Nahuli niya akong nakatitig sa kanya kaya napaiwas ako ng tingin. At tumingin sa labas ng bintana. Bumilis ang tibok ng puso ko.

" Gawain mo talagang manitig? " aniya sa matigas na tono. Kaya agad akong napalingon sa kanya. Seryoso siyang nagmamaneho .

" Hi-hindi ah! " Shit. Nauutal pa ako. Ngumiwi siya sa sagot ko. At hindi na umimik ulit.

Bigla kaming napahinto sa isang kinakalawang na gate.  " We're here. " aniya.

Nandito na pala kami. Lumabas siya at binuksan ang backseat at kinuha ang mga gamit namin. Kinalas ko ang aking seatbelt at lumabas.  Napatingin ako sa itaas ng gate ay may nakalagay doon na ' Welcome to Mountain Avila' .  May ilang sasakyan akong nakita na nakaparada. Hindi lang pala kami ang mga tao na aakyat, may iba pang tao pala.

Nilapitan ko si Keller at kinuha ko ang aking backpack at sinuot. Ganun din ang ginawa niya pero siya ang nag presentang bitbitin ang basket na puno ng ilang pagkaing dala ko. Pagkatapos ay sinarado agad niya ang backseat at nagsimula na kaming maglakad paakyat.

Umuna siyang naglakad sakin. At nasa likod naman ako sumusunod sa kanya. Maputik pala at medyo madulas ang lupa. Kaya nahihirapan akong umakyat at Minsan nahuhuli ako sa pagakyat. Napatingin ako kay Keller na walang kahirap hirap sa pag akyat.

Siguro mountain climber ang lalaking to.

Pilit kong habulin siya sa pag akyat pero nahirarapan talaga ako. Napakamot na lang ako sa ulo ko. Wala pa nga kami sa pinakadulo ay napapagod na ako. Muntik pa akong madulas at agad akong napahawak sa isang ugat ng puno. Kung hindi pa ako nakahawak ay gumulong na ako pababa.

Tinignan ko ang rubber shoes ko at puno na ito ng putik. Pinilit kong umakyat ulit at madudulas na sana ako ng may humawak sa bewang ko at napasubsob ako sa matigas niyang dibdib. Napaangat ako ng tingin at si Keller. Biglang may naramdaman akong kakaiba sa tiyan ko. Sa posisyon namin ngayon ay parang nakayakap siya sakin. Tinulungan niya akong makaakyat na hawak ang isang kamay ko. Randam ko ang init ng palad niya sakin. Bawat hakbang niya ay hawak niya ang kamay ko at nasa likod ako nakasunod sa kanya.

Ilang oras kaming natagalan sa pag akyat dahil sa daan. Sa wakas naman ay nasa tuktok na kami ng Mount.Avila. Napanganga ako sa ganda ng view. Kitang kita ang kabuuan ng Kampo De Villa. Ang lamigin falls, Villa Farm, ilog at ilang mga kabahayan nito. Kinuha ko ang aking DSLR sa backpack ko at kumuha ng litrato.

Kinuhanan ko ng picture ang ilang kasama namin na masayang pinagmasdan ang kagandahan ng Kampo De Villa. Napatingin ako kay Keller na nag lapag ng isang mantle at inilabas ang ilang pagkain . Kinuhanan ko siya ng litrato habang ginagawa niya iyon. Napangisi ako at tinignan ang picture.

Pwede siyang maging model sa isang mens magazine.

Napatingin siya sakin at kumunot ang kanyang noo. Siguro naramdaman niyang kinukuhanan ko siya ng litrato. 10 shots ang ginawa ko. Dahan-dahan akong lumapit sa kanya at umupo. Kumuha ako ng tuna sandwich at kumagat. Kumuha si Keller ng isang canned juice at binuksan niya iyon. Itinapat niya ito sa bibig niya. Kitang kita ko kung paano gumalaw ang adams apple niya habang ininom niya iyon. Napalunok agad ako. Nahuli na naman niya akong nakatingin sa kanya kaya agad siyang tumigil sa pag inom at pinunasan ang bibig niya gamit ang kanyang kamay. Napaiwas ako ng tingin habang ngumunguya.

" So..hindi mo talaga gawain ang manitig? Anong tawag sa ginawa mo kung ganun? " diretsyo niyang tanong. Kita ko sa gilid ng mata ko na nakatingin siya sakin.

" Bawal bang tumitig sayo? " mahina kong sabi. Pero ramdam ko na narinig niya ang sinabi ko.

" Oo.Bawal." aniya at nakatuon na ang kanyang tingin sa langit.

Napatingin ako sa kanya. " Bakit bawal? May girlfriend ka? Kaya bawal? "

Hindi siya umimik at nakatingin lamang sa langit. Kumirot ng kaunti ang puso ko. Siguro may girlfriend siya o nililigawan kaya bawal tumitig sa kanya. Ano naman ngayon? Ah. Basta wala akong pakealam.

Napatingin ako sa ilang babae na nakatingin sa direksyon namin at kilig na kilig. Napalingon ako sa kasama kong walang pakealam sa mundo. Hindi ko masisisi na maraming nagkakagusto sa lalaking ito. Gwapo. Mala Adonis ang dating. San ka pa?

Tinignan ko na lang ang ilang pictures na kinuhanan ko. Ang gaganda. Kukuha na sana ako ng picture kaso may lumapit na limang binatilyo sakin.

" Hi Ate Maganda! " sabi nung lalaking medyo matanda sa kanila. " Pwedeng papicture? " . dugtong niya. Nagngisian naman ang mga kasama niya.

Napatingin ako kay Keller na walang pakealam sa paligid niya. Napabalik ako ng tingin sa mga binatilyong nasa harapan ko. " Okay ". Ngitian ko sila.  Naghiyawan naman silang lima.

Tumayo ako at pumagitna sa kanila. Yung background namin ay ang kabuuan ng kampo de villa. May sarili naman silang camera at nakatatlong shots kami. Inakbayan ako nung isa. Nagulat naman ako sa ginawa niya. Gusto kong tanggalin ang pag kakaakbay niya sakin. Pagsasabihan ko na sana siya ng may humila sakin.

" Pag sinabing picture. Picture lang! Walang kasamang akbay. " malamig na sabi ni Keller sa kanila. Nag sorry yung umakbay sakin at bago sila umalis ay nag thank you naman sila sakin.

Napatingin ako kay Keller at niligpit niya na ang mga gamit namin. " Let's go home. " malamig niyang sabi.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Dec 03, 2017 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Behind Her MaskWhere stories live. Discover now