Pagtingin ko sa glass ng Jollibee sa likod ko, nakita ko yung mga tao. May mga hawak silang cameras and camcorders. Tapos lahat may ID.


Nagulat ako nung biglang tumayo si DJ tapos hinawakan na niya kamay ko at hinila ako.

O_O


"Takpan mo mukha mo" Ginawa ko naman yung sinabi niya. Since mahaba buhok ko, yumuko na lang ako para matakpan ng buhok ko yung mukha ko.


Tumatakbo lang kami palabas ng Jollibee while people are watching us. Yung mga taong may camera, tumatakbo rin papunta samin. Nagmadali kaming parehas na pumasok sa kotse ni Daniel tapos nagdrive na siya kaagad.


Hingal na hingal ako right now pero kinaya ko talaga magsalita.


"DJ, Ano yun? Bakit ba bigla na lang tayo tumakbo? And bakit nila tayo kinukunan ng pictures?"

"Media yun kath. Nalaman nila na nagstop over tayo at dahil nga tumagal tayo dun, naabutan nila tayo"

"Media?" Hala. Di naman ako artista ah.


"Antok ka na talaga siguro. Kanina ka pa ganyan. Syempre, may media. Sikat ako. Anak ako ng isang actress at lalakeng kasama sa top ten richest people in the world" Sabi niya. Wow. Top ten! Grabe.


Processing pa utak ko bago ko naintindihan sinabi niya.


"Ah. So damay ka na talaga sa kanila? I mean sa popularity ng parents mo"

"Matagal na. Kaya nga maraming nakakakilala sakin eh"


Pumikit na ko kasi antok na talaga ako. Minulat ko rin naman kaagad mata ko nung naramdaman kong bumilis lalo ang takbo ng kotse ni DJ.


"Bakit ka ba nagmamadali?" Tanong ko. Kahit naka-seat belt ako, feeling ko tatalsik ako. Sanay na ko na mabilis siyang mag-drive pero nakakatakot ngayon. Highway kasi ito eh.


Napansin kong tingin siya ng tingin sa mga side mirrors ng car niya. Parang hindi siya mapakali.


"Kath, tignan mo yung mga black SUV na yun" Tumingin ako sa likod tapos nakita ko yung mga sinasabi ni DJ. Limang SUV yata yun.


"Wag mong sabihin na sila yun" Dahan-dahan pa yung pagkakasabi ko. Ano sila? Desperado? Stalker?


"Masanay ka na. Tsk. Bwisit naman! Kapag gwapo talaga, sinusundan"

Grabe lang. Hanggang sa mga ganitong sitwasyon, nagagawa niya pang magbiro.


"Ano yan? Hanggang sa resort susundan nila tayo?!"


"Kaya nga bwisit! Hindi nila pwede malaman kung saan tayo magii-stay. Hindi rin nila pwede mapicturan yang mukha mo. Ayokong guluhin ka nila. Buti nga kanina, nakatalikod ka sa kanila, ako lang napicturan at yang likod mo"

Stuck in the Moment (Stuck Series Book 1)Where stories live. Discover now