The Past

1.7K 80 3
                                    

I.

"Maganda ba siya." Tanong ko.

Nahinto sa pagpindot ng kanyang cellphone si Tyson at tumingin sa akin.

Nasa tree house kami ngayon sa Bermudez farm.

"Who?" Nagtatakang tanong niya sa akin.

"Si Zurie," sabi ko. Si Zurie ay ang ex-girlfriend niya na taga Manila.

Ako naman ang kumalikot sa cellphone ko pero nakikiramdam sa kanya.

"Syempre maganda, pipili ba ako ng hindi maganda." Sabi niya.

Napasimangot ako. Ede, wow. Tiningnan ko si Tyson at kita kong nagpipigil siya sa pagngiti.

"Bakit nakasimangot ka?" Natatawa niyang tanong.

"Of course not! Bakit naman ako sisimangot? Natanong ko lang naman." Kaila ko naman.

"Aysus...deny ka pa." Pang-aasar pa niya. Tapos balik siya sa pagpindot sa cellphone niya.

"Ede, wow...magsama kayo." Bulong ko pero sinadya kong iparinig sa kanya.

Umiling- iling lang siya.

"Halika ka nga dito." Inabot niya ang kamay ko at hinila ako palapit sa kanya. Inakap niya ako.  "Zurie is already my past. Yes, she's pretty pero di hamak na mas maganda ka sa kanya. You know what, di ba hindi ka pa nakakarating ng Manila? We're going there tomorrow. Gusto kong magbakasyon tayo dun." Sabi ni Tyson.

"Talaga?" Naexcite naman ako.

II.

Kinabukasan alas tres pa lang ng madaling araw ay gising na kami ni nanay Cynthia para magluto ng almusal at babaonin namin ni Tyson sa byahe.

From mansion ihahatid kami ni kuya Obet sa pantalan. Sasakay kami ng ferry boat hanggang Nasugbo Batangas, ilang oras ding byahe sa dagat. Bandang ala una daw ng hapon nasa Batangas na kami. Tapos may naghihintay ng sasakyan doon sa amin na magiging service namin habang nasa Manila kami. Nerentahan ito ni Tyson.

First time kong magbyahe kaya excited ako lalo't kasama ko siya. Higit sa lahat alam kong may matutunan ako sa byaheng ito, iyon ay kung paano pumunta ng Manila.

Nagsaing ako, tapos nagluto ng pork adobo at fried chicken si nanay Cynthia. Dinagdagan pa niya ng chicken nuggets at sandwich.

"Mahirap na, baka gutomin kayo sa byahe. Ilang oras din kayo sa gitna ng dagat. Gisingin mo na si sir Tyson, Miks. Baka tanghaliin kayo." Utos ni nanay Cynthia sa akin.

Pinuntahan ko si Tyson sa kuwarto niya. Nahihimbing pa rin siya. Ang gwapo talaga niya. At ang sexy niyang tinganan sa suot niya white sando at boxer lang.

"Oy...Tys. Gising na. Mag-aalmusal na tayo tapos maliligo ka pa." Mahina kong niyugyog ang balikat niya.

"Hmmm...kailan ko ba maririnig na tatawagin mo kong love?" Sabi niya habang nakapikit pa rin.

Naku naglambing pa talaga, eh?

Okay, ede pagbigyan. Kesa naman sa tanghaliin kami.

"Love...gising na. Breakfast is ready. Maliligo pa tayo, baka tanghaliin tayo." Bulong ko sa kanyang tenga.

Inakbayan ako ni Tyson kaya tuluyan na kong napahiga sa tabi niya.

"Twenty minutes love, just wanna hug you like this." Bulong niya. Ramdam ko ang kanyang morning erection. Gosssh...nakakatempt naman...charot.

Naisip ko na halikan siya sa pisnge. Kaya hinalikan ko siya. Madalas siya ang naglalambing sa akin. At gusto kong ako naman ang maglambing sa kanya ngayon. Gusto kong samantalahin ang pagkakataong magkasama pa kami.

Hindi ko hawak ang magiging sitwasyon namin sa future. What if mawalan ako ng pagkakataong lambingin siya? Ayaw kong dumating ang time na pagsisihan ko iyon.

Ayaw kong dumating yung time na wala akong baoning ala-ala mula sa kanya. Ayaw kong dumating yung time na kahit gusto kong mahawakan man lang ang pisnge niya ay di ko na pwedeng gawin.

Umakap din ako sa kanya.

"Hmmm...ang sarap naman. Parang mas gusto kong ikaw ang gawin kong almusal kesa adobo ni nanay Cynthia." Malambing na sabi ni Tyson sa akin.

"Gusto mo ba?" Malande ko namang bulong sa kanya. Ewan di ko alam kung anong malandeng espiritu ang pumasok sa pagkatao ko ng mga oras na iyon.

"Tatanggi ba ako sa ligaya? Ikaw ang ligaya ko love." Bulong ni Tyson sa tenga ko na lalong nagpabuhay ng sensasyon sa katawan ko.

Alam ko na ang gagawin ko. Dinama ko ang kanyang harapan at nilambing lambing iyon. Hinalikan ko nang marahan. Ipinadama ko ang init ng aking mga labi. At dinala ko siya sa langit ng ligaya.

III.

Exactly nine o'clock ay nasa ferry na kami at bumabyahe na.

May solong cabin kami.

"Kapag you feel dizzy sabihan mo lang ako love. Samahan kita sa lavatory." Sabi ni Tyson sa akin. Hinahaplos niya ang likod ko.

First time kong magbyahe sa dagat kaya naman kakaiba sa pakiramdam ko.

"Don't worry, uminom naman ako ng anti hilo love. Medyo naninibago lang ako." Sumiksik ako sa leeg niya. Gustong gusto ko ang amoy ng leeg ni Tyson. Nawawala ang hilo ko.

"Ang init ng hininga mo love...you're making me hot." Bulong ni Tyson.

"Gusto mo ba love?" Tanong na biro ko.

Tumawa ng malakas si Tyson.

"Kaya mo ba love? Tayong dalawa lang dito. Hahaha." Inakap ako ng mahigpit ni Tyson."Joke lang love. Just take a rest. Hug lang kita ng mahigpit." Puno ng lambing na sabi niya.

Subrang saya ko ngayon. Sana nga lang habang buhay kaming ganito.

IV.

Ala una ay nasa Nasugbo Batangas na kami. Hindi naman ako gaanong nahilo.

Pagbaba namin ng ferry boat ay may naghihintay na nga sa aming sasakyan.

Alas tres ng hapon ay nasa lobby na kami ng condo building kung saan naroon ang unit ni Tyson.

First time kong sumakay ng elevator. Hinawakan ni Tyson ang kamay ko.

"This is what elevator, love." Mahinang bulong niya sa akin. May iba kasi kaming kasabay sa elevator.

Huminto kami sa nineteen floor. Pumasok kami sa isang napakaganda at modernong kwarto.

"This is my room, love." Sabi ni Tyson, akap akap niya ako at hinahalikan.

"Wow..ang ganda naman. Ikaw lang ba talaga ang nakatira dito?" Tanong ko.

"Yes love...come here." Dinala ako ni Tyson sa may bintana. Hinawi niya ang kurtina."That's almost the whole Ayala avenue." Tumambad sa akin ang napakadaming matataas na buildings pero ang gandang tingnan.

"Wow..ang ganda naman." Nasabi ko na lang.

"Iikotin natin yan, love. Madami tayong pupuntahan. Magdidate tayo everyday." Bulong ni Tyson."We will make hundreds of beautiful memories."

"Thank you, love. Subrang naappreciate ko lahat ng efforts mo to make me happy. Sana napapasaya kita love." Sabi ko.

"Of course, you always makes me happy." Sabi niya.

We are kissing nang may kumatok.

Napilitan si Tyson na buksan ang pinto.

Bigla lang na may isang babae ang mabilis na umakap kay Tyson.

"Tys...oh babe..I miss you." Sabi nung babae.

"Zurie..." sabi ni Tyson.

Siya pala si Zurie? Maganda nga siya.

Medyo nasasaktan ako sa nakita ko.

Written by: mikzylove

Let It Be Me (Completed)Nơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ