"Yung love, nararamdaman kasi yun. Lahat ng kilos maging salita sa kapwa mo na positibo ay sakop nito. Sa isang babae at lalake – o kahit sinong tao na magugustuhan nila ang isa't isa – hanggang sa mag-sama kayo habang buhay ay isang uri nang love," para naman siyang batang nakikinig sa paliwanag ko. Naging guro tuloy ang peg ko. Hanggang sa masambit ko ito. "Nagmahal ako nang isang lalake noon – iyon ang pinaka-masayang yugto nang buhay ko,"

Bigla akong nalungkot nang hindi ko sinasadyang ikwento ang tungkol sa amin ni Albert.

Natahimik ako kaya nagsalita siya. "Ano ang nararamdaman mo sa sarili mo kapag may love ka?"

Napa-titig ako kay Hector. Manghang-mangha ako, kasi alien nga talaga siya. Hindi ako makapaniwalang may makikilala akong tulad niya na ngayon tinatanong sa akin kung ano ba ang pag-ibig, para akong nagtuturo talaga sa isang bata. Lumapad ang ngiti sa aking labi dahil ang pinaka-madaling paliwanag na pwede kong sabihin ay yung tungkol sa amin ni Albert.

"Bumibilis ang tibok nang puso mo – yung parang magkakaroon ka nang hindi mo maipaliwanag na kahihiyan kapag nakita mo siya o di kaya'y mahawakan siya. Kapag kina-usap ka niya...feeling mo ikaw na ang pinaka-maligayang tao sa buong mundo,"

Alam kong pang teenager yung aking paliwanag ngunit ang sarap talagang gunitain ang mga ala-alang iyon, mahirap kasing malimutan. Na parang may bigla na namang sumampal sa aking puso kasi ala-ala nalang pala yun at yung taong tinutukoy ko roon, wala na.

"Sa puso mo, mahalaga siya sa iyo. Parang karugtong siya nang buhay mo kaya kapag nawala na siya. para ka naring namatay," hanggang sa hindi ko namamalayang, tumutulo na pala ang mga luha ko sa aking mga mata. "Masakit kapag nawala ang pag-ibig Hector," pinahid ko ang mga luhang iyon.

Nagmistulan siyang estatwa habang naka-upo sa sofa. Nalungkot din ang kanyang mukha. "Marami pa pala akong dapat malaman dito sa mundo niyo," wika niya.

Binalik kong muli ang aking ngiti. "Malalaman mo din yan balang araw,"

Ewan ko ba, gumaan ata yung aking pakiramdam nang isawalat ko ito sa kanya.

"Pwede ba tayong maging mag-kaibigan Iris?" bigla niyang tanong.

"Oo naman bakit hindi,"

***

ERIER

Hindi ako makapaniwalang pumayag siyang maging kaibigan ako. Ngayon masasabi kong may magandang kahihinatnan ang mga plano kong manatili sa planetang ito. 

At base sa mga sinabi ni Iris, na-realize kong wala nga talagang ka-alam alam ang mga human beings gaya niya tungkol sa existence nang ibang intelligent race dito sa mundo nila. Na Ibig sabihin din nun, nagawa talaga nang Alien Convention na itago ang lihim na iyon nang mabuti. Matibay talaga ang kanilang paniniwalang ito lang ang tanging paraan upang mapangalagaan ang kapayapaan at katahimikan dito.

Bigla akong natawa kasi nalaman ko kung bakit mukhang imposible yung "to make her fall in love". Dahil pala sa word na "love" at hindi pala ito mathematics o science. May ganoon palang nag-eexist dito sa mundong ito. Siguro yan yung pinaka-espesyal na bagay na meroon ang mundong ito.

Bumibilis ang tibok nang puso. Nahihiya nang walang dahilan kapag nakikita o nahahawakan mo siya. Kung iisipin ko para akong nakaka-aaliw, ang cute tignan. Tama nga yung pinapakita sa mga napanood kong movie at series nila. Napapa-iling nalang ako Umiiling ako habang natatawa.

Pinagmamasdan ko si Iris na naglalakad-lakad sa paligid nang malaking verandah at panay ang sulyap sa tanawin sa di-kalayuan. Huminga ako nang malalim at sa isipan ko, sana maramdaman ko rin iyon. Ngayong pumayag na siyang maging kaibigan ko, isa siyang malaking tulong para sa akin kapag umalis na ako nang tuluyan dito sa bahay at magsimulang maging lagalag sa mundong ito. Totoo ang sinabi kong gusto ko siyang protektahan. Yun nalang siguro ang magiging kapalit kapag tinulungan niya akong mamuhay mag-isa rito.

A PAST WITH AN ALIEN #wattys2018Where stories live. Discover now