"Hindi naman kita sinusungitan eh, ikaw nga tong kanina pang sigaw ng sigaw" sabi ko

"Ewan ko sayo" sabi ni kuya OJ

"Palagay mo baby okay lang si EJ?" Tanong ni kuya Reid

"Hindi siya okay kuya umiiyak siya" sabi ko nalungkot ako ng maalala ko yung mukha niya yung mga mata niya kanina sobrang lungkot

"Bakit naman umiyak si Blacky ang weird talaga nung babaeng yon" sabi naman ni kuya OJ

"EJ nga kasi yung pangalan niya! And the girl you called weirdo happens to be the same girl who helped me!" Sabi ko this time na iinis nako, I get it, ganyan talaga si kuya OJ ni hindi nga ako nagrereklamo pag tinatawag niya akong panget everytime, pero di ko alam bat naiinis ako sa pag tawag nyang Blacky kay EJ.

"Bakit ba nagagalit ka sakin?" Kuya OJ

"Bakit ang innsensitive mo?" sabi ko

"Yeah whatever" sabi niya at umalis na

"Baby tara na baka kanina pa naghihintay sila Neil" sabi ni kuya Reid tapos sinundan ko na siya sa parking lot

"Paano mo ba nakasama si EJ baby?" Tanong ni kuya Reid kanina pa kasi nababalot ng katahimikan sa sasakyan

"Nasalubong ko siya kaninang papunta ako sa faculty kuya tapos may tinanong siya sakin, diko naman alam na susunod siya sa faculty. Pinagtanggol niya ko kuya kanina sobrang hiya ko sa faculty umiiyak na nga ako dahil sinigawsigawan ako ng prof tapos ayon kuya inayos niya yung problema ko" sabi ko

"Inoffer niya din yung panyo niya sakin kasi nga umiyak ako, tapos nung siya na yung umiyak wala na siyang panyo" sabi ko, speaking of which nasan na yung panyo?

"Ano naman tinanong niya sayo?"

"Kung nasa school ba raw si kuya OJ, alam mo ba kuya galing pa siyang Manila, nagbakasakali lang siya na makita si kuya OJ dito ngayon ni hindi nga niya alam pangalan ni kuya OJ eh" sabi ko

"Gusto niya si OJ" Siya

"Obvious naman kuya, tapos ganon pa si kuya OJ kawawa si EJ" sabi ko

"Oo nga" yon yang yung nasagot niya

Tinignan ko siya

"Kuya Reid tapatin mo nga ako, na love at first sight ka ba kay EJ" sabi ko

*booooogggssshh ( sound ng humalik sa dashboard)

"Awwwww, kuya Reid naman!" sabi ko habang hawak ang ulo, bigla kasi niyang prineno ang sasakyan

"Sorry baby, umayos ka kasi ng upo at mag seatbelt ka" sabi niya ng hindi man lang tumitingin sakin

"I'll take that as a yes" sabi ko jusko si kuya Reid gusto si EJ si EJ naman gusto si kuya OJ ano bayan ang gulo kasi nyan?

"Anong yes yes pinagsasabi mo, hindi ako na love at first sight don no! Paano naman ako malolove at first sight sa taong yon eh hindi naman yon ang unang beses ko siyang nakita diba nga sa American Pie, tapos nung Ball pa" sabi ni kuya Reid

"Pero ngayon ang unang beses na nakita mo siya ng malapitan at nakausap" sabi ko

"Naku baby ano bang pumasok sa isip mo at naisip mo yan?" Sabi niya ng tumatawa tawa pa

"Eh bakit na speechless ka kanina, tapos kung makatingin ka sakanyan konti nalang matunaw siya yung din kamay niya ayaw mong bitawan?" Pagpapaalala ko sakanya

"Baby I'm trippin' wala lang yon" sabi niya

"Naku kuya sana nga wala lang, si kuya OJ ang gusto niya, kung magugustuhan mo si EJ eh para ka naring naghukay ng sarili mong libingan" sabi ko

Diary ng PangetWhere stories live. Discover now