Siguro dahil nasanay na rin ako, natanggal na rin 'yung mga bad thoughts ko kapag nandito ako. I am busy reviewing 'yung papers sa restaurant pero walang humpay akong kinukulit ni Kent. Naka-dantay 'yung ko sa balikat niya habang inaamoy niya ng pa-ulit-ulit 'yung buhok ko. Hindi ko naman maiwasan na ma-distract sa pagre-review ko ng mga papel na hawak ko.

"Ang bango mo talaga Rence," Malambing na saad ni Kent nang tumigit ng bahagya sa pag-ubos ng amoy sa buhok ko. "Nagugutom na tuloy ako."

"Nakakagutom ba buhok ko?" Natatawa kong tanong.

"Hindi lang buhok mo Rence," Husky niyang sagot.

Kent has been very sensual. Minsan pinapatulan ko, minsan hindi. Depende sa mood ko. Pero we never went further than kissing. I'm making sure na kung magiging long-lasting 'yung nararamdaman namin ni Kent hindi lust 'yung magiging foundation nito. We all know na pwedeng maging gano'n lang 'yung sense ng isang same-sex relationship minsan.

"Pero gutom na talaga ako, dinner na tayo?" Malumanay niyang ginalaw ang katawan niya upang makaupo ng maayos at para hindi ako mabigla at mahulog 'yung ulo ko. "Kanina ka pa nagta-trabaho, pahinga ka naman." He said with care and he smiled sweetly.

"Later na, ten minutes," Apila ko sa kanya. Guilty naman ako na kanina pa ako nagbabasa ng documents, pero you can't blame me. I'm worried pa rin about my restaurant kahit na hindi na nagpaparamdam 'yung threat. Hindi ko rin ide-deny na gutom na rin ako, considering konti lang 'yung kinain ko kaninang lunch. "Last na 'to."

"Bilisan mo bebs, baka ikaw makain ko." Playful na banggit niya at kinagat 'yung tenga ko. Hinampas ko naman siya sa mga matitigas niyang braso bago siya tumayo at tumungo sa banyo.

Tulad ng sinabi ko, binilisan ko 'yung pagbabasa. Nang makasiguro ako na stable naman 'yung restaurant. Nag-ayos na ako ng sarili at hinitay si Kent na lumabas sa comfort room. I don't know what took him so long doon.

Nang makalabas na si Kent. We're ready to go. Nagpaalam muna ako kay Sophie bago tuluyang lumabas. I actually suggested to Kent na doon na lang kami kumain since masarap naman 'yung mga pagkain doon. Bias aside. Pero sinabi niya lang na may pupuntahan kami na malapit sa pagkakainan namin after kumain. I just complied to what he wants.

Kumain kami sa medyo fancy na restaurant. Hindi siya 'yung very fancy na umaabot ng two thousand pesos every dish. 'Yung sakto lang 'yung kasosyalan. I was satisfied naman with their food.

Kent and I just talked comfortably. I was actually quite amaze no'ng sinabihan niya 'yung waiter na tanggalin ang peanut if ever merom 'yung in-order ko. Though I'm sure na wala naman, still, the mere fact na natatandaan niya and he cares is something.

Kent and I in a span of weeks, masasabi ko na we already know each other, especially sa mga basics. We also talked about our pasts. We shared memories with each other. We also shared opinions about things. Pero I've got to say na there are still things na hindi namin nalalaman. I'm sure naman na they will unfold as our relationship flourishes.

After that dinner, dinala ako ni Kent sa isang park. We just walk and talk, savoring the breeze of the night.

"Paano na trabaho mo sa company nina Clark?" Tanong ni Kent habang patuloy kaming naglalakad.
Biglang umihip 'yung hangin na malamig. Gininaw naman ako nang kaunti. Nakita 'yun ni Kent kaya mabilis niyang tinanggal 'yung denim niyang jacket. Tinanggap ko na lang ito. Ilang buwan na lang at magpapasko na rin kaya malamig na talaga simoy ng hangin.

Nang maisuot ko na 'yung jacket ay sinagot ko ang katanungan niya. "Okay naman na." Pauna kong salita. "Kinausap na ako ng dad ni Clark. He said na na-disappoint siya sa nangyari since I failed to impress Theo sa first try pero Theo did not retreated the investment offer naman. May conference na mangyayari tomorrow, sadly, hindi ako 'yung magha-handle. Nabanggit kasi ng board na hindi dapat ako since Theo seemed to dislike me raw. Pumayag na lang ako though I want to grab that chance to make bawi. Ano bang laban ko sa kanila? Ang mahalaga, I'm still part of the company."

Somebody That I Used To KnowWhere stories live. Discover now