Chapter 6: Ang Kapatid. Bow💀

3.2K 46 0
                                    

Jasper POV

Hindi ko alam kong bakit ako naiinis sa kanya

*Flashback*

Nakita ko si Abigail na may kausap sa phone

Lalapitan ko sana ng may narinig ako na hindi ko inaasahan

"Love you too abnormal!"

Parang nabato ako sa kinitayuan ko ng marinig ko ang sinabi nya...

*End of flashback*

Aishhh!! Ewan ko

Makapunta na nga lang sa bahay nina Blaze

Few minutes later...

Nakarating na din ako sa bahay nina Blaze

Tinawagan ko sina Nixon at Zander

Magbasketball kami nina Blaze

May basketball court kasi malapit sakanila

Parang practice na rin para sa intrams sa school

Malayo pa naman ang intrams pero gusto ni coach na mag insayo na kami eh

Taga ibang school kasi kalaban namin. Sabi ni coach nakakahiya daw pag matalo kami

Kasi every intrams sa school namin palagi kaming panalo

Pumasok na ako sa loob ng bahay nina Blaze

Nakita ko sya na nanood ng basketball sala nila

Mapagtripan nga

Dahan dahan akong naglakad  papalapit kay Blaze

"Hoy!"

"Ay gago!"

Napahalakhak ako sa kanya

Hahahaha ang epic ng mukha pftt.😂😂😂

"Tristan naman! Bakit ka ba nanggugulat?" Inis na tanong sakin ni Blaze

"Hahahah wala, trip ko lang" natatawa kong sabi

"Gago ka talaga Tristan" sabi sakin ni Blaze

"Gwapo hindi gago"natatawa kong sabi

Magsasalita na sana sya nang biglang dumating sina Nixon at Zander

" Mga Bregs! Ano? Basketball na tayo!"sabi ni Nixon at umakto na nag dribble at nag shoot

Tinulak sya ni Zander

"Ang hangin mo Nixon,matatalo ka lang naman" natatawang sabi ni Zander

Tinawan lang namin si Nixon na masama ang tingin saamin pfft..

"Tingnan natin! Sige na! Laro na tayo! Tingnan natin kong sino ang matatalo" sabi ni Nixon

Pumunta si Blaze sa kwarto nya at nagbihis ng pam basketball

At nong nakabihis na sya naglakad kami  pa punta sa basketball court malapit sakanila

At nang makadating na kami doon,nakita ko si Abigail doon may kasama sya na babae

Well maganda naman sya at mukhang mahinhin nag checheer sila sa dalawang lalaki na nagbabasketball

Jasper's Property {Completed}Where stories live. Discover now