What? Ano daw? Teka lang. Hindi yata ako naglinis ng tenga.


"Bakit naman?" Masama bang magtanong? Hindi naman siguro diba?

Nag-bite lips si Albie dahil mukhang nahirapan siyang sagutin yung sagot ko.


"Uy Bakit nandito ka Albie?" Nakita kong dumating si Diego. Nasa likod niya si Jake.

"Goodmorning Julia, nandyan si Zharm?" Tanong ni Diego.

"Sa loob" Binuksan ko yung pinto tapos pumasok siya.


"Kaw? Hindi ka papasok?" Tanong ko kay Albie.

"Sige na nga"

"Jake, pasok ka na rin. Naliligo lang si Bea"


Lahat kami pumasok na ng kwarto tapos umupo kami dun sa may sofa sa may sala. Yup, may sala siya. TV and sofa lang naman pero malaki na rin yung room.


Zharm: "Bakit naman nandito kaagad kayo? Ang aga-aga yata"

Jake: "May nalaman kami eh"


Tapos nag-smile siya ng nakakaloko.

"Teka lang, nasan si Khalil. Don't tell me iniwan niyo na naman siya, kawawa yung tao sa inyo"


Nagtawanan yung mga lalake. Mga loko talaga!


Diego: "Di na namin kasalanan yun, tulog na tulog pa rin siya"

Zharm: "Grabe, anyway, ano ba yung sinasabi niyong nalaman niyo? SHARE naman diyan!!"


Lumabas na si Bea sa CR. Naka-shorts and t-shirt just like me and Julia. Umupo siya kaagad sa tabi ni Jake.


Albie: "Ganito kasi yan, nakita namin yung car ni DJ sa baba"


"Nakita rin namin"


Albie: "Pero hindi lang yun ang nalaman namin. Nagtanong kasi kami sa baba, sabi nung babae mga four na daw yata narating yung dalawa"

Zharm: "BORING! Ano ba yan! So what kung four na sila nakadating dito?"

Diego: "Teka lang kasi Z! Chillax ka lang diyan"

Bea: "Nakakainip naman kasi! Bilis na! I-kwento ang dapat i-kwento"


Albie: "Anong oras ba dapat sila nakarating kagabi? Kung kinuha lang talaga nila yung gamit ni Kath, hindi naman siguro aabutin ng ganung oras. Feeling namin may pinuntahan pa sila. But wait, there's more! Nagkulang daw ng room at isa lang ang nabigay na room sa kanila kagabi"


"Huh? Paki-explain nga"


Diego: "Hindi nila sinabi yung exact words pero ang feeling namin, magkasamang natulog yung dalawa sa iisang room"


Stuck in the Moment (Stuck Series Book 1)Où les histoires vivent. Découvrez maintenant