Chapter 2

88K 2.4K 260
                                    

Chapter 2

Paula

Naglakad ako na parang walang taong sumusunod sa akin. Hindi ko s'ya pinansin at pagkalabas ng bahay ay dere-deretso akong naglakad sa kanto para makasakay ng jeep. Dalawa lang ang klase ko ngayong araw, sa labas na rin ako magla-lunch dahil wala rin naman akong daratnan sa bahay kung uuwi man ako, pero ang hindi ko masikmura ay ang pagsunod na naman sa akin ng kaibigan ni Oliver! Hindi ba s'ya aware na nabibwisit ako sa kan'ya? He's so annoying!

Napaigtad ako nang marahan s'yang sumipol sa tapat pa mismo ng tainga ko! Huminto ako sa paglalakad--muntik n'ya akong lagpasan-- matalim ko s'yang binalingan. "Ano ka ba? Talaga bang pinanganak kang bastos? Ha?" Pigil na pigil pa ako sa sarili n'yan.

Nakasilid ang dalawang kamay n'ya sa bulsa ng pantalong suot, cool na cool at para bang namalik-mata nang tingnan ko. He even looked at his back and think twice kung s'ya ba talaga ang sinabihan ko!

Tinuro n'ya ang sarili. "Ako ba ang tinutukoy mo?" He's playing innocent. Duh?

I scoffed in disgust. "Ikaw nga, ano bang problema mo sa buhay at palagi mo akong pinepeste? Dati sa Peyton lang ngayon, pinupuntahan mo pa ako sa bahay namin!" At hindi pa ako maka-get over sa hickey na nilagay n'ya sa leeg ko!

Binalik n'ya ang kamay sa loob ng bulsa at nginisihan pa ako. "Dapat nga, pasalamatan mo pa ako dahil binabantayan kita. Kung sa iba 'to, hindi ko ito gagawin."

Humakbang ako isang beses, inatras n'ya nang kaunti ang mukha at tiningnan ako. "Hoy, hindi ako nagpapabantay dahil kaya ko ang sarili ko! Sino bang nag-utos sa'yo?" Paghahamon ko sa kan'ya.

He look down at my chin. "Ako,"

Ngumiwi ako. "Ikaw?"

Nilapit n'ya ang mukha sa akin kaya ako naman ang napaatras.

"I don't want to see you, alone." Bulong n'ya sa akin. "And I want to talk to you,"

"Ano'ng gusto mong sabihin?"

Binuka n'ya ang labi at tiningnan ang paligid. "Can I bring you somewhere in private then?"

Namilog ang mga mata ko. Bakit ba kasi kinausap ko pa 'to? "Hinde! D'yan kayo magaling na mga lalaki kayo--manloko ng mga babae! Kung hindi mo kayang sabihin ngayon dito, manigas ka!" Inis kong sagot sa kan'ya at saka tinalikuran na s'ya. Bigla akong nanggigili, iyong gigil na naipon at gustong-gusto nang umalpas sa dibdib ko.

Hinabol n'ya ako at sinabayan ako sa paglalakad.

"Teka, galit na galit ka naman agad?" Malambing n'yang sabi sa akin.

Hindi ako nagsalita at dere-deretsong naglakad. He's so annoying! Ano bang klaseng lalaki 'to? Ah, presko. Ito iyong mga uri ng lalaki na nakikipagkilala sa akin sa Peyton. Maangas at mayabang na akala mo palaging papayag sa gusto ang mga babaeng kursunada--wait, kursunada? Type n'ya ako gano'n?

Tumikhim s'ya sa tabi ko. "Kausapin mo naman ako.." Nagkukunwari pang nakakaawa s'ya! Peste talaga!

"Wala akong oras sa'yo, may klase pa ako." Malamig kong sagot sa kan'ya.

"Ah, yes. You'll be free by lunch, right? Susunduin na kita,"

Hindi makapaniwalang tiningnan ko s'ya. He's smiling from ear to ear. "Pa'no mo nalaman ang schedule ko? Ang manyak nito,"

He laughed. "I have my ways babe but it doesn't mean I'm pervert--well, that's not the word I'm using towards you, not exactly."

Huminto ulit ako sa paglalakad. "Ano'ng alam mo sa akin?" Hindi n'ya agad ako nasabayan kaya nalagpasan n'ya ako ulit, this time ay isang hakbang ang layo n'ya sa akin at binalikan ako.

Fiery (Boy Next Door #4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon