Chapter 17

666 13 0
                                    

Kathryn P.O.V.

"so, you're the new bitch" say nang isang maarteng boses at paglingon namin............

tatlong babae.

Infairness ang ganda...


ng suot nila hahahaXD, joke pero maganda nga sila makapal lang ang make up. Yung lipstick nila limang patong siguro sa sobrang pula

"anong kailangan mo miss?" tanong ko syempre mabait ako eh

"who the hell are you at talagang si Prince Daniel pa talaga ang fini- flirt mo?" tanong niya at nakataas pa talaga ang isang kilay niya

"yeah, who the hell are you ba?" sabay na dugtong ng dalawang kasama niya

"at bakit naman niya sasabihin ang pangalan niya sayo? sino ka ba, sino ba kayo?" tanong ni Londs, kahit kailan talaga palaban to

"O.M.G, my gosh. You don't know us? The famous 3 season" maarteng say niya. Yung totoo 3 season?? -_-?

"anong 3 season ang pinagsasabi niyo? nababaliw na ata tong mga to. Mabuti pa umalis nalang kayo kung wala kayong sasabihin ng matino" say ni Londs

"Gosh, magsisisi kayong kami ang binunggo niyo" say niya at nag walkout at sumama ang dalawang alagad niya


"sino ba yung tatlong yun?" tanong namin kay Aira

"ah yung 3 season. Masasabi mong sikat sila dito sa school dahil cheerleader yung 3 at madaming nanliligaw sakanila. Pero ang pinakamatindi eh kung maka flirt sa EX eh wagas" say ni Aira, kaya naman pala

"hayaan niyo nalang yung mga yun" say ko naman baka patulan pa ni Londs yun

At dumating nadin ang prof namin at nagstart na ang klase.

After that scene wala na masyadong nangyari, sabay kaming umuwi  ni DJ.


Andito ako ngayon sa kwarto, nakahiga. Nang may kumatok.

Si DJ.

"how's your first day?" tanong niya ng makaupo sa gilid ng kama, sywmpre umupo na rin ako

"masaya!! may bago akong naging friends pero yung iba kung makatingin eh wagas" say ko

"ganun talaga" say niya

"hmmm, DJ pwede bang walang nang 2 bodyguards ang nakasunod lagi sakin?" say ko, nakakailang kasi eh

"no, para sa proteksyon mo yun, My princess" say ni DJ sabay yakap sakin ng pa- side (gets niyo?)

"ehh,,, nakakailang kasi" say ko

"hindi parin pwede, masasanay karin" say niya kaya wala na akong magagawa.


"hmmm,, what's that envelope?" tanong niya kaya napatingin ako sa tinuturo niya. Kinuha ko iyon, parang invitation.

Binuksan ko ito at WAAAAAHHHHH!!!

Invitation ng Engagement party sa Saturday. At alam niyo kung kaninong engagement party?


Samin ni DJ!!!


Bakit ang bilis? bakit hindi sinabi nina mommy at daddy?

"hey, ano bang laman niyan?" tanong ni DJ

"a- ano invitation para sa engangement party" say ko pero hindi ako nakatingin sakanya. Tinanggal nadin niya ang pagkakayakap sakin

"oh, invitation lang pala eh, sinong i-e- engage?" tanong niya

"a-ahmm t- tayo, engagement party natin" say ko

"ahh satin pala, AH ANO SATIN?" say niya na parang dun palang nag sink in sakanya at tumango lang ako

"don't worry ok lang yan" say niya at yumakap nanaman. Ang hilig mang- yakap ng lalaking to


"magpahinga kana, may pasok pa tayo bukas" say niya kaya humiga na ako. Lumapit siya sakin at hinalikan ako sa pisngi

"goodnight my princess, sweetdreams" say niya ng nakangiti

"goodnight too, my prince" say ko at pinikit ko ang mga mata ko hanggang sa makatulog ako


Kinabukasan

Hinatid na ako ni DJ sa room. 3 lang ang subject ko ngayon. Pagpasok ko ng room andun na sina Londs at Aira

"waahhhh, friend natanggap ko na ang invitation. Congrats" say ni Londs sabay yakap sakin. Nang humiwalay na siya sakin umupo na ako sa gitna nila

"Aira, eto oh" say ko sabay bigay ng invitation

"congrats Kath" say ni Aira

"thank you sa inyong dalawa" say ko.

----

Andito ngayon ako sa garden ng univ. Mag isa lang ako, sina Londs at Aira eh may pinuntahan at ang 2 bodyguards eh pinaalis ko muna. Wala lang gusto ko lang mapag isa.

Nakaupo ako sa isang lilim ng puno habang naka headset.

Muni muni din pag may time ng biglang may tumakip sa mata ko.

"sino to?" syempre yan ang una kong itatanong. Hinawakan ko yung kamay na nakatakip sa mata ko. Hmmm, parang lalaki. Pero hindi siya sumagot

"DJ?" hula ko at tinangggal na yung pagkakatakip at hinalikan ako pisngi

"anong ginagawa mo dito my princess?" tanong niya at umupo sa tabi ko

"hmm, wala. Gusto ko lang mapag isa" say ko.

"bakit? may problema ba? may umaaway ba sayo?" sunod sunod na tanong niya

"ah? wala ah. Eh ikaw bakit ka nandito?" tanong ko naman sakanya

"wala yung prof namin kaya lumabas ako then nakita kita kaya pumunta ako dito" say niya at dahil wala na akong masagot eh nanahimik lang ako.

"matutulog muna ako ah my princess" say ni DJ sabay higa sa lap ko.

"ui DJ, baka ma PDA tayo" say ko naman

"hindi yan" say niya habang nakapikit ang mga mata at kinuha ang left hand ko at hinawakan. Kung sabagay sakanya naman ang univ. na ito kaya hinayaan ko nalang siya.

Hmmm... DJ... bakit nga ba ganito yung feeling pag kasama kita? Totoo ba ang pinapakita mo o dahil lang sa deal? Sana..

Sana totoo nalang...

Unti unti ko nang pinikit ang mata ko at unti unting nakatulog habang hawak ni DJ ang kamay ko....


****
"O.M.G. as in oh my gosh!!! totoo ba tong nakikita ko?" exage na rinig ko. Hmmm kanino ba yung boses na yung at bakit parang may nagbubulungan

Unti unti kong dinilat ang mga mata ko. Andito parin kami ni DJ sa garden nakatulog pala ako. Nang nag sink in na sa utak ko ang nasa paligid ko

WAAAAHHHHH

"You bitch! anong ginagawa mo kay Prince Daniel" sigaw nung babae. Parang kilala ko to ah? Hmm, Ah alam ko na yung isa sa 3 seasons ba yun?. At lalong nagbulungan ang nasa paligid namin. Yah, napapalibutan kami ng mga tsismoso't tsismosa.

"hmm, ano ba yan. Bakit ang ingay?" say ni DJ at minulat ang kanyang mga mata. At pagkasabi ni DJ eh nanahimik ang mga taong nakapaligid samin. Wow ah

"good afternoon, my princess" say niya at hinalikan ako sa pisngi. WAAAHHHH DJ naman eh.

Mukhang di pa niya napapansin ang nasa paligid namin

"YYYIIIEEEHHH!!!" hiyaw ng mga tao sa paligid namin at dun palang napansin ni DJ ang mga nasa paligid namin

"what are you all doing here?" tanong ni DJ sa mga tsismoso't tsismosa

"all of you go back to your class" sigaw ni DJ at nagtakbuhan sila paalis pwera lang dun sa tatlong panahon nayun (3 seasonXD)

"hey, di mo kailangan sumigaw" say ko sakanya

"i'm sorry my princess" say niya sabay tayo

"lets go" say niya sabay lahad ng kamay at tinanggap ko naman at tumayo narin. Aalis na sana kami ng lumitaw sa harap namin yung 3 season nayun. Oo nga pala naiwan sila

"is there any problem?" tanong ni DJ sa kanila. Yan nanaman siya sa English niya eh

"she's such a flirt bitch! Prince Daniel" say nung parang leader nila

"yeah a flirt bitch" say naman nung dalawa sa likod niya na walang ginawa kundi ang i- second demotion siya. Pero ano daw? FLirt? Bitch?

Magsasalita na sana ako pero naunahan ako ni DJ

"How dare the three of you to talk about all those f*cking words to her? I'm warning the three of you. Stay away from my princess" may galit na sabi ni DJ.

Hinigpitan ko yung hawak sa kamay niya kaya napaharap siya sakin.

"calm down okay?. It's alright" say ko sakanya. Ayaw ko kasing nakikita siyang ganun eh.Nakakatakot>.<

"hindi pa kami tapos sayo bitch" say ng leader nila at tumakbo na sila paalis

"tara na" say ko at tumango lang siya. Habang naglalakad kami tahimik lang si DJ, siguro kinakalma ang sarili kaya tahimik lang din siya.
 
"i'm sorry dun sa kanina pero wag kang mag alala di na makakalapit sayo yung tatlong yun" say niya

"ok lang tsaka kaya ko naman pagtanggol ang sarili ko sa tatlong yun eh" say ko naman sabay harap sa kanya. Yan ok na siya.

Dumiretsyo na kami ni DJ sa parking lot at umuwi na.


Pagdating sa palasyo ay dumiretsyo lang ako sa room ko. Naligo at nagpahinga sandali. At dahil wala akong magawa eh kinuha ko yung loptop at nag facebook.

At pag open ko nang fb ko wahhh ano to??

1,23456 notification

1234567890 friend request

at yung mga message ang matitindi at kung anu ano pa

At syempre sa mga friend request si Aira lang ang i accept ko tsaka yung EX. At sakto online si Aira kaya nag chat ako

Ako: ui, aira may tanong ako?

Aira: ano?

Ako: sino ba ung 3 panahon naun?

Aira: ah yung 3 season ba? diba sabi ko na sau mga female dog un (bitch)

Ako: what i mean is anong pangalan nila at parang galit sakin?

Aira: oh... wag mong pansinin yung mga ksp nayun. By the way their name is Autumn, Spring and Winter and their leader is Autumn, Kaya naman ganun sila sayo dahil ikaw lang naman ang  fiancee ng prinsipe ng pilipinas at adik na adik sila sa fiancee mo..

Ako: oh...

Aira: and sa pagkakaalam ko isa sa mga naging fling ng fiancee mo ay si Autumn.

Ako: Ah,,, kaya pala, anyway thanks sa information..

Aira: your welcome friend, sige out na ako

Ako: cge, c u tom.


At nag log out na siya kaya tingin tingin ng mga naka post hanggang sa may nakita akong isang post.

OH My GOD..

PRINCE DANIEL JOHN FORD PADILLA is now in a RELATIONSHIP with KATHRYN CHANDRIA BERNARDO

WAAAHHH kailan ko pa inaccept to?

10000000 likes
100000000 shares
1000000000 comments

Waaahhhh ano ba tong nangyayari.

At dahil ayaw ko ng tignan kung ano man ang sa fb eh nag log out na ako at pumunta nalang sa WATTPAD.

Naghanap ako ng mababasa at ayun may nakita akong mga pwedeng basahin. Can Be You and I? at My Love Potion

(a/n: PLUG! PLUG! PLUG! hey guyz read my new story yun nga pong my Love potion at can be you and i?.Thanks ^_^)

At ayun nagbasa lang ako hanggang sa makatulog ako... zzzZZZ
 
a/n: sorry po kung late ako nakapag update pero para makabawi po dalawang chpter ang i po- post ko. Enjoy^___^

My Prince And I (kathniel)Where stories live. Discover now