First Job

12 0 0
                                        

Isang babae ang nakilala ko sa isang nayon. Hindi ko akalain na mahuhulog ang loob ko para sa kanya. Isa akong mensahero ng "Philippine Padala" kung saan nagbabahay-bahay ako para ibigay ang sulat na nanggaling sa iba't ibang parte ng mundo. Akalain mo nga naman sa simpleng ngiti at pagabot ng sulat makikilala ko ang babaeng mamahalin ko hanggang wakas.

------------------------♡♡♡♡♡♡----------------------
Bago pumasok si Julius sa kanyang trabaho inasikaso nya muna ang kanyang inang may sakit na hika, pinagluto nya ito ng almusala at pinagbilin sa pinsan na huwag pababayaang basa ang likod ng ina dahil sa kundisyon nito. Madalas kasi itong pumunta sa likod ng bahay para magtanim ng mga halaman kahit tirik na tirik ang araw. Pagkasabi niyon agad na kinuha ni Julius ang bag at sumakay sa bisekleta para pumunta sa Philippine Padala kung saan duon sya magtatrabaho ngayong araw. "Chiling si mama wag mong pababayaang basa yung likod kabisado mo naman yan kapag naisipang magtanim ng halaman magtatanim" Pasigaw na sabi ni Julius habang inaayos ang kanyang kohelyo at handa na para sumakay ng bisekleta. "Oo naman kuya ako pa ba e' kabisado kuna itong si untie Lumeng, basta ako na bahala dito dapat maaga ka ngayon sa trabaho mo first day mo e' Pagganting tugon ng pinsan sa kanya. Ginantihan naman ito ni Julius ng ngiti at kumaway nalang sa pinsang nakasilip sa bintana. Malakas ang loob ni Julius na nagpipidal ng bisekleta habang sumisipol sa daan papunta sa bayan ng Barbara para pumasok sa trabaho. Malaki ang kompanyang pinasukan nya ngayon dahil ito marahil ang malaking bagsakan ng mga sulat sa buong lalawigan. Unang araw nya sa trabaho ngayon kahit mahirap at malayo ang kompanya mas pinili parin nyang magpidal ng bisekleta kasya gumamit ng motorsiklo. "O pre andyan na pala si pareng Julius e' nakatulog kaba ng maganda pareng Julius, balita ko dami mong chicks kagabi sa inyo. Pagbibiro ni Mark ang bagong kaibigan ni Julius na kasabayan nyang nagapply ng trabaho sa kompanya at si Kelvin na tinapik ang braso para sumakay sa kantiyawan. "Mga ungas kayong dalawa pare iniwan nyo ako sa inuman hindi ko alam na nakauwi na kayo kagabi buti nalang andun yung mga pinsan ko para tulungan akong humiga sa sopa" Pagsita nito sa mga kaibigan, dahil naginuman ito nang nakapasa sila sa job interview ng kompanya, kaya nagpainom itong si Mark para daw sa tagumpay nilang tatlo na kahit minsahero ang naging trabaho nila at medyo may kababaan ang sahod atlis nakakatulong naman daw sa mga magulang na umaasa sa kanila. "Alam mo pare hindi ka namin iniwan kagabi ikaw ang plakda tapos kung sino sinong pangalan ng babae yung binabanggit mo, tapos yun nakatulog ka kaya akala mo iniwan ka namin" Natatawang sabi ni Kelvin. Halata namang nagisip din si Julius kung totoo nga ba ang mga sinasabi ng mga kaibigan nito sa kanya. Hindi narin kasi nya namalayan na nakatulog sya kaya ang naramdaman nalang nya ay ang pagbuhat sa kanya ng mga pinsang sumalo din sa kanilang inuman. Mga ilang sandali pa ng tawanan lumabas sa isang glass door ang babaeng kulot ang buhok at nakasalamin ng bilog. "Anong kasiyahan ang nagaganap dito? Kayaga aga ng mga biruan nyo ang dami nyo pang mga sulat na ipapadala dapat ngayon palang hinahanda nyo na yang mga balat nyo dahil mamaya tirik na ang araw. Paninita ng babaeng parang amo kung magsalita sa kanila. Hindi naman agad nakakibo ang tatlo at nakatitig lang sa babaeng nakatayo pagkatapos ay tumalikod na sa kanila. "Sino ba yung babaeng bibe nayon pare hanep ang laki ng puwet Sh*t" Pangising puna ni Mark sa puwet ni Miss Dunol ang kanilang magiging head sa Philippine Padala. Hindi narin naiwasang sumabad ni Kelvin dahil halatang natatawa rin ito sa pagkakasabi ni Mark sa puwet ni Miss dunol. "Ano ba kayo mga pare! Hindi nyo ba alam na yang si Miss Dunol ang magiging head natin dito dahil sa kanya tayo kukuha ng mga impormation para sa mga lokasyon natin" Pagbubunyag ni Kelvin sa dalawang kaibigan. Napangiti lang si Julius at nagsalita narin. "Kaya pala kung magsalita sya satin parang kilalang kilala nya tayo" sabi ni Julius na nakasandal sa pader ng gusali. "A oo pare kasi pinakilala na tayo ni Miss Gonie sa kanya pagkayari ng interview natin kahapon, pinakita pa nga ni Miss Gonie yung mga picture natin e" hahaha. Tawang tawang ibinahagi ni kelvin dahil mukhang gulat na gulat itong dalawa sa mga narinig sa kaibigan na kilala na pala sila ng magiging boss nila samantalang sila'y hindi pa kilala kung sino nga ba ito sa trabaho nila.

"THE MESSAGE OF LOVE" 💏Stories to obsess over. Discover now