Bestfriends

854 31 18
                                    

Kris's POV

"Hoy Kris makinig ka nga." Sigaw ni Kai sa akin.

"Ah bakit? Ano bang meron?" Walang ganang tanong ko sakaniya.

"Tss. Nagspespace out ka nanaman. Partner daw kayo ni Chanyeol sa lab work natin."

Nagising naman ang diwa ko ng marinig ko ang pangalan na yon.

"Ano?! Seryoso ka ba?!"

Napakamot naman ng ulo si Kai at inismiran ako. "Ayan kasi ang problema sayo hindi ka nakikinig sa sinasabi ni Ms.Reyes!"

"Wala akong paki. Bakit ang g*gong yon ang kapartner ko ha?!" I said, ignoring his comment.

"Aba malay ko. Tanong mo siya baka alam niya sagot. Diyan ka na nga, kanina pa ako hinihintay ni Lay sa labas." Inis na sabi niya.

Before he could leave, tinawag ko ang atensyon niya.

"Bakit ka sasama kay Lay? Diba matagal ng nasira ang grupo natin simula ng traydurin ako ng g*gong Chanyeol na yon?!"

"Kris, kayo lang ang nag-away. Hindi ang grupo. Kaya huwag niyo kaming idamay." Rinig kong komento ni Xuimin.

"Huwag ka ngang sumabat! Kay Chanyeol ka kampi diba?"

Tumayo naman siya mula sakaniyang kinauupuan at kwinelyuhan niya ako.

"Look kid, before you say something stupid you better think about it first okay? Wala akong pakielam sa ayaw niyong dalawa kaya huwag na huwag mo ako pagsasalitaan ng ganyan. You don't want to mess with me Kris."

Tinulak ko siya palayo sa akin and before I knew it, nandon na ang dating barkada.

"Kris bakit ba hindi ka maka-move on ha? Bakit kailangan lagi mo kaming idamay sa gulo na sinimulan mo?" - Tao

"So ako pa ang nagsimula? Diba ang g*gong yon ang nang-agaw? Diba siya ang nagtraydor? Sabihin niyo nga, bakit ako nalang lagi ang sinisisi niyo?"

"G*go ka rin pala eh." Rinig kong sabi ni Chen.

"Anong sinabi mo?!"

"Hindi ba't ikaw ang nangg*go kay Scarlet? Diba ikaw naman ang dahilan kung bakit naging sila ni Chanyeol? For whoever's sake Kris, it wasn't his fault. It was yours from the very beginning." Sumbat niya sa akin.

Hindi naman ako nakapaniwala sa aking narinig at tinignan silang lahat. Wala manlang nagkusa sakanila na ipagtanggol ako. Fck. Ano 'to kaibigan ko ba talaga sila?

"So ganon pala ang tingin niyo. Oh di ako ng may kasalanan. Akala ko kaibigan ko kayo. Akala ko ako ang kakampihan niyo. Pweh. Mas masahol pa kayo sa nabubulok na basura."

Sinipa ko yung upuan sa harap ko at nagsimulang maglakad palabas ng classroom. Sinubukan akong pigilan ni Baekhyun pero tinulak ko siya palayo.

Buong akala ko maiintindihan nila ako. All these time, fake sympathy is what they've shown me. Hindi ko manlang napansin na sa lahat ng mga salitang sinabi nila sakin nuon, kasinungalingan lang.

"Fck! Ang t*nga mo talaga Kris!" Galit na sabi ko at sinuntok ang puno sa aking harapan.

"Baliw ka ba? Bakit mo sinusuntok yang puno?"

Ceejay's POV

"Hay ang boring naman ngayong araw pupunta na nga lang ako sa garden." Sabi ko sa aking sarili habang naglalakad papunta sa may garden.

Papalapit na ako sa favorite spot ko ng may nakita akong lalaki na nakatayo sa ilalim ng puno.

"Fck! Ang t*nga mo talaga Kris!" Rinig kong sabi nito sabay suntok dun sa may puno.

My Turn To CryWhere stories live. Discover now