Painful Game

39 3 2
                                    

“Bili tayo ni Beer, babe. Game ka?” Pag-aakit ni Daniel sakanya
“Let’s! Tagal na natin di nainom no?” Nakangiting sagot ni Sabrina
“Nagbabagong buhay ka na ata eh.” Pang-aasar ni Daniel
“Tantanan mo ako, Mr. Buenavista.” Natatawang sagot ni Sabrina
Lumabas si Daniel para bumili ng beer. Nang biglang tumunog ang cellphone ni Sabrina.
“Inom tayo, Ms. Veluz” – Miggy
“You want now? Punta kayo dito sa bahay. Bring your friends. Andito si Daniel” – Sabrina
Hindi nya alam bakit sya pumayag. Siguro, sobrang saya ng puso nya nang panahong yun kaya di na nya naisip ang galit kay Miggy.
Nagkaroon ng biglaang house party kina Sabrina nang mga oras na yon. Nandon ang barkada nina Miggy pati ang boyfriend ni Bianca at syempre si Daniel. Sobrang saya ng gabing yun. Lahat ay sumasayaw, nagsasaya at nagpapakalasing. Lumalim ang gabi, nakayakap sakanya si Daniel habang nagkakasiyahan ang lahat. Hindi sila mapaghiwalay.
“Pare, bitawan mo naman!” Pang-aasar ni Miggy kay Daniel
Ngumiti lang si Daniel.
“Spin the bottle tayo!” Akit nang isang kaibigan nilang si Rob
Umikot ang bote. Ilang beses. Tinapatan si Sabrina.
“Truth or Dare?” Patiling tanong ni Bianca
“Dare.” Mariing sagot ni Sabrina
“Sige, total first time nyo naman magkasundo ni Miggy. I-sayaw mo si Miggy ng sweet for 2 minutes. Don kayo sa kabilang room.” Pangangantyaw ni Bianca
“Teka, bakit yun? Wala na bang iba?” Pag-angal ni Daniel
“Bawal tumanggi.” Pag-aalma ni Rob
Pumunta si Miggy at Sabrina sa isang kwarto at sumayaw ng sweet. Inip na inip si Sabrina. Ang tagaaaal ng oras. Hindi sya komportable.
“Sabrina…” Mahinang bulong ni Miggy
“Ano na naman?” Sagot ni Sabrina
“Kahit kunwari lang…” Mahinang bulong nito
Walang nasabi si Sabrina. Ang sincere ng pagkakasabi ni Miggy. Parang tumagos sa puso nya. Hindi sya mapakali. Ganoon din ba ang kanila ni Daniel? Kahit kunwari lang?
Natapos ang dare sakanila. Muling umikot ang bote. Tumapat naman iyon kay Miggy.
“Truth or Dare?” Muling tanong ni Bianca
“Truth. Once and for all, truth.” Sagor ni Miggy
“Mayroon na bang nagpapatibok ng puso mo ngayon?” Tanong ni Sean, isa rin nilang kaibigan
Naghiyawan at nagkantyawan ang lahat.
“Meron. Matagal na.” Diretsong tumingin si Miggy kay Sabrina pagkasambit nito.
“Hindi na pwede ang follow-up question.” Pagputol ni Sabrina
Ilang beses pang umikot ang bote nang mapatapat iyon kay Daniel.
“Truth or Dare, pare!” Pahamong tanong ni Miggy
“Truth.” Sagot ni Daniel
“Ano sayo si Sabrina?” Diretsong tanong ni Miggy
“Tangina naman Miggy. Eppal mo lagi.” Pag-sabat ni Sabrina
Matagal na natahimik si Daniel. Hindi sya makasagot.
“Hindi ko talaga alam.” Nakatungong sagot ni Daniel
Parang sumabog ang puso ni Sabrina sa narinig. Natahimik ang lahat. Gustong lumubog sa kinauupuan ni Sabrina. Nang mga oras na yon, durog na durog sya. Gusto nyang humingi ng tulong dahil nararamdaman nyang papatak na ang luha nya.
“Hindi ko talaga alam”, apat na salita, tangina, apat na salita lamang ang dududrog sa puso ko. Apat na salita lamang ang tatapos sa masayang pagkukunwari. Sana hindi ko na lang narinig. Sana wala na lang paraan para marinig ang katotohanan. Apat na salita lamang, apat na pinakamasakit na salita lamang.
Nakatulala lamang sya habang kumakawala ang mga luha nya.
“Cheers na lang!” Pagbabasag ni Miggy sa katahimikan.
Nag-inom pa silang lahat hanggang sa maguwian na din. Naiwan si Daniel at Sabrina sa sala.
“I’m sorry.” Banggit ni Daniel
“Please stop saying sorry.” Malumgkot na sagot ni Sabrina
“Hindi ka ba galit?” Tanong ni Daniel
Tumingin si Sabrina kay Daniel. “Galit ako. Galit ako sa sarili ko kasi di ko magawang magalit sayo. Gusto kong magalit sayo, hindi ko kaya.” Napahagulhol si Sabrina pagkatapos sambitin ang mga salitang yun
“I don’t deserve you, Sabrina.” Muling sagot ni Daniel sakanya
Wala syang naisagot sa binata. Niyakap nya ito.
“Please, deserve me. I want you so bad.” Nag-susumamong wika ni Sabrina
Niyakap din sya ni Daniel. “I’m sorry.” Pagkasambit nito, hinalikan sya ni Daniel sa mga labi. Marahan lang pero sapat na para maramdaman ni Sabrina na sa kanya si Daniel, kahit sandali lang, kahit kunwari lang. Lumaban sya ng halik sa binata, binuhat sya nito papunta sa kwarto nya. Ang gabing yun, wala syang pakialam sa mundo. Gusto nyang maramdaman si Daniel. Gusto nyang maramdaman na may karapatan sya sa binata. Ibinigay nya ang pagkababae nya dito.

Book 1: AnswersOnde as histórias ganham vida. Descobre agora