Chapter 1

1K 28 0
                                    

"Are you sure?" mariing tanong ng kaibigan niyang si Debby. "My God, Chelsea! This is marriage, it's not a joke," dagdag pa nitong turan sa kanya.

Pero buo na ang pasya niya. She will marry Vien, para malaman niya kung totoo ang sabi-sabi tungkol sa pamilya nito. 'Hindi ako titigil hanggang hindi ko napapatunayan ang tunay na pagkamatay ng aking tiyahin,' ngitngit niya sa kanyang sarili.

Hindi siya naniniwalang namatay ito dahil sa isang sumpa. Kaya heto siya ngayon handang tahakin ang landas ng kanyang tiyahin. 'Is it true that this ring will lead me to death?' tanong sa isip habang nilalaro ang singsing na binigay ng kasintahan.

"Ano ang meron ka na lahat ng babaeng nadidikit sa pamilya Artajo ay namamatay?" aniya habang matamang tinitignan ang singsing. Ayon kay Vien, matagal na matagal na raw nagpasalin-salin sa kanilang pamilya ang singsing.

Tradisyon na nilang ibigay sa babaeng mapapakasalan ng lalaki sa pamilya nila. At ang unang anak na lalaki ang magmamana ng singsing, it was Vien. After four years, na walang kinasal na lalaki buhat sa pamilya nito.

Naramdaman niya ang pagyakap ng lalaki mula sa likod niya. Katatapos lang ng engaged party nila kaya naroroon pa siya sa bahay ng mga Artajo. "Happy?" tanong nito buhat sa kaniyang likuran.

"Yeah," iksing sagot niya. 'Kailangan kong gawin ito para sa katotohanan at hustisiya para sa aking tiyahin. It's been a decade of waiting, a decade of planning. I will do everything, para malaman ang misteryo na nasa likod ng pamilya Artajo,' aniya sa kaloob-looban.

Hindi pa siya pumayag kay Vien na magsama sila kahit gusto na nitong sa mansyon nila siya tumira, hindi pa kasi siya handa lalo pa at wala pa silang kongkretong plano ni Moneth. Mabuti na lamang kapag ganoon ay walang nagawa si Vien kapag igiit niyang huwag muna. Saka na lang sila magsasama kapag tuluyan na silang nagpakasal.

"Are you sure?" ulit muli ni Debby nang makauwi siya sa boarding house nila.

"Yes! Wala nang atrasan, nasimulan ko na eh," aniya sa kaibigan.

"Natatakot ako para sa'yo, girl. Paano kung totoo ang sumpa?" naiiyak nitong kumbinsi sa kanya.

"If it's true, I am ready, pero iba ang feeling ko Debby parang may mali. Isipin mo kung talagang may sumpa ito, bakit hanggang ngayon nagpapasalinsalin pa sa kanilang lahi?" Pag-aanalisa niya sa mga pangyayari.

Biglang natigil ang usapan nila nang biglang lumagabog buhat sa kung saan. Nagtingin silang dalawa saka hinanap kung saan galing ang tunog. Pero wala silang nakitang bumagsak o anumang bagay na dahilan o lumikha ng ganoong uri ng tunog. May kaba man pero pinilit nilang ituon ang pansin sa pinag-uusapan.

Bumalik sila sa pinag-uusapan nila. "Bakit hahayaan nila ang asawa nilang mamatay dahil lamang sa isang tradisyon o sumpa? Ibig sabihin noon ay hindi nila mahal ang mga babaeng papakasalan nila para hayaan na lamang na basta-basta na lamang mamatay?" dagdag pa sa kaibigan habang nasa sala sila.

Natigilan ito at nagsimulang mag-isip. Alam nito ang dahilan nang pagpasok niya sa buhay ni Vien. Para sa katotohanan at hustisiya para sa tiyahin. Ang tiyahing nagpalaki sa kanya mula noong maulila siya. Akala niya, hindi na magpapakasal ito kasi trenta'y singko na noon. Then Valentine came, Vien's uncle. Her aunt fell in love and they decided to get married.

She was twelve years old at that time, her aunt was very much excited about her upcoming wedding. She almost used to live at Artajo's mansion after their engagement. Then suddenly news came that she was died as others were. That every woman tends to be married to Artajo's men shared with one fate. Death. It was a curse of a ring. A legacy.

"Pero girl, hanggang kailan ka mabubuhay ng ganyan. Ako ang natatakot para sa'yo," alalang turan ni Debby.

Ngumiti siya sa kaibigan. "Basta kapag, nakasal na ako't hindi mo na nakikita. Ipagdasal mo na lang ako," biro sa kaibigan.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Mar 15, 2021 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

DEVIL RING(to be continued)Where stories live. Discover now