Chapter One

713 22 3
                                    

Chapter One : The Black Cat

"At sa ating nagbabagang balita..."

What? Balita na naman? Ugh! Ayaw ko manood ng mga balita, ang corny eh. Bukod sa mga pulitikong kurakot ang binabalita, puro kagaguhan lang ng mga taong may sira yata sa ulo ang nasa balita. Tsk. I reached out for the remote control and I turned off the television. Tumayo na ako sa couch na aking kinauupuan.

Gusto ko nang umalis. Ang corny din dito sa bahay eh. Nakaka-putangina.

Ako si Rose Madrigal mas kilala sa tawag na Black Cat. Your greatest enemy in life kapag nakita at nakasalamuha mo na at isang secret agent.

Oo, secret agent ako. Ayaw mo maniwala? O siya, 'di huwag, ikakaunlad ko ba iyan? Pero, ang masasabi ko lang, don't dare to make mess with me street bitches. Kapag ako kinalaban niyo, you're all dead! Agad niyong masisilip ang impyerno.

"Rose, anak." Tumingin ako sa taong tumawag sa akin. Tinaasan ko lang siya ng kaliwang kilay.

"Yes?" Maikli kong tugon saka nag-pamewang.

"Bakit mo pinatay 'yong T.V. ? Nanonood kami ng papa mo."

"Eh, anong pake mo? Edi buksan mo ulit, may kamay at paa ka naman siguro hindi ba?" Saka ako umalis sa kanilang harap. Tanga.

Huwag na kayong magtaka kung bakit ganoon ang pakikitungo ko sa kanila. Baliw ba ako para magalit sa mga magulang ko nang walang dahilan? No, ibahin niyo ako.

Pumunta ako sa garahe at sumakay sa aking Red Mini Cooper car. Pupunta pa pala ako kay boss, may importante raw siyang sasabihin sa akin. Doon muna ako pupunta bago pumasok sa walang kwenta kong school. Oh yeah, pumapasok pa naman ako as a college student. Course? Criminalogy.

***

"Rose," sambit ni Boss sa aking pangalan saka niya inikot ang inuupuan niyang swivel chair paharap sa akin.

Nginitian niya ako. Ngiting hindi pangkaraniwan.

Oo, nandito na ako sa opisina namin.

Isang tagong lugar na parang malayo sa kabihasnan. Black Death, iyan ang tawag sa amin.

Ang pinakakinakatakutan na grupo sa bansa. Lahat nang kasali sa grupong ito at mga secret agents ay may black ang pseudonym. Maliban kay Pink Rivera. Siya lang ang walang black sa kanyang codename. Malay ko sa babaeng 'yon, lahat na lang na meron siya ay dapat maayon sa kulay rosas.

"Boss, bakit niyo po ako pinatawag?" Tanong ko.

"We need you again and your Dangerous Kiss," saad niya.

Lumaki ang mata ko sa sinabi ni Boss. The fuck?!

It's been three years simula nang hindi ko gamitin ang mga mapanganib kong halik. Hindi ko alam ngunit sa isang iglap ay kailangan ko ulit itong gamitin. Pero, bakit? Sa anong dahilan?

Ang dangerous kiss ay isa sa mga mapanganib kong technique na taglay. Ano ba ang nagagawa nito?

Mas epektibo ito sa mga lalakeng aking nakakalaban. This is made especially for boys. Una, inaakit ko sila hanggang sa makuha ko sa kanila ang kanilang mga tiwala. Pangalawa, unti-unti ko silang pinapatay. Pangatlo, literal ko na silang pinapatahimik sa isang lugar at pagkatapos niyon ay mag-iiwan ako ng kiss mark sa kahit anong parte ng katawan nila. 'Yan, iyan ang dangerous kiss.

Tatlong taon kong kinalimutan ang dangerous kiss dahil may pinaggamitan ako nito na labag sa aking kalooban at simula noon di ko na muli itong ginamit. Yes, may mga maliliit pa rin naman akong misyon pero hindi ko na ginagamit ang dangerous kiss.

"Boss, alam niyo naman na-" Pinutol niya ang sinasabi ko.

Napatitig ako sa kanya. Nakita ko namang kinasa niya ang hawak niyang baril saka ito pinaglaruan.

"Better do this Rose. Alam mo na ang mangyayari sa'yo kapag hindi mo ito ginawa."

Napasinghal ako at napatingin sa sahig. Can I do this? Alam ko ang ibig sabihin ni Boss, may pinanghahawakan siyang sikreto na tungkol sa akin na anumang oras ay kaya niya isiwalat. I'd better do this fucking work! Ayaw ko nang may madamay! Ayaw ko nang may mamatay pa nang dahil sa akin. Para bang iniipit ngayon ang puso ko.

"Hanapin mo ang taong ito." Muling litanya ni Boss.

Mula sa malaking screen sa likuran niya ay may flinash siyang litrato ng isang binata na kasing edad ko lang yata.

His eyes, it's so good to see. His lips, I bet it's good to kiss. His nose, masyadong matangos. At higit sa lahat, matangkad siya. Bumalik ako sa realidad nang biglang magsalita si Boss.

"Rose, basta ipangako mo sa akin na hindi ka mahuhulog sa kanyang charisma," at may ibinatong kopya ng litrato si Boss sa akin.

Tumalikod na ako sa kanya saka bumulong sa hangin, "Pangako."

"Rose!" Muli niyang tinawag ang aking pangalan. Agad naman akong lumingon.

May ibinato siya sa akin at nasalo ko naman iyon.

"Ano ito?" Tanong ko.

"Baril," maikli niyang tugon.

"Anong gagawin ko rito?"

"Sinisigurado kong kakailanganin mo iyan. Pwedeng mamaya, pwede  rin bukas, pwedeng sa makalawa, sa susunod na buwan o hindi naman kaya ay sa susunod na taon."

Walang ano-ano at tumango na lang ako.

Saan ko nga ba kakailanganin ang baril na ito? Hay, bahala na.

Lumabas na ako at pumunta na ng school. At habang ngayong naglalakad ako ay napapaisip pa rin ako.

Sino ka? At bakit ko uli dapat gamitin ang dangerous kiss?

Dangerous Kiss: Kiss Of The Black Cat (KathNiel) #Wattys2016Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon