"Mr. Successor"
A fiction story made by AGrantJTM.
Five candidates were chosen to be part of a multibillionaire company and has the chance to replace the CEO, Mr. Brenickson Xiaoxhin Sy. He has a successor, his grandson, Arthur Benedict Yuan Sy. But apparently, his grandson was missing for 20 years now and no one could find him, that's why Mr. Sy end up in choosing five candidates.
But what if the five candidates were replaced by a fake person to pretend that he is the grandson of the multibillionaire? Would the five candidates allow him? Or not? Or what if they (five candidates) allow him to have the position; would the destiny permit it? Or change it? Who will be Mr. Successor after at end?
•-•-•-•-•
"Kapag sinabi kong takbo, takbo, okay?" With matching seryoso pa ng mukha
"A-Ah ano k-kasi G-Gio . . ."
"Takbo!" At bigla na syang tumakbo na syang ikinangiti ng umaga ko
"Seryoso ka talaga na papakawalan mo sya Bok?" Pagtatanong sakin ng isa sa mga kaybigan ko
"Sa tingin mo papakawalan ko talaga yung mokong na yun? Hindi no!" Sabay tawa ng pabiro at tingin sa aking partner.
"O ano Jepoy? Dating gawi?"
"Ikaw sa huli nya, ako sa bungad ng labasan? Game" pagsang-ayon ni Jepoy at nagsimula na kaming tumakbo
'Ako nga pala si Gio Punzalan. Ang pinakasiga dito sa bayan ng Angono, Rizal. Masbait ako sa mabait sakin, pero mastarantado ako kapag taranda ka sakin. Kaya isa lang ang payo ko, wag mo kong gagaguhin, bakit? Dahil mapapagaya ka sa tarantadong to na hinabol namin'
"Akala mo siguro hindi ka namin maabutan no?!" Pagsasabi ni Jepoy sa kaniya na hawak sya sa damit nya
"Ano Bok? Anong plano natin sa bwisit na to?"
"M-Maawa ka Gio . . H-Hindi ko naman sinasadya e . . P-Pangako h-hindi ko na u-ulitin . ." Pagmamakaawa nito na syang kinatuwa ko pa lalo at may tawang sarkastiko na lumabas sa bibig ko
Bakit? Dahil lahat ng tao dito sa Angono takot gumawa ng katarantaduhan dahil sakin, dahil alam nila na ako ang magiging katapat nila. Ang pulis na walang inuurungan, SPO3 Gio Punzalan po, at your service.
"Alam mo nang sa una palang mali na ang ginawa mo tapos hihingi ka ng tawad?! . . . Naku! . . Sawang-sawa na ko sa pagbibigay sa inyo ng pagkakataon. Dalhin na yan sa prisinto Bok!" Pag-utos ko sa partner ko at isinakay na ito ni Jepoy sa patrol car na dala namin
"Alam mo Gio laking pasasalamat ko na ikaw ang lagi kong kasama" pagpupuri nito at napatingin naman ako sa kaniya
"Bakit dahil magaling ako?"
"Hindi . . Dahil isa kang mabuting pulis" pagsasabi nito at hinimas-himas pa ang likod
"Ah . . So hindi ako magaling? . ." Pagtatanong ko dahil gusto ko parin marinig galing sa partner ko
"Ano ka ba Gio, alam naman ng lahat na isa kang magaling na pulis bakit kailangan mo pa tanungin sya?" At sya namang kinatawa ko
"Wala lang gusto ko lang marinig galing sa partner ko, o sya tara na" at sinimulan ko ng idrive ang patrol car papunta ng prisinto.
Tandaan: Huwag gagawa ng katarantaduhan, dahil si SPO3 Gio Punzalan ang iyong kalaban.
•-•-•-•-•
Author's Note
Yey! I survived! Lucky! This is my first filipino story and I hope everyone will appreciate it. I'm really excited for this story, can't wait to start the next chapter. Please Enjoy!
YOU ARE READING
Mr. Successor
Fanfiction•-•-•-•-• "Ang mundo ay puno ng pagsubok at pighati sa buhay, pero bakit sobrang daya ng tadhana para iparanas sakin ang lahat ng bagay? Wala na ba akong karapatang maging maginhawa at masaya ang buhay? Talaga bang pinagkaitan na ko ng mga bagay na...
