"Hindi no. Ano ka ba Dariel, nasa ibang bansa na si kuya."

"Oo nga pala no. Teka, umiiyak kaba?"

Sinabi ngang hindi e. Mga luha, wag kayong maghehello please.

"H-h-hindi no. Bakit mo naman nasabi?"

"Halika nga rito." at dun niya palang ibinaba yung kamay niya sa braso ko pero yung left hand niya held my right at umupo kami sa may bar. 

"Ano ba naman yan Desdes. Ang tanda mo na iyakin ka pa rin." pinunasan niya yung luha ko gamit yung panyo niya. Ganito kami kaclose ni Dariel dahil best friend siya ng kuya Migs ko since childhood. Lagi silang naghahang-out sa bahay o kaya sa pool bago umalis si kuya kaya minsan napagkakamalan silang magsyota. Si kuya naman, ever joker, yayakapin talaga si Dariel tapos susuntukin naman siya nito. Nung umalis nga si kuya papuntang Singapore para dun magtrabaho, ibinilin niya ako kay Dariel kung kaya't parang pangalawang kuya ko na siya. At hanggang dun lang yun. Swear.

"E kasi naman e -hic- nakakainis talaga -hic- WAAAAAAA"

"Huy, ano ba. Para kang bata. Halika nga rito." pinaupo ako ni Dariel sa tabi niya at tinapik tapik ang balikat ko. Minsan napagkakamalan din kaming magkapatid dahil we have the same black hair pero sa kanya curly while mine's...frizzy.  Oh cruel world for giving the male population long lashes and pretty hair.

Hindi ko sinabi kay Dariel kung ano nangyari kahit anong kulit niya dahil baka sabihin lang niya, ginagawa kong big deal ang isang bagay na hindi naman. But honestly, when someone steals your first kiss, magagalit ka rin di ba?!

Good thing I was spared dahil sa wakas, napagod na rin si Rhianne kakasayaw.

"Hi kuya Dariel! Andito ka pala." at di man lang ako pinansin ni Rhianne. Basta pag andyan si Dariel nakakalimutan niya yung ibang tao. Same goes for the whole female population of Carmel Hills. Logan Lerman peg kasi si Dariel albeit with curly hair. Umupo siya sa kabilang side ni Dariel at nagpacharm-charm pa sa kanya. Si Dariel naman, nakafocus sakin at hindi siya nilingon. Tinignan ko siya at napabuntong-hininga siya. Alam kasi niyang may gusto sa kanya si Rhianne pero ewan ko ba. Maganda naman ang best ko, mukhang ayaw niya lang talaga sa babae. Haha.

"Bakit ba kayo nagpunta rito Rhianne?" tinignan niya ito. Panigurado The Questioning Look ang tingin niya kay Rhianne dahil natameme ito.

"W-w-w-w-wala lang p-p-po."

"Hay. Tara, iuuwi ko na kayo sa mga bahay niyo." tuwang-tuwa naman si Rhianne. Nagpaalam si Dariel sa kanyang guests at lumakad na kami palabas.

Bago pa man umabot sa door, nakita ko uli yung hampaslupa na lalaking yun at may ibang kakissing scene naman! Grabe! Hindi ko alam kung bakit pero sobrang nagalit ako. Siguro dahil ninakaw niya first kiss ko at nasayang ito sa isang katulad niya.

Bago ko pa mapigilan ang sarili ko, lumapit ako sa kanya at binuhusan siya nung beer na nakapatong dun sa table. Nagulat lahat silang nakaupo at napatingin siya sakin. Yung tingin niya naghahalong galit at hindi ko maintindihan. Yung babae naman, panay banggit sa female dog but I. Don't.  Care.

I gave them my best Maleficent smirk and said "Have a nice night. " at lumabas na ng club.

Kinukulit ni Rhianne si Dariel kaya hindi na niya natanong kung saan ako nagpunta. Nang napansin na niya ako, binuksan niya yung passenger door. Umupo ako sa likod para makaupo sa harap si Rhianne at ng makatabi niya si Dariel. Tinitgnan ako ni Dariel sa salamin at ningitian ko siya. Revenge is so sweet.

----------------------------------------------------------------------------------

Tumigil yung kotse ni Dariel sa harap ng bahay namin. Sila mama at papa natutulog na kaya hindi ko na pinatuloy si Dariel. Syempre mabait akong bata no.

"Dariel, thank you sa paghatid."

"Walang anuman Des. Ok kana ba?"

"Oo, salamat. Grabe kung mag-alala ka parang kapatid na kita a."

"Haha. Binilin ka sakin ng kuya mo e." at lumapit siya sakin. Bumilis heart rate ko dahil ewan ba, may sirens sa ulo ko kahit si Dariel na ito.

"Kahit di ka man niya ibilin, aalagaan pa rin kita." ginulo niya buhok ko at bago siya sumakay ng kotse, ngumiti siya sakin.

"Good night Des." at umalis na siya.

Pumanik ako sa kwarto ko at nakita ko ang sarili ko sa salamin. Sobrang namumula ako. Mabait kasi si Dariel. At mukhang may side pa siya na ngayon palang lumalabas. Tsk. Yan tuloy. Kung ano-ano pumapasok sa isip ko. Yung mga pinagsasasabi kasi ni Dariel e. Grabe talaga. Tinampal tampal ko ang sarili ko. Bawal siya Des. Gusto siya ni Rhianne. Di ba susuportahan mo nga sila? Ayokong maging kontrabida ni Rhianne. Di ako makakapalag dun. Nagtoothbrush at naghilamos ako tapos natulog na.

The Story of Me and You [SLOW UPDATE]Kde žijí příběhy. Začni objevovat