ROMANCE -- Silay-Sakristan Buster

Magsimula sa umpisa
                                    

Umupo ako sa tabi ni Ateng may purple na headband. Maganda naman siya at yung kasama niya. Mukha naman silang inosente.

Napatingin sa akin yung katabi ko. Baka napansin niyang tinitingnan ko sila. Iniwas ko naman agad ang tingin ko at tumingin sa may Altar kung saan nagbibihis na nang sutana yung mga sakristan. Lalo pa silang gumagwapo pag suot nila yun.

Hay! Wala pa naman akong nakikitang motibo sa dalawang ito. Pero alert lang ako kung sakali.

Nag-uusap lang naman silang dalawa about stuffs.

"Uy, Sheena ano bang name nang crush mo?" tanung nang kasama nang katabi ko.

"Hindi ko pa nga alam eh!" sagot naman ng katabi ko.

"Eh! Paano mo ba naman malalaman, hindi mo linalapitan. Lumapit ka na kasi, ayan lang siya sa may altar oh! Sa harap mo" Oh! My Confirmed. Silay-Sakristan nga itong si Ateng katabi ko. Tsk! Tsk! May kasama pa siyang konsintidora. Hay! Lagot ka sa akin Ate, mapapaiyak din kita mamaya.

"Hindi ko kasi kaya eh! Mahina ang loob ko" Tss! Torpe mo Ate.

"Bilis na. Sige ka ako nalang lalapit. Nasaan ba?"

"Ayun oh!" tumuro si Ate. "Sa may malapit sa upuan nang pari" tumingin naman ako sa dun sa tinutukoy niya. Oh! Si Kuya Rey yun ah! Grabe! Gwapo mo talaga Kuya Rey.

"Gwapo nga Sheen" Tsk! Dati pa teh! Kung iniisip niyo na mapapansin kayo ni Kuya Rey, wag na kayong mangarap dahil never yun mangyayari. May syota na yun si Kuya Rey.

Mang-aasar nga muna ako sa kanila.

"Kuya Rey!!!" tinawag ko si Kuya Rey at mabilis naman siyang lumapit sa may pwesto ko.

"Bakit?" tanung niya. Bahagya ko namang sinilip yung mga katabi ko. Tss! Mga kinikilig. Yan may utang na loob na sila sa akin, nalaman na nila ang name ni Kuya Rey nang walang kahirap-hirap.

"May candy ka? Pahinge naman" nakita kong kumunot bigla ang noo ni Ateng katabi ko. Hahaha! Sayang mang-asar.

"Wala" sagot ni Kuya Rey. "Nakita mo na ba si Hanna?" Si Ate Hanna nga pala ang Girlfriend ni Kuya Rey. Nasaan na ba yun para matapos na itong mission ko.

"Hindi pa Kuya eh! Baka parating na yun maya-maya"

"Ah! Baka nga. Sige balik na muna ako dun" paalam nito at nagnod ako. Pagkabalik ni Kuya Rey sa Altar, agad ko namang hinarap itong mga katabi ko. Magpapakilala na ako.

Nginitian ko sila tapos sila mukha lang ewan. "Hi!" masiglang bati ko sa kanila. Nginitian nila ako pero Pweh! Plastik! Tss! "Ako nga pala si Ysha!" nickname ko yan. Hindi ako nagpapakilala ng real name ko sa mga targets ko, baka itsismis ako eh! "Nakita ko po kasi kayo na tinuturo si Kuya Rey, kilala niyo po ba siya?" painosenteng tanong ko sa kanila. Hehe!

"Ah! Eh! Hindi.." pakakaila nang katabi ko. Siyempre dedeny mo yan ate noh! Tss!

"Pinsan ko nga pala siya" parang nakahinga naman nang maluwag si Ate sa sinabi ko at para ding kinakabahan. "Gusto niyo po bang ipakilala ko kayo sa kanya?" alok ko sa kanila na nakangiti. Dapat friendly. "Ano po bang name ninyo?" tanong ko at kinuha ko ang Handy Dandy Notebook ko sa Bag. Another Mission Accomplished na naman ito eh!  Kaya isusulat ko na name ni Ate sa List ko nang mga natakot ko. Marami-rami narin ito. Sinesearch ko din sila sa Facebook para makasure. Chinachat ko sila. Gumawa pa nga ako nang group na sila mismo ang members eh! Hahaha! Masama na ba ako?

"Sheena Cruz, name ko" sabi ni Ate na Silay-Sakristan. Sinulat ko naman ito sa Notebook ko.

"Patricia Ramirez" sabi naman nung kasama niya. Tss! I don't care! Hehe! Joke! Di ko lang siya sinulat, no need.

WAA Short Story Clash 2014Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon