I Don't Want You To Go

1.9K 86 5
                                    

I.

Nakatingin ako sa labas ng bintana at pinagmamasdan ang magandang hardin sa mansion ng mga Bermudez.

Kung hindi kaya nila ako kinupkop, asan kaya ako ngayon?

Masaya akong mahal ako ni Tyson, pero hindi buo ang kaligayahan ko. May takot ako. Alam kong pwedeng hindi rin ito magtatagal, maaaring dumating ang panahon na iiwan ko siya. Kaya kailangang paghandaan ko iyon.

"Bakit ang lalim ng iniisip mo?" Tanong ni Tyson sa akin. Inakap niya ako mula sa likod.

Hindi ko namalayan ang pagpasok niya sa aking kwarto.

"Iniisip ko lang, kapag dumating iyong time na kailangang iwanan ko ang lugar na ito. Saan kaya ako pupunta?" sabi ko.

"Bakit ka nag-iisip ng ganyan? Don't stress yourself. Hindi mo kailangang umalis dito." Sabi ni Tyson.

"What if dumating 'yong time na kailangang iwanan ko talaga ang lugar na 'to. What if kailangan kong iwanan ka, hahanapin mo ba ako?" Tanong ko.

"Kung aalis ka na hindi ko alam, hahanapin kita hanggang sa makita kita ulit. Kung alam ko na aalis ka, I won't let you go, or else sasama ako sayo." Sabi ni Tyson.

"Bakit mo gagawin iyon? Paano ang future mo?" Sabi ko pa rin.

"Ikaw ang future ko." Sabi ni Tyson. Gusto kong kiligin kaya lang hindi ko dapat ipakita sa kanya na tama ang gagawin niya kung sakaling mangyari ang mga iniisip ko.

"Nag-iisang anak ka ng parents mo. Sayang ang future mo kung gagawin mo iyon. Wala sa akin ang future mo Tyson, baka ako pa ang maging hadlang don." Sabi ko. Nasasaktan ako sa sinabi pero iyon ang totoo. baka masira ko lang ang future niya.

"Hindi ko gusto ang mga sinabi mo, itigil na natin 'to please." Pakiusap niya.

Humigpit ang yakap niya. Hinalikan niya ako sa buhok ko.

"Mahal kita. I want it to lasts forever. And I will." Bulong niya.

Kaya nga sinasabi ko ito ngayon dahil alam kong mahal niya talaga ako. Ako din naman mahal ko siya, pero hindi iyon sapat para hindi mangyari ang mga iniisip ko. What if hindi matanggap nina tita Lucia at tito Ismael ang relasyon namin? What if palayasin nila ako? Or what if ako ang kailangang magdesisyong lumayo, ayaw kong gawin niya ang sinsabi niya. Ayaw kong talikuran niya ang parents niya. Ayaw kong hanapin o sundan niya ako. Ayaw kong magkasira sila ng parents niya dahil sa akin. Hindi makakaya ng konsensya ko na mangyari iyon.

"Gusto kong lagi tayong magkasama. Dito ka lang lagi sa tabi ko. Huwag mo kong iiwan." Sabi ni Tyson.

Hindi ko alam kung kaya kong mangakong hindi ko siya iiwan. Ang alam ko lang ayaw kong magkasira sila ng parents niya.

"Iisa lang ang alam kong paraan para hindi ko iwanan ang lugar na ito, sana maintindihan mo. Kung mahal mo talaga ako, kalimutan mo iyon. Alisin mo ang pagmamahal mo, kalimutan mo ang nararamdaman mo. Ganun ang gawin natin." Sumusugat sa puso ko ang mga sinabi ko.

"Gagawin mo iyon? Kaya mong kalimutan ang nararamdaman mo para sa akin?" May hinanakit ang boses ni Tyson.

"Iyon kasi ang tama. Hangga't hindi pa alam nina tita at tito ang tungkol sa nararamdaman natin. Ikaw lang ang iniisip ko." Paliwanag ko.

"You're unfair. Handa akong mawala ang lahat ng ito para sa iyo. Makasama ka lang. Pero ikaw, okay lang na mawala ako sayo, huwag lang mawala ang mga bagay na ito sayo. Kung iyan ang gusto mo, kakausapin ko na sina daddy at mommy. Sasabihin kong payag na akong ampunin ka na nila. Aalis ako, at hindi na magpapakita sa inyo. Para kapag nawala ako, sayo ang lahat ng ito." Sumbat ni Tyson sa akin.

Nakakainsulto ang mga sinabi niya, hindi ko kailanman hinangad ang yaman na para talaga sa kanya.

"Hindi ko kailangan ang yaman nyo." May diin ang boses ko. Gusto kong maramdaman niyang nasaktan ako."Iniisip ko kayo ng parents mo, siguradong magagalit sila. Bakit ba hindi mo maintindihan iyon. Ayaw kong magalit sila sayo." Sabi ko.

"Masyado kang advance mag-isip. Bakit hindi natin subukan. Kung hindi nila tayo matatanggap, hindi nila tayo mahal. Kung gusto mo talagang gawin ang sinabi mo, ibigsabihin lang hindi mo ko mahal." Sabi ni Tyson.

Pagkatapos nun lumabas siya ng kuwarto ko ng walang paalam. Sigurado akong masama ang loob niya sa akin.

II.

"Holiday bukas friend, wala tayong pasok. Anong plano mo?" Tanong ni Aileen. Pauwi na kami galing school.

"Pupunta kami bukas sa farm ng mga Bermudez, sasamahan ko si nanay Cynthia. Kukuha kami ng mga aning gulay at itlog." Sabi ko kay Aileen.

"Ganun ba? Oh, paano ba bye na. Dito na ako." Nagpalinga linga si Aileen. Parang may hinahap. "Himala ilang araw na atang wala ang service mo?" Sabi ni Aileen.

Si Tyson ang tinutukoy niya. Nitong mga nakaraang araw ay lagi kaming magkasabay umuwi sakay sa kotse niya since dito na rin siya nag-aaral.

Pero tama ang sabi ni Aileen ilang araw nang hindi ako hinihintay ni Tyson. Ilang araw na akong naglalakad pauwi mag-isa. Mula nun mag-usap kami. Hindi niya ako pinapansin.

Nasasaktan ako ng subra pero tinitiis ko na lang. Maigi na iyong matutunan niyang iwasan ako, baka dun marealized niya na hindi pala totoo ang nararamdaman niya sa akin. Para kalimutan na niya ako. Okay lang sa akin, ang importante hindi siya masira sa pamilya niya.

Kapag nagbakasyon na ang plano ko ay magpaalam ng maayos kina tita at tito. Aalis na ako sa kanila, tatapusin ko lang itong school year na 'to. Maghahanap ako ng trabaho sa Manila. Gagawin ko iyon para naman sa sarili ko. Dahil kung hindi ako lalayo araw araw parang pinapatay ko ang sarili ko. Dahil sigurado akong hindi ko kayang alisin ang nararamdaman ko kay Tyson hanggat nakikita ko siya.

Pagdating ko ng mansion ay sinalubong ako ng tawanan mula sa swimming pool. Boses ni Tyson ang isa, pero hindi ko kilala ang boses ng babae.

"Oh Miks, narito kana pala. Bilin ni sir Tyson pagdating mo dalan mo sila ni miss Lizzy ng snack sa pool. Pagkadala mo sabay na tayong magmeryenda." Sabi ni Eloisa sa akin.

"Sige, ako nang bahala." Sabi ko kay Eloisa.

Habang naghahanda ng pagkain na dadalhin ko sa dalawa sa pool ay todo kumbinse ako sa aking sarili. Okay lang iyan. Huwag kang masaktan.

Pagdating ko sa pool kitang kita ko kung gaano kasweet si Tyson kay Lizzy.

Inilapag ko ang mga dala kong pagkain at inayos ko iyon sa mesa.

"Kung may kailangan pa ho kayo, nasa kusina lang po ako." Sabi ko. Tiningnan ko sa mata si Tyson.

Kita ko sa mata niya na galit siya sa akin.

Pinilit kong ipakita sa kanya na okay lang ako.

Kahit ang totoo gusto kong umiyak.

III.

Pagkatapos maghapunan nina Tyson at Lizzy sa mansion ay inihatid niya ito pauwe.

Habang inaasikaso namin ni Eloisa ang dalawa ay pinilit kong maging okay. Tiniis ko ang sakit na nararamdaman kahit nakikita kong sinasadyang ipakita ni Tyson sa akin ang pagiging sweet niya kay Lizzy. Asikasong asikaso niya ito.

"Akala ko ba sabi ni sir hanggang kaibigan lang ang kayang niyang ibigay kay Lizzy kasi may mahal siyang iba? Eh bakit sa mga kilos nila, parang sila na?" Komento ni Eloisa.

"Malay mo nagbago ang isip." Tipid ko sagot kay Eloisa.

Tatayo na dapat ako para magligpit ng pinagkainan namin ni Eloisa ng biglang makaramdam ako ng subrang pagkahilo. Bigla na lang sumakit ang ulo ko na parang binibiyak ito.

Naramdaman kong unti unting bumabagsak ako.

Ang sigaw ni Eloisa ang huli kong narinig bago ako nawalan ng malay.

Written by: mikzylove

Let It Be Me (Completed)Kde žijí příběhy. Začni objevovat