Torpe University

378 3 1
                                    

Torpe University

By: TheGirlNextDoor

This story is only a fiction made by the wild imagination of the author. None of these are true. This story is property of TheGirlNextDoor…

Prologue:

Gwapo, Makulit, Talented, Crush ng bayan, at syempre TORPE. Yan ako. I’m very proud na naturingang Torpe. Madaming babae ang nagkakandarapa sakin pero isa lang nakaagaw ng atensyon ko. Sabi nila hibang daw ako, kasi ang katulad ni Myrrh Yngrryd Jackson ang nagustuhan ko. Sya lang naman kasi ang Girlfriend ng Bayan. Kung si Carlos ay Casanova King, sya? Sya lang naman ang Casanova Princess ng Campus. I’m Julius Danielle Gareza. All I want is makagraduate sa isang type of school called Torpe University …

Chapter 1: Stolen shots

This story is only a fiction made by the wild imagination of the author. None of these are true. This story is property of TheGirlNextDoor…

Semestral Break nanaman… TT___TT walang assignments, projects, seatworks, recitation and etc. nakakainis. Natapos na din ang Volleyball championship, baka mamaya bumalik pa si Jhaycee sa dating pwesto nyang 4th honor. Kaya, magaaral na lang ako this 2 weeks sem break. Hehehe. Oo ako na ang mahilig magaral. Eh, paano ba kasi, wala naman akong Flame, Jhaycee, or Chissy or Lorraine. Kaya wala akong pinagkakaabalahan. Makapagmall na nga lang… Naligo at nagbihis. Then kinuha ko yung camera ko at cellphone ko. Then I drove all the way to the mall. I love photography kasi. Syempre di maiiwasan na may fans na lalapit sayo. Nandito ako ngayon sa may park taking pictures, then something caught my attention. “She’s gorgeous.” I took to many shots, well stolen shots from her. Siguro 30 plus shots. Then tumayo na sya, at umalis. Nacucurious tuloy ako kung sino sya. Pero parang namumukhaan ko sya, ewan ko lang kung saan ko sya nakita. Araw na akong pumupunta sa park hoping na andun sya. And I always see her. It’s the last day of Sem break, last day to go to the park. Pagpunta ko ng park andun sya. Nakaupo lang sa may swing. Walang tao ngayon. *plik plok* tumingin ako sa langit. Umuulan. Biglang bumuhos ang malakas na ulan. Andun pa rin sya, nakayuko. Buti na lang at nakajacket ako kaya sinilungan ko sya. “Umuulan miss.” Sabi ko. “Y-yah I know. Magkakasakit ka,” sabi nya sakin. “Ikaw ang magkakasakit miss.” Di ko nakita yung mukha nya. “Sige aalis na ko.” Hahabulin ko sana sya kasi naiwan  nya ang panyo nya. Ito ang pinakasakit ko, yung torpe ako. Umuwi akong basang basa. “heto ako, basang basa sa ulan, walang masisilungan, walang malalapitan. Hahaha. Anong peg mo at nagpaulan ka ngayon Julius???” Tanong ni mama. “Wala lang po. Sige po.” Umalis na ko habang si mama kanta ng kanta. Pagkaligo ko, kinuha ko yung cam ko, buti nalang at, water proof. Itinitigan ko lang yung mga stolen shots nya. Pinost ko sa fb, instagram pati sa mga official fan page ko. Ang caption. #SearchingForHer #WhoAreYou #StolenShots #Park then pinost ko na. after 15 minutes nag comment ang mga Empireans. Ito lang ang sagot nila #MyrrhYnggrydJackson is the girl… and something caught my attention. Nagcomment si Carlos ng #GirlfriendYanNgBayan LOL!!! Kaya naman pala namumukhaan ko sya. Garnetians yan eh…

Torpe UniversityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon