MIGGY

54 3 7
                                    

Nang matapos mag-exam si Sabrina, nilapitan sya ni Miggy.
"My favorite lady! Kamusta?" Nakangiting bati ni Miggy
"Ayan ka na naman MIggy ha. Wag mo ko simulan." Nakangiti ding sagot ni Sabrina
Naging maayos ang pagkakaibigan ni Sabrina at Miggy magmula nong insidente ng panununtok ni Miggy kay Daniel. Okay sila sa classroom, madalas nag-aasaran. Ngunit. Mabilis itong nalayo pag nakikitang magkasama na sila ni Daniel. Anuman ang dahilan ni Miggy, hindi na inurirat pa ni Sabrina yon.
"Uwi ka na?" Muling tanong ni Miggy
"Aantayin ko si Daniel e." Matipid na sagot ni Sabeina
"Sige, samahan kita mag-antay, pag andyan na sya, aalis na ako. Pwede?" Wika ni Miggy
"Hindi naman kailangan. Kaya ko na." Sagot ni Sabrina
"Wala naman ako gagawin eh. Kwentuhan muna tayo para di ka mainip." Pamimilit ni Miggy.
Hindi na nakipagtalo pa si Sabrina. Sinamahan sya ni Miggy mag-antay. Nagkwentuhan sila, nag-asaran.
Tatlong oras na silang nag-iintay ng di pa din nadating si Daniel.
"Alas tres na ah." Sambit ni Miggy
"Mauna ka na. Hinatyin ko pa rin sya. Baka kung saan lang napadaan." Sagot ni Sabrina
"Antayin pa din kita." Sabi ni Miggy sa dalaga
Alas singko na pero walang dumating na Daniel. Ilang beses na nya itong tinext at tinawagan pero hindi nasagot. Kinakabhan si Sabrina. Nakakaramdam sya ng mabigat na kalungkutan ng mga oras nay un.
Nagpumilit si Miggy na ihatid sya pauwi.
"Okay ka lang?" Pag-aalala ni Miggy
"Yes. Baka may pinuntahan lang yon." Pilit na ngiting sinambit ni Sabrina
Nanginginig ang mga dalliri nya, hindi nya gusto ang ganitong pakiramdam.
Alas sais na ng makarating sya sa condo nya.
Ilang oras pa ang lumipas. Hindi makatulog si Sabrina. Maraming tanong ang tumatakbo sa isip nya.
"D is calling..."
Halos mabiatawan nya ang cellphone pagsagot.
"Babe!" Mabilis nyang pagsagot
"Sab, sorry ah. Something came up. Dumating mga barkada ko e. Di kita nasundo. Sorry." Pagpapaliwanag ni Daniel
Parang nabunutan ng tinik si Sabrina sa narinig.
"It's okay. Kamusta? Nakauwi ka ba?" Tanong ni Sabrina
"Oo. Okay na. Ikaw kamusta? Pasensya na talaga ah." Muling sambit ni Daniel
"Okay lang. Tuloy ba tayo bukas?" Tanong ni Sabrina
"Tungkol nga don, nagkaayaan kasi kami nong mga barkada ko galing Manila na lumabas bukas. Next time tayo ha? Bawi ako." Pagpapaliwanag ni Daniel
"Ah sige. Message mo na lang ako bukas. Pahinga ka na, babe." Wika ni Sabrina
"Good night Sabrina. I am still eager to deserve you." Pagwawakas na sagot ni Daniel
Nakatulog na sya ng gabing yun.
Dahil Sabado at wala silang lakad ni Daniel naisip nya na pumunta sa Mall at magliwaliw. Namili sya ng kung anu-ano. Matagal na nong huling beses na tinreat nya ang sarili.
"Miggy is calling..."
"Yes, Miggy?" Sagot ni Sabrina
"Favorite Lady!" Bati nito sakanya
"Stop the bola. Ano yun?" Tanong ni Sab
"Nood tayo Sine. Nandito ako sa Mall. Wala akong kasama, ang weird naman." Akit ni Miggy
"Talaga? Andito ako sa deaptment store. Tara." Pag-sang ayon ni Sabrina
Nagkita sila ni Miggy. Nanood ng sine. It was a very good day. Hindi halos naisip ni Sabrina si Daniel. Ayaw nya itong istorbohin dahil alam nya na nageenjoy itong kasama ang mga kabarakda nya at dahil napag-usapan nila ang "personal space" nasanay na sya na tatawag lang ito kung kailan nya gusto.
Habang nagdidinner si Sabrina at Miggy.
"Sab, can I ask you a personal question?" Tanong ni MIggy
"Yes. Wag lang below the belt." Nakangising sagot ni Sabrina
"Ano nagustuhan mo kay Daniel?" Seryosong tanong ni Miggy
"Alam mo kasi Miggy, ako kasi yung tipo ng babae na pag may gusto, yun na talaga. Walang rason. Walang dahilan." Sagot ni Sabrina
"Is he worth it?" Malamlam na tanong ni Miggy, "I mean, all the tears, worth it ba?" Pagpapatuloy nito
"Tatagal ba ako kung hindi? Masaya ako sakanya." Muling sagot ni Sabrina
Hindi na muling nagtanong si Miggy. Hinatid nya si Sabrina pag-uwi. Nang makarating sila sa pinto ng condo ni Sabrina. Biglang lumuhod si Miggy, may nilabas na singsing. Nagukat si Sabrina.
"Miggy, ano yan?" Tanong ni Sabrina
"Sabrina. I love you. From the very first day I met you, I do. Gago siguro ako kasi hindi ko sya naiparamdam sayo ng tama, pero mahal kita. Wala kang dapat isagot. Tanggapin mo lang yung singsing. Isuot mo na lang pag handa ka ng magpaligaw sa akin. Alam kong malabo pa. Pero, Sabrina, mahal kita. No pressure. I can wait."
Hindi nakasagot si Sabrina. Iniabot ni Miggy ang singsing. Humalik sa pisngi nito at umalis.
Tulala magdamag si Sabrina nang gabing yon.
"Good night, Sabrina. Sana walang magbago satin." - Miggy
"Yes, Miggy. Wala. I am shocked. Pero, THANK YOU." - Sabrina
Nagising sya ng ala una. Chineck nya ang phone nya pero wala pa din message o tawag si Daniel. Muli na namang bumigat ang puso nya. Nag-decide syang tawagan si Miggy at nagbakasakaling gising ito.


"Hello?" Pupungas pungas na sagot ni Miggy


"Sorry, did I wake you?" Sagot ni Sab


"Mejo. Pero, okay lang. Ano meron?" Sagot ni Miggy


"Kain tayo. I'm feeling blue." Malamlam na sagot ni Sab


"Punta ko dyan. Wag ka aalis." Nagmamadaling sagot ni Miggy


After 30 minutes may dalang Pizza, Chocolates at Beer si Miggy.


"Wow. All out." Nakangiting bati ni Sabrina


"Nagpanic ako. Sabi mo malungkot ka e." Sagot ni Miggy.


"Si Daniel, hindi na naman nagparamdam. Mula kahapon." Malungkot na sagot ni Sabrina


"Ano bang sabi nya before that?" Usisa ni Miggy


"May outing daw with HS friends e." Malamlam nya uling sagot


"Baka naman nalasing lang. Don't overthink. Tsaka, okay naman kayo di ba? Wala yan." Nakangiting sahot ni Miggy


Napangiti na lang si Sabrina sa narinig.


Meron pa palang mas martir sa akin. Ikaw yun MIggy. Bulong nya sa sarili.


Inubos lang nila ang beer na dala ni Miggy at umalis na din ito. Halos alas dos na ng hapon nang magising si Sabrina.


"When you wake up and still feeling blue, gimik tayo." - Miggy


Napangiti sya sa text nito. Pero, mas naiisip nya si Daniel. Hindi nya napigilan ang sarili, sinubukan nyang tawagan at i-text pero hindi nasagot. Inip na inip sya sa araw na yon. Alas sais ng maisipan nyang tawagan si Miggy.


"I'm still feeling blue." Malamlam na sambit ni Sabrina


"Wala pa din?" Nag-aalalang sagot ni Miggy


"Wala." Nagsimula ng umiyak si Sabrina, "Miggy, bakit ang sakit?"


"Please, ayoko naiyak ka. Di ko kaya. Wait there. Punta na ako." Nagmamadaling sagot ni Miggy


Dumating si Miggy. Nakahiga sya sa sahig at nkatulala sa kisame.


"Hoy. Ano ba yan. Bihis na. Wag ka ng umiyak." Binuhat sya ni Miggy sa sofa.


"Ayoko. Wala ako sa mood." Nagpunas ng luha si Sabrina.


"Sige na Miss. Wag kang magmukmok. Tatawag din yun." Wika ni Miggy


Niyakap nya si Miggy. At umiyak ng umiyak. Hinahaplos ni Miggy ang likod nya. Ramdam nya ang awa nito sakanya.


Gumimik sila nang gabing yun. Siguro nga, tama si Miggy. Baka nag-o-overthink lamang sya. Babalik din ang lahat sa normal.


Masayang-masaya silang sumayaw, uminom ni Miggy. Kahit papaano gumaan ang pakiramdam nya. Hinatid sya ni Miggy ng alas dos ng madaling araw.

Book 1: AnswersWhere stories live. Discover now