"You are such a good liar." biglang may nagsabi sa tabi ko.

Nilingon ko yung nagsalita at nashock ako. Hindi man niya hawig si Lee Min Ho pero yung dating niya...ibang klase. He may not be handsome but he's got the appeal. Crap, medyo hawig niya si Ian Somerhalder, a younger, sexier Ian. Oh boy. Teka, ano sabi niya? "What?"

"Haha. Ang galing mong magsinungaling."

Aaand there goes the appeal.

Irritated dahil isa siyang complete stranger at ganoon ang pambungad niya. Wow lang. "Naintindihan ko yung sinabi mo. Di ako mangmang no."

Tumaas yung kilay niya. "Wow, ang ganda't mature mong tignan pero kung magsalita ka...."

"O sige, ituloy mo lang." mukhang may madedemonstratan ako ng judo skills ngayon.

Tumawa siya at umorder ng beer. Pagkakuha niya nito, kumindat siya sakin.

"It's good to see you Desiree." sabi niya sakin at lumakad palayo.

Napanganga ako at napatitig sa nilakaran niya. Sino kaya yun at bakit niya alam ang pangalan ko?? Hinabol ko siya at nung makita ko siyang nakikipag-usap sa mga katropa niya siguro, hinila ko siya sa balikat.

"Bakit mo alam pangalan ko?"

Ngumiti siya na parang alam niyang susunod ako sa kanya and it's pissing me off even more. Pero there's something else nung nagsmile siya and I can't place it. Bigla niya akong inakbayan sa balikat. It took every inch of my control para hindi tapakan yung paa niya.  Ayoko na hinahawakan ako ng guys lalo na mga hindi ko kilala. Curiosity was the one that held me in place. Binulong niya sa akin yung sagot. "It's on your shirt."

Napatingin ako sa shirt ko. Wala namang nakalagay na Desiree sa anumang parte ng damit ko. Tumawa siya at inilapit yung kamay niya sa leeg ko. Nagulat ako pero hinila niya lang yung necklace ko at ayun nga.Tumawa nanaman siya.

"Even without the necklace, I'd still know you. Desiree del Antonio."

Nagulat ako lalo sa kanyang sinabi at hindi ako makakibo. Iniisip ko pa rin kung paano niya nalaman full name ko, kung may stalker na ba ako at sino ba talaga siya nang bigla nalang akong may naramdamang something sa lips ko. WHAT?? Ano ba to??

Sinampal ko siya ng malakas. Sa sobrang lakas o kaya dahil siguro wala na siya sa mundo dahil sa alak ay napaupo siya sa lapag. Galit na galit ako at lumakad papalayo sa kanila. Onti nalang tutulo na talaga luha ko kasi first kiss ko yun e. Ano ba. Sino ka para halikan nalang ako ng ganun ganun??

And yet, why does he feel so familiar?

-----------------------------------------------------------------------------

"Des? Ikaw ba yan?"

Nakita ko si Dariel papalapit sakin. Nasa gitna siya ng entourage niya kaya pala di ko siya makita. "Hu-Dariel! Hinahanap ka ni Rhianne."

May dumaang bulldozer at natalisod ako sa direksyon ni Dariel. He was able to stop me from kissing the floor by holding my arm. Then he pulled me to him, siguro para di ako mabangga dahil hindi pwede yung isang alternative na naiisip ko kung bakit niya yun ginawa. Hindi talaga pwede. Nafeel kong namula yung mukha ko dahil super hindi ako sanay na nahahawakan ng lalaki. Best friend man siya ni kuya o katulad nung jerk kanina.

Nooo! Naalala ko na naman siya

"Sige. Teka, paano ka nakapasok? Nako Desdes, lagot ako sa kuya mo. Baka sabihin sinama kita rito." Nakatingin siya sa mata ko pero hindi niya tinanggal yung kamay niya. At hindi din kami umaalis sa posisyon namin.

The Story of Me and You [SLOW UPDATE]Where stories live. Discover now