1: Manok

10 0 0
                                        

"Eli tara dito!!!!" ramdam ko ang pag ngiti nya kahit nakatalikod sya sakin. Sinenyasan ako ng kamay nya sa likod nya kaya lumapit naman ako kahit bugnot na bugnot na talaga ko dito sa ginagawa namin.

"Nako jenny kukutusan kita pag walang kwenta yang sasabihin mo ahh, sinuportahan na nga lang kita dyan sa kabaliwan mo nako umayos-ayos ka." utas ko sakanya at bigla namang nag inarte ang babaeng to at naglambitin sa braso ko.

"please please please!! feeling ko kasi sya yun eh! Tignan lang natin?" Nagpuppy eyes sya at lumingon ulit dun sa lalaking army green na may backpack sa likod.

bago pa ko makapagsalita ay hinatak na nya ako. "myghad eli isang kahihiyan to pag na very wrong talaga" hingal nyang sabi habang tumatakbo kami.

"Eh sino ba may pakanang sundan natin yan e feeling ko hindi naman sya yan." sarcastic kong sabi habang hingal na hingal na tumatakbo.

Alas siyete na ng gabi at heto kami pinagtitinginan ng mga tricycle driver kasi takbo kami ng takbo na parang may ninakaw o ano. Dumaan kasi kami sa pilahan ng mga tricycle e dun dumaan yung nakita ng ungas na to kaya ayon.

"Wait eli!" bigla syang huminto kaya naman nauntog ako sa likod nya. "Aray! bat ka huminto?"

"Gaga hindi nga sya very wrong." utas nya at hinampas ng mahina ang noo nya.

ngayon lang ata nya naisip na isang kabaliwan lang tong ginagawa namin. ewan ko ba dito kay jenny bakit pinagtityagaan pa yang ex nyang wala naman ng paki sakanya.

Napabuntong hininga nalang ako at napameywang. "halika na hayaan mo na yun baliw baka andon na sila JC may project pa tayo, tignan mo yung binili nating manok oh! Lasog lasog na kakatakbo natin!" yung dismayado nyang mukha ay napalitan ng tawa kasi medyo lanta na yung plastic na hawak hawak ko.

Bumili kasi kami ng dirty chicken sa palengke para may makain kami sa overnight namin para sa project.

"hawakan mo tong plastic" sabi ko kay jenny, pagkaabot ko sakanya ay sinet up ko na ang motor. Tinapik ko yung upuan sa likod para senyansang umupo na sya.

"akin muna tong manok?" sabi nya sakin bago ko mapaandar yung motor.

"malamang jenny alangan habang nagdadrive ako hawakan ko yung manok baka gusto mong matulad tayo dyan sa manok na patay na." sabi ko at pinaandar na ang motor.

"ang OA naman nito! Ayan kaya oh may sabitan dyan sa hinahawakan mo, di naman sinabing hawakan mo ng literal. Duhhh!!"

napangiwi nalang ako sa ingay nya. "Oo na ang ingay mo, mabangga tayo sige ka."

pagdating namin sa bahay nila David, busy parin ang lahat sa pagseselpon. Oo pagseselpon hindi project kasi gutom na daw sila.

"ang tagal nyo naman!" sabi ni JC

"anong binili nyo?" sabi naman ni Trish

"oh ayan manok medyo lasog nga lang" sabi naman ni Jenny habang tawa ng tawa.

"kasalanan mo eh" sabi ko naman.

"di mo kasi hinawakan maigi!" sabi naman nya pabalik.

sasagot pa sana ako ng sumabat na si JC, "Oh ano para naman kayong mga bata, kumain na kaya tayo e no para makapagsimula na?"

"Rararara!" sabi naman ni Tyron na ang ibig sabihin ay "tara tara tara".

nag-bleh sign sya at tinalikuran na ako papunta sa lamesa. Sumunod naman na ako pati na rin ang iba naming kasama.

BISIKLETAStories to obsess over. Discover now