Chapter 47: Can I Curt You

4.1K 100 2
                                    

Zairo Jay POV

Kinakabahan talaga ako sa gagawin ko. Tanaw na tanaw ko si nikkie sa garden pero sigurado akong hindi niya ako makikita sa kinatatayuan ko kasi madilim dito.

Puntahan mo na siya bahala ka kapag umalis yan"sabi ni zaira"

Oo na"sabi ko sabay hinga ng malalim"

Ito ang gitara oh haranahin mo na"sabi ni john"

Di kaya badoy ang kantang napili ko?"tanung ko sa kanya"

Walang badoy sa taong nagmamahal"sagot ni jake"

Tumango naman ako at nagsimula ng magstums ng gitara sabay unti unting naglakad patungo sa kinatatayuan niya.

Nikkie POV

Habang nakaupo ako sa upuan dito sa garden at naghihintay kay queen ay bigla nalang akong nakarinig ng isang tunog ng gitara. Kaya nagpalinga linga ako.

Naku baka may multo dito sa bahay nina queen at minumulto na ako takot pa naman ako sa multo. Boss Zairo help may multo"sabi ko ng malakas"

Napatigil naman ako sa pagsisisigaw ng biglang may kumanta at kasabay ng pag-ilaw ay bumungad sakin si boss zairo na nay hawak na gitara.

Intro:

Itanung mo sa akin
Kung sino ang aking mahal
Itanung mo sa akin
Sagot kung di magtatagal

Ang ganda ng boses niya lalo tuloy akong naiinlove sa kanya"bulong ko sa sarili ko"

Ikaw lang ang aking mahal
Ang pag-ibig mo'y aking kailangan
Pag-ibig na walang hangganan
Ang aking tunay na nararamdaman......

Isa lang ang damdamin
Ikaw ang aking mahal
Tiwala ka sana
Sa akin ay walang iba

Bakit kaya niya ako hinaharana. Pagniligawan mo talaga ako boss sasagutin agad kita"bulong ko ulit"

Mr. Playboy Meet The Gangster QueenWhere stories live. Discover now