"Nasaan na si Luke?" tanong ni ate Killy

"Nasa labas pa po" sabi ko

Hindi na sya nagtanong kaya naman tumabi na ako kay Kuya.

"Problem again?" tanong ni kuya

"Yeah, si Luke kase. Naiinis sya kase ako ang nananalo sa laban namin" sabi ko

"Hindi mo parin ba naiintindihan ang lahat?"

"Naiintindihan ang alin kuya?" naguguluhang tanong ko

Pero imbis na sagutin nya ako ay nginitian nya lang ako tyaka sya tumabi kay kuya Railey.

Ilang minuto ang nakalipas at muling bumukas ang pinto ng gymnasium. Pumasok si Luke na ang gulo ng buhok. Anong nangyari sakanya? Para syang nakipagwagwagan sa bakla.

"So pwede na ba tayong magpatuloy?" tanong ni ate Killy

"Yes ate" sabi ko

"Ano pinsan'tukayo? Okay ka na ba?" tanong ni ate Killy kay Luke, tanging tango lamang ang isinagot nya "Okay then pumunta na kayo sa gitna" pumunta kame sa gitna gaya ng sabi ni ate Killy, seryosong nakating saakin si Luke pero nararamdaman ko parin ang galit nya saakin "Sa last round ay pwede nyo ng gamitin ang kahit na anong aramas na gustuhin nyo. Ganon parin ang laban, kung sino ang unang mapatumba ay sya ang talo" sabi nya

"Kuya" may isinenyas ako kay kuya, nakuha nya naman agad ang ibig kong sabihin. Kinuha nya ang espada sa gilid nya at ibininato iyon saakin, agad ko naman iyong nasalo.

"Let the fucking game stars.....NOW!"

Agad akong sinugod ni Luke, nagulat ako dahil ang bilis nya. Sinipa nya ako pero agad akong nakaiwas. Aatakihin ko sana sya pero patalon syang lumayo saakin, umatras sya ng kaunti at tumakbo papunta saakin. Masyadong mabilis ang takbo nya kaya naman mabilis
din syang naka-atake. Parehas kaming espada ang ginagamit, yun nga lang ay malakas ang espada nya dahil isa itong blessed sword, sa oras na madaplisan o matamaan ka ng espadang yun ay makukuryente ang buo mong katawan.

Yun ang dahilan kaya hindi ako makalapit sanya. Masyadong malakas ang espada nya at sa oras na tamaan ako nun ay nasisiguro kong matatalo nya ako.

Pero hindi pwedeng umiwas nalang ako ng umiwas! Kaylangan kong lumaban!

"AHHH!!" daing ko ng matamaan ako ng espada nya. Kahit daplis lang iyon ay naramdaman ko parin ang ilang bultahe ng kuryente sa katawan ko.

Napaluhod ako dahil sa sakit. Nanginginig ang katawa ko dahil sa kuryente.

(>_<)!

Nakakainis talaga! Napakalakas ng espada nya!

Half Blood Academy (School Of Half Bloods)Where stories live. Discover now