-=092817=-

2 0 0
                                    



Kay bigat-bigat sa loob.
Puso'y lumuluha
Sumisigaw at pumipiglas
Sa sakit na nadarama.

Parusang hatid,
matatapos pa ba?
May hantungan ba?
Parang wala na.

Iniipong lakas tila tumatagas
Sa bawat patak nito
Sa mga butas lumalabas
May paghuhugutan pa ba?

Pag-asang nakikita
Wala na sa iyong mga mata
Sambitin mo na,
Upang ako'y mahatulan na.

A Part of Me, For You ( Poems)Where stories live. Discover now