahang commune ng kanyang ina't step-father at naulat na sila'y namatay. The rest for now, is history.

Mula sa restobar, nilakad ni Hannah ang Greenbelt parking kung saan naroon ang kanyang Hi-ace. Nanghihinayang lang sa itinakbo ng kanyang date. Okay naman si Dean, pero, may pait pa rin ang kanyang karanasan. Hindi pa siya ready.

Bago i-start ang makina ay nag-ring ang cellphone niya.

"Hello, Hannah?" sabi ni Jules sa kabilang linya. "May bagong mission tayo."

"Mission?" ulit ni Hannah.

"Wait, kumusta pala muna ang date?" tanong ni Jules.

Umiling si Hannah. "Huwag mo nang tanungin..."

Maririnig ang tawa ni Jules mula sa phone.

"Fuck you, Jules," sabi ni Hannah sabay pihit ng ignition key at nag-drive paalis. "Ano na naman itong bagong mission natin?" walang gana niyang tanong. "Sa bukid na naman? Ang bayad na naman ay kalabaw?"

"On the contrary, mayaman ito," masayang sabi ni Jules. "Nag-advance na nga ng 200k."

Biglang napaapak sa preno si Hannah. Bumusina ang sasakyan sa likuran niya pagka't muntik na siyang matumbok nito. Nagpatuloy si Hannah sa pagd-drive, ngayo'y ang ngiti ay abot hanggang tenga. Hindi man maganda ang pagtatapos ng date niya, at least paparating naman ay sangkatutak na datung. Tinanong niya kung sino ang na-possess.

"Isang 18-year old na lalaki," sabi ni Jules. "At mukhang involved ang Satanic cult."

Mulingnapa-preno si Hannah. Dinig muli ang malalakas na busina sa likuran niya, atsiya'y napailing at napasabi ng, "Shit, kulto na naman?"


NEXT CHAPTER: "Sa Mansyon"


Ang Dalawang Anino ni SatanasTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon