Tumili nalang ako nang ubod lakas habang bumulalas naman siya sa akin nang nakakatakot. Na parang buwayang nag beast mode. Na-blangko tuloy ang aking utak na parang lahat ata ng energy ko hinigop palabas sa katawan ko. Bumagsak ako sa kutson at nawalan nang malay.

***

ERIER

Nagka hiwa-hiwalay na kaming anim sa paligid nang malaking bahay. Nagtago kami sa mga naglalakihang puno na bumabalot sa buong kakahuyan. Ang plano, kailangan mahanap namin si Iris nang hindi nila kami mahuhuli. Pero kapag nahuli kami, prepare for battle.

"Kung dinala ko ang mecha robot kapitan. Sandali lang ang rescue mission na ito," sambit ni Mamir.

"Mas madali nila tayong makikita," paliwanag ni kapitan Zegyr. "Malakas ang binubugang energy nang mecha natin. Magtungo ka na run." Turo niya sa isang puno nang balete. "Ikaw Erier sa kaliwa ko,"

Sumunod kaming dalawa ni Mamir. May mga imaheng gumagabay sa aming paningin kaya nakikita naming nang malinaw ang paligid. Nasa di kalayuan ko sina Avara, Sok at kapitan Okron na naghiwa-hiwalay na rin. Hindi ko pwedeng hampasin ang braso ko dahil magliliwanag ito at madali nila kaming mahuhuli. May ma-detect mang energy ang mga Alpha-Draconian sa mga oras na ito ay napaka-baba nito na akala mo isang milya ang layo namin mula sa kanila.

Napunta ako sa punong nasa may pinaka-malapit na parte nang malaking bahay, ang main door nito. At ayon sa paningin kong naging isa nang scanning machine, ang bahay na iyon ay tinatawag nilang "bahay-na-bato" isang tipikal na estilo nang malalaking bahay dito. Sa harap nang bahay naka-parada ang tatlong puting SUV pati na yung maliit nilang spaceship. Napansin kong wala namang nagbabantay kung kaya't naisipan ko nang magtungong mag-isa rito. 

Kumaripas ako nang takbo at nagtago sa isang SUV. Lumingon muna ako sa kaliwa at kanan. Natanaw ko ang lima kong kasama na lahat nakatago sa mga naglalakihang puno sa paligid.

"Ako muna ang papasok kapitan," wika ko sa telepath receiver.

Dahan-dahan akong umakyat sa porch stair patungong main door. Napa-lunok pa ako, bakit kaya walang nagbabantay dito? Nakakapag-taka lang. Ganoon ba sila ka-confident na walang sino man ang nakaka-alam nang lugar na ito. At bakit hindi ito alam nang Alien Convention ngayon? Gusto ko sanang ipag-bigay alam ito kay Marinagua kaso napag isip-isip kong kaya naman siguro namin ang misyong ito. Kahit ako nga lang, magagawa ko itong mag-isa. Hindi naman sa pagmamayabang, ayoko rin kasi madamay ang grupo. 

Pala-isipan pa rin sa akin ngayon kung ano ang kailangan nila kay Iris. Dapat ako ang dinukot nila dahil gagawin nila akong pa-in at wala siyang kinalaman dito. At dapat ginawa na ito ni Crey noon pa, sa una palang naming pagkikita. Bigla ko nalang na-alala ang pagmumukha nito. Hindi ko alam kung ano ang pina-plano nang kupal na iyon kung bakit nag-krus ang landas namin at ngayon dinamay pa niya si Iris.

Hinawakan ko ang door knocker nang pinto na isang bilog na bakal. Paghawak ko, biglang sumambulat ang isang electrical charges. Sa lakas nito tumilapon ako mula sa main door at tumama sa isang SUV.

Nagliwanag ang paligid nang bahay at lumitaw ang isang pulang lazer barrier. May lumitaw din na maraming liwanag sa paligid na naging mga imahe.

"Kapitan! Back-up," alsito kong tawag sa kanila nang maka-tayo ako.

Naging Alpha-Draconian ang mga imaheng iyon.

***

IRIS

Nang magising akong muli dahil hinimatay na naman ako as usual, naka-tali na ako sa isang upuan. Para tuloy akong nasa silya elektrika. May tali din ang mga braso ko pati na binti. May takip pa ang aking bibig. Kahit anong pilit kong pag-pupumiglas, hindi talaga ako makagalaw.

A PAST WITH AN ALIEN #wattys2018Where stories live. Discover now