🔯 Chapter Twenty Seven: Creepy Scars

Start from the beginning
                                        

Mas naiinis pa ako dahil ang pandak ko kaya hindi kayang agawin sa kanya ang phone niya.

Until I gave up. Pssh.

" Keep that recording then I'll keep your recording, too. Kapag ipagkakalat mo yan, ipagkakalat ko rin ang sayo!"

"Tssh! Yan rin naman ang sasabihin ko! Ikaw naman talaga nag simula nito. Hindi lang talaga ako nagpapatalo. Ako pa?"--Luiji.

Nagsalita na naman ang hindi takot sa cemetery.

" So nagda-drama ka lang kanina na takot kang lamunin ng lupa para mahawakan lang ako!? Gumagalawang ka na! Ews!"

Napakagat labi siya at halatang naiirita sa sinasabi ko. Ako na naman ang natawa sa kanya.

"Hindi ah! Takot naman talaga ako--Ano yan!? Giant tutubi?"--Luiji.

Lumingon ako sa tinuturo niya. May nakikita nga kaming liwanag na medyo kahawig sa mga tutubi kanina. Pero malaki lang ito. Isa itong malaking lumiliwanag na bola...wait, is that--

" Is that the famous 'Santelmo' thing?"

Narinig ko ang tungkol niyan from my mom. When she was young, she saw 'Santelmo' in their province. Hinabol pa nga siya nito. It's a wandering evil spirit daw.

"Bullshit! Santelmo ba ka mo!? Ano pa bang hinihintay natin! Ta--takbo na!"--Luiji.

Mas natakot pa ako sa mukha niya kaysa sa Santelmo na yon kaya, agad akong napatakbo tsaka sumunod siya. Inabot pa ang kamay ko kaya magkahawak kamay kami.

" Gosh! Sinusundan nga tayo!" Nang sinilip ko ang likuran namin habang tumatakbo.

"Huwag tayong papahuli! Baka patayin tayo!huhuhu!"--Luiji.

Naiiyak pa siya habang tumatakbo. Then I can't stop from secretly laughing. He's one real funny guy, promise.

Malayo na ang narating namin. Nakaalis na pala kami sa cemetery. Nasa may high way na kami at sinusundan parin kami ng Santelmo.

"Dito!"--Luiji. Bigla niya akong hinila papunta sa isang sulok. Parehos naming ibinagsak ang mga pwet sa baba nang mapagod na kami sa kakatakbo. Hindi na rin kami sinusundan ng santelmo.

Hinahabol namin ang mga hininga namin habang nakaupo at magkahawak kamay parin.

May ilaw dito sa kinauupuan namin na nanggagaling sa mga street and emergency lights.

" Hey! Bitiwan mo na ako--" I said as I looked at our hands holding.

Pero hindi ang pagkakahawak ng mga kamay namin ang pumutol sa pagsasalita ko. I saw something so odd between his hand and mine.

"Ano bang tinitignan mo!?"--Luiji. Nagmamadali niyang inilayo ang kamay niya but I still reached and grabbed it.

"Wait. Will you please behave? May tinitignan ako."

Nagpupumiglas pa siya.

"Ano ba yan ha! Huwag ka ngang tsansing babae ka!"--Luiji.

Mas nagpumiglas pa siya. Kaya sa inis ko dahil ang likot ng kamay niya, kinagat ko siya.

Kinagat ko ang kamay niya.

" Araaaaaay!"--Luiji.

Sigaw niya nang kagatin ko siya.

"Behave kasi sabi."

"Baka may rabis ka! Magpapa anti-rabis injection ako!"--Luiji.

Binatokan ko siya. Nakakainis na kasi. Ang ingay-ingay pa.

Creepy Red String Attached [ C O M P L E T E D ]Where stories live. Discover now