It hurts (One Shot)

30 1 0
                                    

(An: Hello. First time gumawa nang One Shot. Hope you'll like it)

-------------------------------------

Nandito ako ngayon sa park. Hinihintay ko boyfriend ko. Bigla nya akong tinawagan eh'. May sasabihin daw sya. Ano kaya yun? Di bale malalaman ko naman yun mamaya. One week na kasi kami hindi nang kikita parehong busy sa school.

Boyfriend ko kasi for almost 2 years. Anniversary namin next month. Excited na nga ako eh. I love him so much'. Iba sya mga ex ko. Mapaka caring nya at understanding..

Nandito na si Adrian.

"Hi Babe" sabi ko sa boyfriend kong si Adrian sabay halik ko sa pisngi nya.

"Hi" seryosong sabi nya.

"Why? Is there anything wrong?" tanong ko.

"Hana, let's break up"

"What? Did i do anything wrong? What's the matter?" naiiyak na sabi ko.

Bakit ganito anong nang yayari? May nagawa ba akong mali. Masaya naman kami ah'. Ginawa ko naman ang lahat.

"May iba na akong mahal. I'm sorry" sabi nya at umalis na.

Naiwan ako nakatulala. Hindi ko alam ang gagawin ko. Hanggang ngayon nag loloading parin sa isip ko yung sinabi nya.

Hindi ko namalayan napaluhod na pala ako sa daan. Hindi ko talaga alam ang gagawin ko. Ang sakit sakit. Para akong binagsakan nang langit at lupa. Minahal ko sya. Tas ganun-ganun lang. Biglang mawawala?

May mahal na syang iba...

--

One month na ang nakalipas simula nung nakipag break si Adrian sakin. Hindi parin ako makapaniwala sa nangyari..

Araw araw parin akong umiiyak at hinihiling ko na sana panaginip lang to' pero hindi.

Alam mo yung feeling na minahal mo sya nang sobra tas may mahal pala syang iba. Di ko alam ang gagawin ko.

Ang hirap mag mahal sobra. Lagi ka nalang masasaktan.

--

Nandito ako ngayon sa Mall, makikipag kita yung bestfriend kong si Clarisse sa akin.

"Hi Best" napalingon naman ako kaagad.

"Hi"

"Kamusta kana?" sya kasi kaagad sinabihan ko. Alam nyang mahal na mahal ko si Adrian.

"Eto' hirap na hirap mag move on. Ang sakit kasi talaga. Napaka unexpected" naluluhang sabi ko sa kanya..

"Okay lang kaya. Kaya mo yan. Ikaw pa, malakas ka kaya."

Kahit kailan ang bait talaga ni Clarisse.

Nag ikot ikot na kami ni Clarisse. Lahat nang problema ko nakakalimutan ko pag kasama ko sya.

Papunta na kami sa may Timezone nang.......

Makita ko si Adrian at, at may kasama syang babae.

Di ko namamalayan bigla na lang tumulo ang luha ko.

Tumakbo ako kaagad palabas nang Mall.

Ang sakit parin ngayon. Iba talaga pag minahal mo nang sobra ang isang lalaki.

Tumakbo lang ako nang tumakbo.

Takbo.

Takbo.

Takbo.

Takbo.

Takbo.

At napahito ako sa gitna nang daan at di ko namamalayan may paparating na palang kotse ......

*boogshhhhhhhhh*

(A/N: Hi guys. So yun, sad ending sya. Sorry. :) pero sana nagustuhan nyo parin. Comment and Vote.)

It hurts (One Shot)Where stories live. Discover now