Prologue

89.6K 1.5K 378
                                    

Mahirap bitawan ang ayaw mong pakawalan...

Mahirap lapitan ang lumalayo.

Mahirap magpapansin kapag ayaw kang pansinin.

At mahirap humabol kapag tinatakbuhan ka.

Chasing the brat is not that easy. Susubukan nito ang haba ng pasensiya at tiyaga mo.

Gugustuhin mo na lang na ibitin siya ng patiwarik para magtanda at magtino, pero paano ko nga ba gagawin 'yon kung hindi ko siya mahawakan man lang?!

"Marli..." tawag ni Travis.

"Ano?!" naiiritang nilingon ito ng dalaga.

"Gulay ka ba?"

Napairap sa hangin ang dalaga dahil nahihimigan na naman niya ang kakornihan nitong pick-up line!

Wala na itong ginawa kundi ang bwisitin siya sa araw-araw!

"Tao ako! Kakausapin mo ba ko kung gulay ako?! Sentido komon please? Kaya walang magpaligaw sayo, eh!"

Natigilan ang binata, paano binara na naman ito kelan nagsisimula pa lang itong dumiga at magpalipad hangin...

"O sige, ano na lang ang sabi ng isang posporpo sa isa pang posporo?" kambyo ni Travis.

"Tsk, match na match tayo? Gano'n? Baduy mo!"

"Mali! Wala yung sinabi! Posporo nga di ba? Nagsasalita ba yun? Kaya walang manligaw sayo eh!"

Napanganga si Marli sa pambabara nito kaya naman nasabunutan niya si Travis sa sobrang inis!

"Bwiset ka kahit kelan! I hate you!"

"I love you!" tugon ng binata at walang babalang hinatak si Marli para halikan sa labi at patahimikin.

Chasing is tiring but loving her is fulfilling...

*****

Woot! Okay lang po ba? Enjoy. This is BrateLeza Series No. 6

So number 6 na po kaya dapat dumaan po kayo sa series 1, 2, 3 and 4 bago niyo to basahin

Otherwise hindi kayo makakacope up sa mga magsusulputang characters na galing sa previous series. Keri po? Push.

I'll use the third person's point of view para sa story na ito. Hindi na single POV. For a changed. Tipong parang magbabasa lang kayo ng pocketbook. Pinost ko na po para maniwala kayong may story ang kambal. Mauuna po si Marli. However 2018 pa po ang continuation nito. I need to finish JC and Nirvanna story first. So enjoy and please let me hear your precious comments! Highly appreciated

Enjoy po.

MiziAN :*

Chasing The Brat [BTB Series 6]- [COMPLETED]Waar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu