Chapter 92: Suspicion

Start from the beginning
                                    

Ngumisi ako "Wag kayong mag-alala, nandito na muli ang Princess. Buo kaming mga Spiders, hinding-hindi nyo kami masasakop ng basta-basta. Dadaan muna kayo sa bangkay naming mga Spiders bago nyo masakop ang Half Blood Academy" Matapang kong sabi

"Ipinagmamalaki mo ba ang Princess nyo? Hahahaha!!!" Tumawa sya na parang baliw "Hawak na namin sya sa leeg. Wala na kayong magagawa, mapapasaamin na ang Half Blood Academy" Nakangis nyang sabi

Napakagat ako sa aking labi sa sobrang inis! Hinding-hindi ko hahayaan na makuha nila ang Half Blood Academy, mamatay muna ako bago mangyari yun!

Tumawa ako ng peke "Wag mo nga akong patawanin. Nag-iisa ka lang na nakapasok dito. Pwede na kitang patayin kung gusto ko" Nakita ko ang pag-iba ng ekspresyon ng muka nya pero naging ngisi iyon maklipas ang ilang sigundo.

"Hindi naman ako ganon katanga para pumasok dito ng mag-isa" Nakangisi nyang sabi.

Kung ganon ay meron pa syang kasama. Ilan sila? At paano sila nakapasok dito ng walang nakakaalam? Isang napakalaking ANO ang bumabagabag ngayon saaking isipan.

"Kahit ilan pa kayo, kaya ko kayo patumbahin. Lalo na kapag dinamay nyo ang mga mahal ko sa buhay, lalo na si Kill" Sabi ko habang masamang nakatingin sakanya

"What's with the glares. That wouldn't kill me Mr. Darknight" Wow! Marunong pala syang mag-english.

"It doesn't exciting when I kill you with my glare. I wanna kill you with my own hand and my own strength"

"Well that will be exciting. When will that be happen? Tomorrow? Next day? Next week? When?"

"Now"

Nagulat naman sya ng bigla akong mapunta sa likod nya. Itinapat ko sakanya ang matalas kong kuko. Well hindi ito kasing talas ng kuko ni Kill, may kapangyarihan din kase ang kuko nya. At kapag mas lumalakas si Kill, mas lalo ring lumalakas ang mga kakayahan nya.

"Nakakabigla ka naman. Pasensya na pero ayoko pang makipaglaro sayo ngayon"

"Duwag! Napakalaki mong duwag!" Sabi ko at patulak syang binitiwan "Wag mo akong ginagalit kung ayaw mo pang harapin ang kamatayan mo!"

"Easy ka lang Liam, darating din tayo d'yan"

"Bakit ba ayaw mo pa ngayon? Hindi ka pa ba naka kapagpaalam sa pamilya mo? Ay oo nga pala! Wala ka na nga palang pamilya dahil lahat sila pinatay mo na para lang makapasok sa Dark U"

"Ganon talaga Liam. Parang ikaw hindi mo binalak na pumasok sa Dark U"

Nawala ang ngisi sa aking labi "Matagal na panahon na iyon Alixon. Bago ko pa mapatay ang mga mahal ko sa buhay ay namulat na ako sa katotohanan na mali ang aking gagawin. Pamilya ko parin sila kahit anong mangyari"

"Bakit nga ba Liam? Bakit hindi mo pa tinuloy ang pagpatay sa pamilya mo? Lalo na sa ama mo. Diba malaki ang galit ko sakanya dahil ang kuya mo lang ang intinuturing nyang anak, habang kayong tatlo ay pabigat lang sakanya. Your dad deserves to die"

Napakuyom ang kamao ko "Wag mong lasunin ang utak ko gaya ng paglason ng mga taga Dark U sa utak mo. Hangal ka dahil sinusunod mo ang utos ng mga baliw na yun!!"

Half Blood Academy (School Of Half Bloods)Where stories live. Discover now