Chapter 5.1

1.1K 12 0
                                    

Kathryn P.O.V.

"Prince Daniel di pa po ba natin babalikan sina Nicole?" tanong ko sakanya, hindi kasi papunta sa perya yung dinadaanan namin 

"no" say niya kaya nanahimik nalang ako. Bakit ba ang tipid magsalita nito tsaka english ng english pwede naman magtagalog. 

Sinundan ko lang siya kung san man kami pupunta hanggang sa pumunta kami sa parke. Dumiretsyo siya sa isang puno at umupo at nakiupo nadin ako eh sa mangangawit ako kung tatayo lang ako.

Ilang sandali lang eh bigla siyang humiga sa lap ko.. Shocks..

"ahmmm Prince Daniel, wag po kayo humiga diyan pinagtitinginan po tayo ng tao. Nakakahiya" say ko halos lahat ng napapadaan eh tumitingin samin lalo na yung mga babae na kulang nalang eh mamatay ka sa tingin 

"like what i say, don't mind them and i'm going to sleep so shut up" say niya so shut up nako.. (gusto mo lang niyan ehh.. XD)

Feeling ko lang ba o sweet talaga si Prince Daniel? Pero baka ganun lang talaga siya, tulad ng mga nasa balita eh, laging may ka date at magaganda talaga. Siguro nga ganun lang talaga siyang makitungo sa iba...

Ilang oras pa kaming nag stay dun. Si Prince Daniel ayun natulog lang at ako naman nagmamasid lang. Hanggang sa mapatingin ako sa isang pamilya, ang saya saya nila habang nag pipicnic. At naramdaman ko nanaman ang sakit nang nangyari noon

*flashback*

Pauwi na ako galing kina Londs, pagdating ko sa harap ng bahay namin nakita ko si Papa palabas ng bahay may dalang maleta. Kasunod niyang lumabas si mama ng bahay.

"Alex, wag mo kaming iwan ng anak mo. Ok lang sakin kahit may kabet ka basta wag mo lang kaming iwan. Kailangan ka namin ng anak mo" hagulgol ni mama kay papa habang pinipigilan si Papa

"tama na Ann, hindi na kita mahal. Hindi na ako masaya sa pamilyang ito" sabi ni Papa. 

Habang ako nasa gilid lang, umiiyak at nanonood kung papano kami iwan ni papa para sa ibang babae.

Bago makasakay si Papa, yumakap ako sa likod niya.

"papa wag niyo po kaming iwan... Mahal na mahal ko po kayo, wag na po kayong umalis" say ko kay papa habang iyak ng iyak

"anak pasensya na pero hindi ko na mahal ang mama mo, paalam anak" say ni papa at tuluyan na siyang umalis nun. At tuluyan na din siyang umalis sa buhay namin na kahit kailan man ay di na kami babalikan...

*end of flashback*

My Prince And I (kathniel)Where stories live. Discover now