Aww. Di niya talaga nakalimutan yun. Ako ngang gutom na gutom, nakalimot pero siya!!!


"Yup, tara" Bumaba na kami sa car niya tapos naglakad na kami. Medyo kumunot noo ko nung pinagtitinginan kami ng tao. 


Bakit? Anong meron? Wala na naman kaming sash at crown. Di naman kami nagho-holding hands. May space naman kami. Bakit sila nakatingin?


"Jollibee, Mcdo, KFC, Chowking, Mang Inasal..." Binabasa niya lang lahat ng nakikita niya. Tapos bigla ko siyang hinila sa Jollibee.


"Bakit dito?" Tanong niya habang tumatawa pa siya.


Yung mga tao sa loob ng Jollibee, tinignan kami. Hala! Ako lang ba nakakapansin nito? Di ba napansin yun ni Daniel?


"HUY! Kausap kita Kathryn Bernardo!"


Napatingin ako bigla kay Daniel.


"Ano? May sinasabi ka?" Sabi ko sa kanya. Sa kakatingin ko sa mga tao, hindi ko namalayan na kinakausap na pala ako ni DJ.


"Bakit ba wala ka sa wisyo ngayon? Ganyan ka ba talaga kapag madaling-araw?"

"Siguro. Pero hindi naman yun dahilan kung bakit hindi kita narinig. Pinagtitinginan kasi tayo ng tao"


Kumunot noo ni Daniel tapos tumingin siya sa paligid.

"Bwisit. Sabi na nga ba eh. Hanggang dito ba naman...." Bulong niya sa sarili niya.


Hala. Ano kayang meaning niya dun? Gusto ko sana siya tanungin kaso hindi ako sure kung tama narinig ko. Sobrang hina kasi ng boses niya. Kahit na super curious ako, nanahimik na lang ako. Medyo pagod na rin kasi ako.


"Wait nga, ano ba yung tinatanong mo kanina?" Napatingin sakin si Daniel nung nagsalita ako.

"Sabi ko bakit dito sa Jollibee tayo kakain?"

"Bucket meal gusto ko ehh"

"Baliw ka ba Kath? Dalawa lang kaya tayo"

"Gutom nga ako DJ. Kaya kong ubusin yan"


Tumawa lang siya pero nagorder din naman kami.


Habang kumakain kami, nagkatingin kami ni DJ tapos sabay din kami tumawa.

Gutom na gutom kasi talaga kami. Parang mga patay gutom lang.


Usap lang kami ng usap. Different topics yung pinagusapan namin, merong tungkol sa event kanina, sa mga gagawin sa resort, sa school, sa mga tao sa paligid namin, yung baklang naka-shorts at tank top, yung tinderang nagdo-dougie, yung babaeng mukhang aswang. Kung ano-ano talaga! Tawa nga kami ng tawa!


Pero bigla akong napatigil nung may nag-flash na camera sa mukha ni DJ. Napapikit siya dahil dun.

Stuck in the Moment (Stuck Series Book 1)Where stories live. Discover now