Based on true story. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental. Do not distribute, publish, transmit, modify, display or create a derivative works from or exploit the contents of this story in any way. Please obtain permission.

***************************************************************************************

Sabi nila, "Don't hold on to something or someone so tight, so when they decided to walked away, there will be less pain" pero matigas ang ulo ko. Masyado ko siyang hinawakan ng mahigpit, ibinigay ko lahat ng pagmamahal ko sa kanya--yung atensiyon at oras na dapat para sa sarili ko, ibinuhos ko sa kanya, masyado akong umasa at pinaniwala ang sarili ko na para kami sa isa't isa, pero sa huli--- hindi pa rin naging kami. The pain was unbearable, wala ni isang salita ang makakapagsabi kung gaano kasakit ang naramdaman ko. For six years, i was lost and i was broken. Until he came--- or should i say--until he 'showed up', the man who mend my broken heart.

*************

It started one summer, naghahanap ako ng summer job para matulungan si papa sa gastusin sa bahay. I'm a college student taking up Bachelor of Arts in Political Science sa University of the Philippines. Scholar ako kaya wala akong binabayaran sa eskwelahan. Mayroon pa akong allowance na siyang nagsisilbing baon at pambayad ko sa boarding house maging sa mga nagiging proeyekto ko sa eskwelahan. Nasa ikalawang taon na ako sa kolehiyo at ginagawa ko ang lahat para matuwa at maipagmalaki ako nina papa.

Hindi kami mayaman, galing akong Cebu at isang magsasaka si papa. Si mama may breast cancer at naka-confine sa ospital, stage 2 at kailangang ma-monitor ang kalagayan ni mama. May kapatid akong babae sa elementarya, si Syd, nasa ikaapat na baitang na siya. Bilang panganay, pakiramdam ko nasa akin lahat ang responsibilidad. Lagi kong sinasabi sa sarili ko na, ako ang mag-aahon sa aking pamilya sa kahirapan ng buhay. Kaya nung nakapasa ako sa entrance exam sa UP, hindi ako nagdalawang isip na suungin ang kamaynilaan.

Sa una mahirap, wala akong kaibigan, wala akong kakilala at higit sa lahat walang nag aalaga sa kin kapag may sakit ako. Pero tinitiis ko iyon para sa kinabukasan ng pamilya ko. Lahat naman ng pinaghihirapan at pinagsusumikapan, nakukuha.

Nag-apply ako bilang saleslady. Ang kaibigan at ka-boarding mate kong si Lyn ang nagpasok sa akin sa trabaho. Mahirap makibagay sa kapwa lalo na kung hindi ka naman talaga pamilyar sa lugar. Pero kinalaunan, napakisamahan ko sila at nagkaroon ako ng bagong kaibigan, si Mary Joy.

Bago kami pumasok nina Lyn sa trabaho, sumasaglit kami sa simbahan na nasa likod ng karinderyang katapat ng aming pinagtatrabahuan. Pero sa buhay hindi naman maiiwasan na mapahamak tayo. Weekends noon, gabi na ako nakalabas sa trabaho dahil nag-whole sale kami. Si Lyn maagang umuwi kasi na-ospital ang kapatid niya, si Mary Joy hindi makakasabay sa akin kasi susunduin siya ng boyfriend. Yung iba ko namang kasama may kanya-kanyang lakad.

Naglalakad na ako papuntang sakayan noon nang may dalawang lalaking lumapit sa akin. Yung isa umakbay sa akin at yung isa nasa likuran namin. Sinubukan kong pumalag pero naramdaman ko na lamang ang matalim na bagay sa may tagiliran ko. Dinala nila ako sa madilim na eskinita at sapilitang kinuha ang aking bag. Akala ko tapos na pero, bigla na lamang nila akong tinulak pahiga. Takot na takot ako noon. Sinubukan kong sumigaw pero tinakpan nila ang bibig ko at hinawakan ang magkabila kong kamay. Sinusubukan kong manlaban pero wala akong magawa. Pinikit ko na lamang ang mga mata ko at nagdasal sa Panginoon. Pilit nilang binababa ang pantalon ko pero ginawa ko lahat para maprotektahan ang pagkababae ko. Naging mabilis ang sunod na pangyayari. Naramdaman ko na lamang na tumilapon ang dalawang lalaki palayo. Nagmulat ako ng mata at agad na tumayo. Nilingon ko pa ang hindi kilalang lalaki na tumulong sa akin na binubugbog ang dalawang lalaki.

Sulyap [Completed]Donde viven las historias. Descúbrelo ahora