Kay hirap pala
Ipalagay ang puso
Kapag natatakot,
Kinakabahan.Walang kapantay,
Tumatahip, dumudungo
Sunod-sunod ang pagsinok
Sumasangi sa loob...Masakit at mahapdi.
Parang hindi titigil ito.
Dinadama ang bawat segundo
Di ka pa umaamo.Hanggang kelan pa ba?
Maghihintay pa ba?
May aasahan ba?
Puso ko'y pinipiga na.Isang hiling mula sa'yo
Nang lupaypay kong puso
Kahit hindi mapagalingin,
Magtapat na lang sa akin.Sabihin mo na.
Mga bagay-bagay
Na dapat noon pa
Dahil puso ko'y durog na.Naghihintay ng sagot
Naghihintay sa iyo
Nagmamahal pa ba
O may iba na?
ВЫ ЧИТАЕТЕ
A Part of Me, For You ( Poems)
ПоэзияPieces of my mind My heart Sometime aching Sometime loving Most time craving Craving for words For you, for me You and me alone. - A piece of my mind for you to know and understand my feelings. A way to express, to escape, to be engulfed. Play of wo...