19

605 38 1
                                    

Point of View: Meca

"alam mo kung hindi lang bongga ang eyeliner ni perzikiel baby, aakalain kong lalaki talaga siya at magpapalahi ako." napalingon ako sa nagsabi niyon sa likod ko at inirapan.

mag isa lang ako ngayon at pinanonood ang section nila perky na naglalaro sa field. at kanina pa nangangati ang kamay ko na manapak dahil bukod sa iniiwasan parin ako ni perky, panay ang tsansing ng mga babae sa kaniya. hindi nakakatuwa! dagdag mo pa ang mga babaeng nanonood sa kaniya na halos paglawayan na siya.

bakit naman kasi ang gwapo maglaro ni perky ng volleyball? lalo pa siyang gumwapo sa silver niyang buhok, kahit pa ba may makapal na eyeliner siya hindi ito nakabawas sa kagwapuhan niya hustisya nalang po.

napasigaw ako at napatalon ng manalo ang grupo nila perky, nagtatalon talon sila at nagyayakapan di naman nakalagpas sa paningin ko ang pagyakap niya sa mga yumakap na babae sa kaniya. di ko maiwasang mainis, malungkot at mainggit.

noon kasi close kami ni perky, hindi kami mapaghiwalay nakakalungkot lang na nagkaroon na kami ng sari-sariling mundo. sariling mundo niya tapos ako siya yung mundo ko. ayie. pero pwera biro, we used to be bestfriend. pero simula ng umamin ako sa kaniya nagkaroon na ng lamat sa pagitan namin.

napalingon sa gawi ko si perky kaya ngumiti ako ng matamis at pumalakpak sa kaniya pero iniwas niya lang ang tingin sa akin kaya pumalakpak ulit ako at umalis na sa field.

i am walking with my heads down palabas ng school. kaya ang labas na untog ako sa pader–ay hindi tao pala.

nanlaki ang mata ko ng makita si perky sa harapan ko mismo.

"a-ah?" tanong ko. okay kalma meca.

"nana ask me a favor to get you home." sabi nito. nanlaki ang mata ko, si nana?

"h-ha? b-bakit?" nauutal pa rin ako. kasi naman, he's dripping wet, nakasuot pa siya ng muscle shirt at nasa harapan ko siya mismo. nag-uusap kaming dalawa without cherry, ezra and airy. hindi kasi ako kinakausap ni perky kapag wala sila cherry. ako lang naman ang makulit na paulit ulit na kinukulit siya kahit tinataboy na niya ako.

"hindi ko alam. sumakay ka na, babae." sabi nito. napatingin ako sa likuran niya, dala niya pala ang sasakyan niya. ayos na ito?

hindi ko maiwasang hindi matuwa dahil makakasakay ulit ako sa sasakyan ni perky.

tahimik lang kaming dalawa sa loob ng sasakyan. natutuwa ako ngayon ko na lang ulit nakasabay si perky pauwi.

"oo nga pala, wala kayong practice?" tanong ko. kasi malapit na ang interschool sports finals eh.

"waley." maikling sagot nito.

"a-ano, paano pala sinabi ni nana sa'yong ihatid ako ngayon?" tanong ko. tiningnan niya ako sa saglit at balik daan ulit ang tingin.

"i went to your house, yesterday." casual na sagot nito, napamura ako sa utak ko kung gaano ka-swabe ng pag-eenglish nito.

"HA?" nagulat ko ata siya kaya nagsorry ako. "i mean ha? pumunta ka sa bahay kahapon? bakit hindi ko alam? napakaduga." tuloy tuloy kong saad.

"dinalaw ko si nana, bakit kailangan ko ipaalam sa'yo? aber?" sabi nito.

"para mabigay ko sa'yo ito." sakto namang naka red lights kaya nakahinto ang sasakyan at binigay ko sa kaniya ang regalo ko.

"ano 'to?" maarteng sabi nito. hay naku kung di ko lang gusto ang isang ito baka nilayasan ko na.

"edi suman, puto at kutsinta. peace offering hehe." sabi ko. tiningnan niya ako ng matagal. napaiwas ako ng tingin. hindi niya ba nagustuhan?

"usually kapag peace offering, chocolates and teddy bears don't you know how baduy you are? really? puto, kutsinta and this suman?" sabi nito. masama akong tumingin sa kaniya.

"hoy kung ayaw mo niyan huwag mo ng laitin gawa ko 'yan! at hindi baduy ang pagbibigay ng classic pinoy foods, sabi ni nana. kaya nga nagpaturo pa ako sa kaniya diyan." litaniya ko sa kaniya.

"lahat ng kabaduyan sinalo mo na, alam mo ba yon?" sabi nito. "fine kung ayaw mo nito, akin na!" angil ko at agaw sa kaniya ng bilao pero hindi niya binitawan ito.

"heh! sabi mo peace offering tapos binabawi mo naman? ano bang sininghot mo, bruha ka?"

"eh ayaw mo naman kasi!"

"sinong may sabing ayaw ko ha? bruha ka talaga!"

"ayaw mo kasi baduy!"

"wala ng bawian! akin na ito, che."

"ayaw mo sabi mo!"

"hindi ko ayaw."

"so gusto mo nga?"

"oo, gusto ko! kulit nito, shut up na nga green light na teh."

napatahimik ako dahil sa sinabi niya. gusto niya! nagustuhan niya.

"oh bakit ka nakangiti diyan?" tanong nito. hindi ko namalayan na nakangiti na pala ako.

"hehe sabi mo gusto mo kahit baduy hehe" sabi ko inirapan niya ako at tinaasan ng kilay.

"oh eh ano?" tanong nito ngumiti lang ako sa kaniya ng pagkatamis tamis.

nagustuhan niya kahit baduy edi may chance na magustuhan niya ako kahit baduy. saka ito ang kauna-unahang bigay ko ang nagustuhan niya kahit nilait niya.

hindi naman masamang umasa diba? napa buntong hininga ako at tumingin sa gwapong nagmamaneho sa tabi ko.

hindi ko alam kung manhid siya o wala siyang kamuwang muwang na maraming nagkakagusto sa kaniya at isa na ako doon, hindi niya alam na maraming naapektuhan sa bawat sinasabi niya.

pero gayunpaman handa akong gawing gwapong straight si perzikiel byun kahit pa man kalakip no'n ay sakit. 

'wag ako | on-going Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon