Kabanata 6

1K 50 9
                                    

--

Kabanata 6

Tickets

Naging mabilis ang mga nagdaang buwan. Cinelebrate namin ang Pasko at bagong taon ng simple lamang ngunit yun na yata ang pinakapangit na Pasko sa buhay ko. Kasama kasi namin ang pamilya nung mokong na yun. Hindi ako makapaniwalang may mas ikakapal pa yung mukha niya nung Pasko.

“Lou Ren! May regalo ako sayo!”

“Ano?”

“Salamin!”

“Bakit naman salamin?”

“Para naman makita mo lagi ang kapangitan mo, diba? Ang talino ko talaga!”

Hindi ko alam na nakapagtimpi pa ako nung mga oras na yun. Pilit ko na lang siyang binabalewala ngunit siya pa rin itong dikit ng dikit. Naasiwa ako kapag nagpapasikat siya sa Parents ko. Akala mo kung sinong magaling.

"Take your seats." umupo na kami ng masabi yun ni Prof. Nandito kami sa Classroom at kakasimula lang. Bukas na ang festivals at pagkatapos nun ay Semestral Break na. Buti naman dahil makakahinga na ako ng maluwag. Masyadong stress ang buhay ko sa School Year na ito. 2nd year na kami ngayon at ang malala pa, kaklase ko ang ugok.

Tumingin ako sa bag ko at kinuha ang pencil case. Ngayon na ang Finals kaya naman todo review ako kagabi. Kuntento naman na ako sa mga nareview ko dahil narecall ko naman lahat ng mga pinag-aralan namin this Semester.

Suminghap ako ng makita ko ang walang laman na pencil case ko. Binuklat ko ito ng malaki ngunit walang lumabas na kahit anong bagay na makakapangsulat. Napasapo ako sa noo ng maalala kong naiwan ko yung mga ballpen ko sa study table. Ngayon, ano na ang gagamitin ko? In 10 minutes magsstart na. Ugh.

Luminga linga ako sa mga kaklase kong nagpeprepare na para sa last Test. Kinakabahan na ako dahil baka mamaya mahuli ako. Tumingin ako sa kakaklase kong lalaki na nakapatong ang ballpen sa kanyang desk. Napalunok naman ako sa katabi kong isa pang lalaki ngayon. Ginagalaw niya ang kanyang ulo na para bang nageenjoy siya sa isang music na hindi ko alam kung bakit dahil wala naming music dito sa classroom.

“Titingin tingin mo?” napaiwas ako ng tingin ng bigla siyang magsalita. Epal talaga kahit kailan. Umiling na lamang ako at saka tumingin sa isa ko pang katabi.

“Shin, pwede ba akong makahiram sayo ng ballpen? Kung may extra ka man?” tanong ko at saka ngumiti. Tumingin siya sa akin at tinignan ang kanyang bag. Nagdasal dasal na ako sa mga Santo na sana meron pa siyang ballpen ngunit tumingin siya sa akin at umiling. Napawi tuloy ang ngisi sa aking mukha.

“Wow~ Walang ballpen ang Maria Clara ng Korea. Isang milagro~” narinig kong parinig nung mokong. Tumikhim ako at magtatanong na sana dun sa isa ko pang kaklase ng bigla niyang hinawakan ang braso ko.

“Gusto mo ng ballpen?” napatingin ako sa kanyang mukha. Nakangiti nanaman siyang parang nang-aasar. Ayaw na ayaw ko talaga ang ganyan niyang mukha dahil mukha siyang demonyo. Palibhasa kasi demonyo naman talaga.

“Hindi.” Mariin kong sagot sabay hawi sa kanyang kamay. Mas gugustuhin ko pang magtanong sa iba kong kaklase kung meron pa ba silang ballpen kesa naman humiram ng ballpen sa mokong na yun. Hindi ko alam kung anong binabalak niya. Mamaya may glue yung ballpen nay un odi kaya nagtatae yung ink. Mga pakulo talaga ng isang to.

ShutterbugOnde as histórias ganham vida. Descobre agora