Chapter 85: Practice makes perfect

Start from the beginning
                                    

“Kapatid ko sya”

“We? Totoo?”

Yes”

Tinitigan nya ng muka ko na parang tinitingnan kung totoo ba ang mga pinagsasabi ko “Mukang nagsasabi ka naman ng totoo, nabasa ko rin sa isip mo na kaylangan mo ng umalis, bakit? Saan ka pupunta?”

(O_o)?

Eh?

“M-Mind reader ka?” Tanong ko

“Ahm Im a Half Human and a Half spider. Kaya kong gumawa ng sapot, parang si spiderman lang” tapos pinakita nya saakin kung paano sya gumawa ng sapot gamit ang kanyang kamay. Pero bigla nya nalang nasaputan ang muka nya "Kaya nga lang ay hindi ko pa gamay ang pagiging half spider ko” sabi nya habang tinatanggal ang sapot sa muka nya.

“Anong kinalaman ng pagihing half spider mo sa pagiging mind reader mo?”

“My mom is a mind reader, namana ko lang sakanya. Nung una ay ayoko sa pagiging mind reader dahil lahat ng iniisip ng mga half bloods sa paligid ko ay nalalaman at naririnig ko pero don't worry gamay ko na ang pagiging mind reader”

Hindi rin sya madaldal 'no?

Ok... Kung wala ka ng sasabihin ay aalis na ko” sabi ko

“Hindi kaba maliligo muna o kaya naman kakain? Puro pawis ang damit mo at mukang gutom kana”

“Ahm sige maliligo muna ako, favor lang, pwede bang ikaw na lang ang magluto kase disaster kapag ako ang nagluto. Dalawa lang ang pwedeng mangyari, ang mapahamak tayo o masunog 'tong kwarto natin

Okay ako na ang magluluto sabi nya at pumunta ng kusina.

Ako naman ay pumunta sa banyo para maligo.

Habang naliligo ako ay naalala ko nanaman ang mga ginawa saakin ni dad, lahat ng pananakit, pangrereto nya saakin sa mga lalaki. Hindi ko 'yun sinabi kay kuya dahil ayokong madagdag pa ako sa mga iniisip nya. Yung sinabi ko sakanya na mah nireto saakin si dad pero tinangihan ko, totoo 'yun pero napilit ako ni dad kase sabi nya papatayin nya daw si ate pati si kuya Liam kapag hindi daw ako pumayag. Sinasaktan nya rin ako kapag nakaka inom sya, walang magawa si mom dahil pati sya sinasaktan ni dad. Hindi nalang ako nagsusumbong dahil ayokong may iba pang madamay.

Half Blood Academy (School Of Half Bloods)Where stories live. Discover now