Chapter 5

33 2 0
                                    


Nabasa ang sahig ng parking lot ng mga luha galing sa isang sugatang puso.

Agad na lumapit sina Vhan at Anton kay Luna.

Yumakap si Anton kay Luna habang si Vhan naman ay inabot ang kanyang panyo.

Pinigil ni Luna ang kanyang mga hikbi paglapit ng dalawa, tumayo ito at pilit pinupunasan ng kanyang mga kamay ang mga luhang pumapatak sa kanyang mga mata, ngunit patuloy itong dumadaloy na parang isang bukal sa isang gubat, tuloy-tuloy at hindi nauubos.

Nalilito si Vhan hindi malaman ang gagawin, pupunasan niya ba ang mga luha ni Luna o i-aabot nalang ang panyo niya.
Kaya inilapit ni Vhan ang panyo sa kamay ni Luna na noon ay panay punas sa luha nito.

"Im ok, lets go" hindi kinuha ni Luna ang panyo at naglakad papunta sa sasakyan ni Anton. Nakatayo lang si Vhan hawak ang panyo habang naglalakad na sila Luna. Naguguluhan si Vhan sa mararamdaman, matutuwa ba siya dahil nahuli ni Luna si Arman na may ibang babae o malulungkot dahil nakita niyang lumuluha ang kanyang minamahal.

"Vhan tara na!" Tawag ni Anton, bumalik sa reyalidad si Vhan at patakbong lumapit at sumakay sa sasakyan.

Nasa driver seat si Luna, tumigil na ito sa pag-iyak habang si Vhan naman ay nasa pangalawang hilera ng mga upuan.

Kita ni Vhan na bukas ang mga mata ni Luna, tulala ito at wala sa sarili, nabura ang mga ngiti nito kani-kaninalang. Ngayon sigurado na si Vhan sa mararamdaman, ito ay lungkot, dahil hinayaan pa niyang humantong sa ganitong sitwasyon si Luna, dapat matagal na siyang may ginawa.

Kaya ngayon wala ng makakapigil kay Vhan, napag pasyahan nitong pasayahin si Luna at siya nalang ang mag-alaga sa puso nito.

Si Luna ang unang hinatid ni Anton sa tinutuluyan nitong apartment, kaya nalaman ni Vhan kung saan ang bahay nito. Agad bumaba si Luna at mabilis na pumasok sa bahay, wala ng pagkakataon para makababa si Vhan at ihatid ito sa pinto.

Sunod ay hinatid ni Anton si Vhan sa kanyang apartment. Nagpasalamat si Vhan kay Anton at pumasok na din sa bahay nito. Nagpalit ng pangtulog si Vhan at nahiga na, ngunit hindi ito mapakali, gusto niyang malaman kung ayos lang ba si Luna.

Kaya i-tinext niya ito "I know your not ok but please let me know if there's anything I can do to make you feel at least a little better." mensahe ni Vhan,

lumipas ang limang minuto ngunit hindi sumagot si Luna. Na-iintindihan naman ni Vhan kung bakit hindi sumagot si Luna kaya ipinikit na lamang nito ang kanyang mga mata. Biglang bumakas ang bintana sa kwarto ni Vhan at umihip ng malamig ang hangin. Dahil dito napadilat si Vhan, patay na ang ilaw ngunit nasisinagan ng liwanag ng buwan ang kwarto kaya kita ni Vhan si Amor nakaupo sa silya ng mesang aralan.

"Kamusta?" Bungad ni Amor.

"Bad na good day" hindi na tumayo si Vhan habang kausap si Amor.

"Ang bagal-bagal mo kasi, mas mabilis pa yung lolo ng alaga kong pagong sayo" asar ni Amor.

"Ayan ka na naman eh, diba nga may boyfriend si Luna kaya mahirap, alam mo na...dumiskarte."
paliwanag ni Vhan.

"Diskarte? Wow, meron ka ba non?" patuloy na pang-aasar ni Amor.

"Sorry, wala nga, first time ko manliligaw tapos samay boyfriend pa, di ko alam gagawin" Tumagilid si Vhan ng pagkakahiga pakaliwa para talikuran si Amor.

"Ikaw naman, joke lang, tampuhin nito." Bawi ni Amor.

"Kaya nga nandito ako diba? Tsaka siguradong galit si Luna kay Arman kaya chance mo na to, wag ka na kasi mahiya."
pagkumbinse ni Amor.

Valentine DemonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon