Chapter 2

27 2 0
                                    

 Sa pagtatapos ng routine ko sa araw-araw, nandito ako ngayon sa rooftop para mapigilang magpakamatay yung crush ko. Teka anu nga bang gagawin ko?

-_- ?

-_-?

0_0 !

Teka may naisip na ako!

Habang unti-unting lumalapit kay ate na magpapakamatay, gumawa ako ng rason para makalapit sa kanya. Kaya naisip kong sabihin na :

"Teka miss zipper ng bag mo bukas sasarado ko lang."

Ginaya ko lang yung napanood ko sa palabas sa T.V yung "Ako Lamang".

Ganyang-ganyan kasi yung napanood ko sa T.V. Hindi kasi hinahayaan ng mga nagpapakamatay na may lumapit sa kanila.

Habang lumalapit ako ng dahan-dahan kung anu-ano yung pumapasok sa utak ko. Baka mamaya marunong pala 'tong mag psychology tapos mabasa niya sa utak ko na ililigtas ko siya. O baka naman mamaya masyadong obvious na nagkukunyari lang ako at baka biglang tumalon na lang yun. Nung makalapit na ako sa kanya, hinila ko siya at niyakap papunta sa akin para mapalayo siya sa rooftop.

Hindi ko alam ang sasabihin ko. Parang gusto ko talagang sabihin na ang nararamdaman ko pero alam ko na hindi yun makakatulong kaya naisip kon sabihin na :

"ANU BA TE! TRIP MO BANG SIRAIN YUNG PANGALAN NG SCHOOL!?"

Ayan na lang ang lumabas sa bunganga ko.

Tinulak ako nung  babae. Pagkatapos noon ay nakita ko yung bibig niya na nagsisimula ng bumuka at narinig kong sinabi niya na:

"Dahil sa ginawa mo panagutan mo ako!"

Naguluhan yung isip ko, parang nagkabuhol-buhol yung utak ko. Ang tagal masagap ng utak ko kung ano yung ibig niya doon sabihin.

Loading ......

Loading ......

Analyzing complete. Naintindihan ko din yung ibig niyang sabihin.

"Ha?! Anung 'panagutan mo ko' ka dyan?! Seryoso pa mukha mo ah? Eh hindi pa nga kita dyan kilala eh!"

Ayan na lang yung nasabi ko dahil sa pagkabigla. Sino ba naman kasing matinong tao ang sasabihin yan sa isang taong di mo kilala?

"Tama ka. Sino nga ba naman ako para panagutan mo?"

Nakita ko na ang lungkot-lungkot ng mukha niya at alam naman nating lahat na hindi basta-basta yung problema niya. Sino ba namang tao yung magpapakamatay dahil lang sa maliit na problema?

Pagkatapos niyang sabihin yun humakbang muli yung babae palapit sa edge ng rooftop para magpakahulog.

"Teka... teka anung gagawin mo?"

Sinubukan ko siyang pigilan at nagtagumpay naman ako dahil napahinto ko siya, pero may sinabi siya sa akin. Sabi niya:

"Alam ko namang hindi ka ganon ka-tanga para malaman kung anong gagawin ko diba?" Pagkatapos niya yung sabihin tinuloy niya yung pagpunta sa edge ng rooftop.

Totoo na gusto niyang magpakamatay pero ramdam ko na sa loob-loob niya natatakot din siya. Malamang na takot siya sa matataas. Maaaring ayaw niya talagang magpakamatay. Siguro ganun na talaga ka-lala yung problema niya.

Naalala ko yung napanood ko sa "Bellamira" nung magpapakamatay yung bida. Masubukan nga!

"Teka lang!" Tumakbo ako palapit sa kanya tsaka ko siya niyakap ng mahigpit para di siya makawala.

Sinubukan niyang magpumiglas kagayang-kagaya ng nasa "Bellamira", pero kagaya rin nung leading man sa palabas na 'yon, hinigpitan ko pa lalo yung pagkakayakap ko sa kanya.

Tsaka ko binitawan yung dialogue nung leading man.

"Alam ko kung ano yung nararamdaman mo." Sabi ko.

Kasabay nung matinding pag-ihip nung hangin, naramdaman ko yung isang patak ng tubig sa aking pisngi.

Dahil sa mahigpit yung pagkakayakap ko sa kanya, bahagyang nakayuko yung ulo ko. Nung nakahanap ako ng tsempo tinignan ko siya sa mukha niya at nakita ko na umiiyak siya.

"Paano mo ako maiintindihan?" Tanong niya sa akin habang nagpupumiglas sa pagkakayakap ko sa kanya. Pagkatapos humagulgol ng konti nagsalita uli siya. Sabi niya:

"Hindi mo alam yung sakit na nararamdaman ko habang paulit-ulit akong pinapatay!" Ang sinigaw niya habang nagpupumiglas sa akin.

Bigla kong naalala yung pinaka masaklap na nakaraan ko. Unti-unti akong naging emosyonal at hindi ko mapigilang sabihin na:

"Akala mo ba ikaw lang ang nakakaranas ng  pagpatay ng paulit-ulit?"

Pagkatapos kong sabihin yon unti-unting kumalma at huminahon yung babae. Bagama't ramdam ko na hindi na ulit siya magbabalak na tumalon sa ganyang kataas na gusali, hindi ko pa rin siya binitawan.

Hinayaan kong ilabas niya ang lahat ng sama ng loob niya. At nung mahimasmasan na siya umupo muna kami sa 3rd floor. Dalawang pinto lang ang meron sa 3rd floor, ang bodega at ang rooftop. Doon kami umupo sa gitna nung dalawang pinto nung kwarto - kung baga hallway.

Nakakahiya na masyado ang katahimikan sa gitna naming dalawa. Buti na lang binasag ng humaharurot na bola ng baseball club ang katahimikan. Sa tingin ko ito na yung pagkakataon para tanungin kung anong problema ng isang 'to.

"uhm..uhm.. [ I cleared my throat ] ano nga bang problema mo?"

Nakita ko ang expression ng mukha niya na pinag-isipan niya munang mabuti kung sasabihin niya ba. Hanggang sa unti-unti siyang makapag desision na sabihin na sa akin ang problema.

"buntis ako at ..huuu...huuu..."

Narinig ko na unti-unting humahagulgol tong babaeng to. Pagkatapos niyang humagulgol tinuloy niya na yung sinasabi niya.

"Hindi ko alam ang gagawin ko... uwwahhhh....uwaahhhhh...uwahhhh..!!"

Biglang lumakas yung paghagulgol niya kaya nataranta ako. Hindi ko alam kung paano ko siya pahihinahunin ulet.

"Okey...okey... tumahan ka na. Tutulungan kitang lutasin yung problema mo."

Napansin ko namang unti-unti siyang huminahon. Pero teka lang, saan ko nga pala sisimulan yung paglutas sa problema nung babaeng to?

"Teka.. teka kilala mo ba kung sino yung ama?"

Sa pagtatanong kung yun may napansin ako sa mukha niya. Para bang sinasabi nito na hindi ko na kailangan pang malaman kung sino yung ama nung dinadala niya. Pero hindi to malulutas lahat kung hindi niya sa akin sasabihin kung sino yung ama nung bata. Kailangan ko pa rin 'to itanong.

"Bakit? Nagtago ba yung tatay niyang dinadala mo?

Sa pagtatanong kong yun, iling lang ang isinagot niya sa akin.

"Hindi? eh di ano?

"Unang-una sa lahat kaya ako naglayas kasi......."

"bakit?"

"Nire-rape ako ni papa."

Nabigla ako masyado sa sinabi niya. Hindi ko lubos mawari na may gagawa noon sa sarili niyang anak. Pero magtatanong palang ako nang merong biglang sumigaw sa bandang kaliwa sa basurahan kung saan hindi napapansin ng lahat.

"OKEY...... CUTTTTTTTTT!!!!!!!!!!"

"Huh? Ano daw?"

Nagtataka pa ako noon kung bakit niya yun sinabi pero nung may nakita na akong camera...

Naku hindi...."Ahhhhhhhh HINDEEEEEE!!!!!!!!!!!!"

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: May 17, 2014 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Student From Room 405Where stories live. Discover now