Chapter 36- Camping

Start from the beginning
                                    

"Terrence, stop this nonsense thing. Mahal ko pa rin si Christopher"

"Nonsense? Yan lang ba ang tingin mo sa nararamdaman ko?!" napalakas bigla ang boses ko na ikinagulat niya

"Hindi ko na kasalanan kung mahal mo ako, ang sa akin lang mahal ko si Christopher siya lang ang laman ng puso't isip ko at wala ka ng magagawa dun" mahinahon niyang sabi

"Pwede bang ako nalang? Pwede bang ako nalang ang mahalin mo?" tumayo ako at unti-unting lumapit sa kanya "May pag asa bang ako nalang ang maging laman ng puso't isip mo? Ha?" sunod-sunod kong tanong

"Ayaw kong paasahin ka pa Terrence kasi ang totoo hindi pwedeng maging tayo dahil hindi kita mahal"

Tumawa nalang ako sa sakit habang unti-unting bumabagsak ang luha ko.

"Sorry" sabi niya

"You don't have to say that dahil gaya ng sabi mo, it's not your fault na naramdaman ko 'to" pinahiran ko ang mga luha ko

Shet. Nakakabakla naman 'to.

"Sige na, matulog ka na"

"Eh i-ikaw h-hindi ka pa ba matutulog?

"Hindi na muna"

"S-sige una na ako" paalam niya

Bakit ba laging ganito, lagi nalang akong nare-reject? Wala ba talaga akong pag-asa na maging masaya rin? Napakalungkot naman. Ang dami namang naghahabol sa akin pero ewan ko ba.

Tristan's POV

Nakahiga na kami ni Sky ngayon nakatalikod siya sa akin habang ako naman nakaharap sa kanya.

"Tristan, gising ka pa ba?"

"Yup" sagot ko ng nakapikit

Naramdaman ko ang paggalaw ni Sky, maya-maya lang may pumitik sa noo ko.

"Aray" I calmly said dahil hindi naman talaga masakit "Para saan yun?" tanong ko ng nakapikit pa rin

"Sabi gising ka pa"

"Gising nga ako kaya nga nakikipag-usap ako sayo di ba?" minulat ko ang mata ko

Ngumiti naman siya kaya napangiti na rin ako.

"Hindi ko talaga akalain na gagawin ni Terrence yung dare natin" sabi ni Sky

"Ako rin"

"Sa tingin mo gusto niya yung bestfriend ko?" tanong niya

"As what I can see? Meron"

"Ikaw kasi eh bakit yun pa ang naisip mo?"

"I thought maiinis silang parehas tulad nga ng plano natin pero I didn't know na it would turn out like that"

"Eh paano yan?"

"Tsk. Just let them kung may masaktan man sa kanila let's comfort them but kung wala naman edi mas ok"

"Eh tayo ba, ok na tayo?" nabigla ako sa tanong niya pero napaghandaan ko na 'to hahaha trust me

"Hindi" tsaka ako tumalikod

"Sabin a nga ba eh! Please bati na tayo sorry sa nangyare noon di ko naman kasi sinasadya eh nadala lang ako. Please bati na tayo, parang awa mo na!" she said while continuosly poking me

Parang bata naman 'tong babaeng 'to. Wala pa ring nagbago

"Hindi naman yun ang problema eh" sabi ko ng nakatalikod pa rin

"Ano? Sabihin mo sakin para maayos natin"

"What if I tell you that I still love you?"

"EH?"

"Gusto mo ba talagang magkabati tayo?" sabi ko at humarap sa kanya

"O-oo" sabi niya

"Then answer my question whole heartedly at kung anong isasagot mo sa akin, I will take it as your true answer"

"S-sige"

"Do you still love me?"

She smiled shyly

"Should I take it as yes?"

"Kasi naman eh" hinampas niya ako

"Tsk. Ano?"

"Oo mahal pa rin kita" yun, yun eh ang sarap marinig

"Ano?" kunwari di ko narinig

"Mahal kita"

"Ano di ko marinig" nilapit ko ang tenga ko sa kanya

*Smooch* She kissed me on my cheeks. This is un-expectable

"Oh ano, ok na?" tanong niya

We both laughed

Author's Note

Ang dami ng POV ano? Well ehehehe wala eh ganyan talaga at least may magandang nangyare di ba?

Enjoy the remaining chapters guys! Thanks sa support :)

When We FallWhere stories live. Discover now