Tulad ngayon.

Mula kahapon.

Sana nga mamaya ay wala na sa isip niya si Celine.

Celine, Celine, Celine! Bakit ba puro na lang siya Celine?

Dinampot niya ang remote at pinatay ang component. Tinungga niya ang kalahating-tasa pa niyang kape, naligo, at nagbihis upang tumungo sa PBS para ihatid ang music para sa bagong teleserye ng istasyon.


PINAGBUKSAN ni Celine ang kumatok sa kuwarto niyang si Gwen.

"You're listening to his album," pahayag nito nang makapasok sa kuwarto niya. May kopya rin ito ng album na iyon. Ito ang nag-inform sa kanya na kilala nang pianist si James sa Pilipinas. Tinatanong din niya rito kung ano na ang mga nangyayari kay James. At masaya siya sa mga success na dumarating kay James.

"What can I do? I'm addicted to his music." As much as I'm addicted to him now. Maybe.

"Si James ba ang dahilan kung bakit ka bumalik?"

Tumango siya. "I missed him, Gwen," diretsahang sabi niya.

"What about Third?"

"He's my ex-boyfriend. And I'm so stupid. Bakit ang tanga ko?" naiiyak na sabi niya.

"Dahil crush na crush mo si Third at patay na patay ka sa kanya noon? Dahil siya ang una mong minahal? Dahil huli mo na na-realize ang tunay na nararamdaman mo para kay James." Gwen's last sentence was a statement, not a question.

Tumulo na ang kanina pa nangingilid niyang mga luha. "Itatama ko ang katangahan ko, Gwen." Lumapit siya sa umiyak din niyang kaibigan at niyakap ito.

Niyakap din siya nito. "Hindi ka tanga. Totoong mahal mo si Third noon. Pero nawala ang pagmamahal mong iyon sa kanya dahil huli mo na na-realize na hindi siya ang lalaking gusto mong makasama habang-buhay."

"Dahil si James na ang mahal ko. Mahal ko si James. Mahal ko siya," aniya sa pagitan ng paghikbi.

"I know, I know." Inalo siya ni Gwen para tumahan siya.

Dahan-dahan siyang tumigil sa pag-iyak pero patuloy pa rin sa pag-agos ang mga luha niya.

"Ang aga-aga nating nag-drama," ani Gwen. "Ikaw kasi," pabirong paninisi nito sa kanya.

"Pasensiya ka na. Salamat at ikaw ang kaibigan ko. Napakabait mo sa 'kin," nakangiting wika niya.

"Nambola ka pa."

Pinahid niya ang mga luha niya at kumalas dito. "Puwede bang um-absent ka muna ngayon sa trabaho mo?"

"Ha? Bakit?"

"Puwede mo ba akong samahan sa TV network na sinasabi mo?" Naikuwento sa kanya ni Gwen na nagko-compose si James ng background music para sa mga teleserye sa isang TV station at nagko-compose ng mga kanta para sa mga singers ng recording company na nasa pamamahala din ng network.

Tila nag-isip pa ito.

"Please?" pakiusap niya.

"Hindi ba sabi mo mabait ako? Paninindigan ko na lang 'yon."

Sabay silang nagkatawanan.


"YOU HAVE to congratulate me, James," masayang sabi sa kanya ni Celine nang magkita sila nito sa mini-park ng school.

Once Upon A Time In High School [PUBLISHED under PHR]Where stories live. Discover now