Sungit, please... We need to talk.

Marami pa siyang text. Binasa ko ang lahat ng 'yun isa isa hanggang sa dumating ako sa text niya kagabi.

Tres:

Maybe you're laughing at me because I'm explaining here and not on personal. Mage-explain din ako sa personal kapag nagkita tayo. Nage-explain lang ako dito kasi alam kong hindi ka naman papayag na magusap tayo. I will tell you everything, Cata. From the beginning to the end. Kahit lumuhod pa ako sa harap mo ayos lang. Kahit maraming makakita ayos lang. Hindi na sila importante. Ikaw na ang importante sakin, Catastrophe. Kaya please. Bumalik kana. :(

Tres:

Mahal na mahal kita.

Tres:

Your phone is off. I guess you haven't read all of these. Kumakain ka ba ng maayos? Nasan ka? Tngina! Miss na miss na kita! Gustong gusto na kitang yakapin. Gustong gusto ko ng bumalik ka :(

Tres:

Hahanapin kita, sungit. At sa oras na mahanap kita, hinding hindi na kita pakakawalan pa. I'm sorry and I love you so damn much.

That was his last text.

Napatingin ako sa binti ko dahil may tumulo doon.

Hindi ko namalayang umiiyak na pala ko. Araw araw na lang. Hindi ka ba napapagod umiyak, Catastrophe?

Kinagat ko ang labi ko para pigilan ang mga hikbi. Kahit nanlalabo ang paningin ko ay kinalas ko ang sim card na nasa cellphone ko at binali iyon bago itapon.

Ang sakit sakit na. Kaya nga ako lumayo. Pero bakit kahit nasa malayo na ako parang mas lalong sumasakit?

Siguro kasi narealize ko na. Nagsink in na sakin ng tuluyan ang nangyari. The guy that I love the most deceived me.

Tumayo ako at pinunasan ang mga luhang tumutulo. Lalabas muna ako. Pakiramdam ko kasi nasasakal ako dito sa kwarto ko. Gusto kong makalanghap ng sariwang hangin.

Gusto kong mawala.

Gusto kong matahimik na.

Lumabas na ako ng kwarto at naglakad paalis. Inekis ko ang kamay ko sa dibdib ko habang naglalakad. Alas singko na at mamaya mags-sunset na.

Tumigil ako sa mabato batong parte ng beach at humarap sa dagat.

Ang peaceful. Ako kaya? Kailan ko kaya mararamdaman na tahimik ang buhay ko?

Gustong gusto kong saktan ang sarili ko. Ang daming what if na lumilitaw sa utak ko. What if five years ago, ginawa ko ang tama? Pero kaya rin siguro maling desisyon ang nagawa ko kasi napakabata ko pa. Masyado akong takot, hindi ko lang maamin. Kaya sa sobrang takot ko hindi ko naisip na may mga malalagay ako sa alanganin ang buhay.

Pero bakit ngayon parang nasa bingwit na ako ng kamatayan sa nangyayari? Bakit pakiramdam ko anytime susuko na ang katawan ko? Lalo na yung puso ko. Sobrang bigat na sa pakiramdam.

"ANG TANGA TANGA MO KASI, CATASTROPHE! SANA HINDI KANA LANG NABUHAY! NAPAKALAKI MONG TANGA!" sinigaw ko iyon ng napakalakas. Sa ngayon ang alam ko lang ang pagsigaw na lang ang tanging makakapagpagaan sa loob ko.

Tumulo nanamang muli ang mga luha ko. Hindi ba kayo nauubos!?

Dumampot ako ng bato at malakas na hinagis iyon sa dagat. Inis na inis na ako sa sarili ko. Mali. Hindi inis. Galit. Kinamumuhian ko ang sarili ko sa nangyayari ngayon.

Napaupo ako habang patuloy na tumutulo ang mga luha ko. Yumuko ako at humawak ng mahigpit sa bato.

"Tama na... Sobrang bigat na," sabi ko sa gitna ng paghikbi.

They Meet AgainWhere stories live. Discover now