Muli na naman silang na-uwi sa isang masukal na kakahuyan. Paborito talaga nila ang ganitong hideout. At nang sundan ko sila, nakarating na naman kami sa pinaka-gitna na meroon na naman isang bahay. Ayon sa aking mga mata, tinatawag nila itong bungalow, isang uri nang bahay sa planetang ito. Napapaligiran ito nang tinatawag nilang puno nang niyog at may malawak na damuhan sa harap. Sa harap na iyon tumigil ang apat na puting SUV. 

Bilib naman ako sa taste nilang pumili nang bahay na matitirahan. Papaano naman sila nakahanap kaagad nang ganito? Kinidnap din ba nila ang mga nakatira rito o pinatay? Marami nang taong nadamay dahil sa kanila. Sana lang aksyunan ito kaagad nang Alien Convention ng matigil na ang mga kupal na to. At ako, kailangan kong protektahan si Iris hangga't kaya ko bilang kaibigan. Mahalaga na rin kasi siya sa akin ngayon.

Huminto ang apat na sasakyan habang palapit naman ako sa kanila. Ngunit may bigla nalang akong naramdaman na kakaiba. At mula sa aking mga mata, may mga salitang lumalabas.

Unidentified object near the premise.

Sumambulat ang kakaibang tunog sa buong paligid. Saan nanggagaling iyon?

Tunog iyon nang isang malaking makina kung kaya't hinanap ko sa paligid ang pinanggagalinagn nito. Hanggang magawi ang aking paningin sa kalangitan. Nanlaki ang aking mga mata dahil sa na-aaninag kong kakaibang ulap sa itaas. Wala kang makitang mga bituin dahil nahaharangan nito ito. Lumitaw mula roon ang maraming nagkikislapang mga ilaw at may na-register akong napaka-lakas na energy level. Tumigil na ang sasakyan at hindi ko na nagawang lapitan ang bahay sa di-kalayuan. 

Ang kakaibang ulap sa itaas ay bigla nalang nag-morph. At naging isang higanteng spacecraft. May dala silang mother ship. Kahit sillouhette lang ito, mababakas pa rin ang kanyang korte mula sa itaas.

Mas lalong lumakas ang ingay na nagmumula rito. Na sinundan pa nang kulay pulang ilaw na niluwa mula sa ibabang bahagi nang spacecraft. Tumama ang pulang ilaw sa lupa na tila isang transparent na lazer lights. Nag-expand ang pulang ilaw na patungo na sa aking kinalalagyan. Mukhang mahahagip ako nito kung kaya't mabilis kong inutusan ang kotseng umatras palabas sa kakahuyan. 

Hanggang sa huli na ang lahat, nabalutan nang pulang transparent lazer lights ang buong kakahuyan. Na-detect na nila ako kahit naka-invisible mode. At kasunod nun, umulan nang maraming lazer beam sa aking paligid. At sumabog ang lupang dinaraanan ko. Tumalsik ang mga halaman at puno.

Mas bumilis ang pag-atras nang sasakyan palayo sa kakahuyan. Alisto kong inilabas ang aking mga braso sa bintana at nagpakawala nang force field upang kahit papaano'y ma-protektahan ko ang sasakyan at aking sarili. 

Mabuti na lamang mabilis akong naka-alis doon. Higit na mas marami pala ang sandatang meroon ang kanilang mother ship. Mukhang mapapalaban ata ako nang husto nito. Ngunit hindi na mahalaga iyon, ang mahalaga ay nagkaroon na ako nang ideya kung saan dinala si Iris pati na ang kanyang buong pamilya. Baka doon din nila dinala ang aking mga kasama.

Naisipan kong magtungo ulit sa bahay. Aakyat ako nang Ieverin. Napagdesisyunan kong kumuha nang isang war vehicle doon. Isang sasakyang pwede kong magamit sa pakikipaglaban. Na kayang tapatan ang kanilang spacecraft. 

Inutusan kong mag-hyper speed ang kotse at mabilis kong iniwasan ang walang humpay na patama nang kanilang spacecraft mula sa itaas. At sa isang iglap, nawala sila sa aking paningin.

***

IRIS

Ewan ko ba kung ano na naman ang pumasok sa kukote ko at napagdesisyunan kong gawin ito. Nasa loob ako nang puting SUV habang isandaang tambol na naman ang tumutugtog sa aking dibdib. Pinagpapawisan ako at para pang na-iihi. Katabi ko ang dalawang tauhan ni Crey at nasa anyong tao sila. Nabuhay pa pala ang animal na yun. Nasa kabilang sasakyan ang mga magulang ko at si Anjo. Sa kabilang sasakyan naman ang aking kuya pati na ang buo niyang pamilya. Nag-aalala tuloy ako sa aking dalawang pamangkin, mga musmos palang kasi sila.

A PAST WITH AN ALIEN #wattys2018Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon