Post-it 3. Hate Guy

Start from the beginning
                                    

1

2

3....

"HAHAHA! Si Inna, namumula!" tukso ni Darvy sabay palayo sa'kin.

Sira ulong Darvy! Kaya't hinabol ko sya at ng mabatukan ko. Panira ng umaga talaga tong tao 'to eh! Nakakahiya tuloy sa mga kaklase ko. Tawanan naman silang lahat sabay panunukso.

May girlfriend na yan si Darvy, matagal na rin sila. Biruin mo, apat na taon ng nagtitiis ang girlfriend nyan sa kanya, HAHAHA. Pero ibang school nga lang ang pinapasukan ng girl. Kaya di ko naman sineseryoso pag tinotopak na yan. Minsan nakakakikilig rin pero alam ko namang purong biro lang talaga yung sakanya at tska andami na nilang nakapila sa kanya noh! Ayoko ng makisali. Isa na nga dun si Zyrah na simula't sapol eh patay na patay na kay Darvy at alam yun ng buong klase. Pero may boyfriend si Zyrah. HAHAHA. Ang gulo ng klase namin ano? Di mo aakalaing College Students na kami. Magulo. Isip bata! LOLs.

Dito na naman kami sa usual tambayan namin kaya't dali-dali kong tiningnan kung may post-it ba, at di naman ako binigo nitong post-it man/woman na 'to.

"I'm begging my heart not to fall again,

Afraid this would be for zillion times rejected in vain.

Oh Im already tired of crying and being hurt secretly

That I want to be numb in this world's love of fantasy."

To YOU:

Hey there! Thanks for that reply. :") I guess you're right. I should try.

Bigla naman akong napangiti. Nabasa nya yung reply ko. Wooh! Ang saya naman!
Weird. I don't know this person, ni hindi ko nga alam kung babae ba 'to o lalaki but I'm really happy for him/her.

"Madam Mayor Inna, pinapatawag ka dun sa LSG office."

"Eh? Bakit daw Novz?" Napalingon ako ng may halong pagtataka. Ako? May kasalanan ba ako? May utang? May sinakal? BAAKKKIIITTT??

"Ang OA ng reaksyon mo huy! HAHAHA." Nabasa ba ni Nova ang iniisip ko? Mind reader kana Nova? (=__=)
"Ipapakuha daw sa mga mayors ang MinTech"..

Ahh, ang MinTech lang pala. Pambihira! akala ko kung ano na eh! HAHAHA. Ang OA ko talaga. Hohohohoho. Dali-dali naman akong nagpunta sa LSG Office.

Lakad.


Takbo.


Lakad.


Takbo.

Chus! Para namang sobrang layo ng office. HAHAHA. Pero tumakbo talaga ako noh. Kaya ng narating ko ang pintuan ng office, hindi agad ako pumasok kasi hinihingal pa ako ng may..

BOOOGGGGSSSHHH!

(A/N: Eksaheradang sounds effect ng pagkakabangga ng isang tao sa pintuan. >:D)

"Aaaa--Aaaaaarraay!" at natumba nga ako sa sahig.

"What? Ano yun?" Nagtatakang tanong nung langyang taong biglang nagbukas ng pinto. Hindi nya pa pala ako nakikita. Sakalin ko 'to eh. Aarrgghh!

"Hoy! Butiking walang mata!" Sigaw ko pero tama lang naman na sya lang ang makakarinig ng sinabi ko. Buti na lang talaga walang taong dumadaan kasi halos nasa canteen lahat.

Bigla naman syang napitingin sa sahig at ang maganda nyang reaction nung makita ang itsura ko: (?__?) à ( O__O) à :O à (-__-)

Ang damuho! Pinipigilan pang tumawa eh, eh kitang-kita namang gusto nya ng tumawa. Pero dahil nga kasalanan nya eh nagising naman sya sa katotohanang kelangan nyang humingi ng tawad. Inabot nya yung kamay nya sa'kin at ng makatayo ako pero dahil galit ako at may pride ako eh di ko yun kinuha at tumayo ako ng mag-isa.

"Ikaw na butiki kang walang mata! Gusto mo ipahiram ko 'to sayo 'tong eyeglasses ko at ng makita mo na may tao sa pintuan?!" Hahigh-bloodin ata ako ng wala sa oras sa taong 'to eh. Ansakit tuloy ng pwet ko gawa ng pagkakabagsak ko.

"HA? Ahh, ehh.. Ahh. Ehh.."

Wala bang alam sabihin 'tong taong 'to kundi Ahh Ehh? Tss! Nakakainit ng ulo!

"Ahh. Ehh. Ihh. Ohh. Uhh. Mag-aral ka nga ulit ng ABAKADA!" Tss! At pumasok na ako ng office. Iniwan syang natatanga dun sa labas. Problema ng taong yun? Di man lang marunong mag sorry. Simpleng sorry lang naman eh. Tsk.

Badtrip pa rin ako dahil sa nangyari at napansin naman 'to ng mga kaklase ko kaya di na nila ako biniro at ginulo. Alam na kasi nila ang susunod na mangyayari, WORLD WAR 100 sigurado! Tahimik lang akong naupo at ang magandang umagang sinimulan ko eh WALA NA. Huhuhuhuhu. Sila naman ay busyng-busy sa kakabuklat at pagbabasa nung university publication namin.

"UWWAAA! ANG GWAPO NYA TALAGA! LOOK OH! TAPOS ANG GALING PANG MAGSULAT!"

Ano ba yan, nakakagulat naman 'tong si Nova. Pabigla-bigla lang kasing sumisigaw. Animo'y may megaphone sa lalamunan at laging naka-loud speaker. Hawak-hawak nya pa yung pub at may tinuturo dun, kami namang nagtataka eh napatingin sa kanya-kanya naming kopya. Nang..  

"ANNOOOO????!!"

Okay. This time sa'kin naman sila lahat napalingon, kahit yung nasa kabilang mesa eh napalingon sa'kin dahil sa lakas ng boses ko. Realizing that, bigla naman akong napayuko at nahiya naman ang lola nyo. Hahahah! Okay, sorry naman! Pano ba naman kasi.

"Napano ka Inna?" si Saharah.


"Oh bakit?" dugtong naman ni Darvy.

"May mumu ba dyan sa MinTech, san? Pabasa nga!" singit din ni Keene.

"Okay ka lang ba?"nag-aalalang tanong ni June Rey.

Napatanga lang ako. Sinubukan kong sumagot pero nakanganga lang yung bunganga ko.

"Inna, yung bunganga pakisirado baka mapasukan ng langaw!" HEHEHE. Peace! biro ni Keene.

Isa-isa ko silang tiningnan at ngumiti na lang.

"Ahh, hehehehe! Wala. Wow naman kasi ang MinTech nila eh oh, ang ganda ganda!" Pagsisinungaling ko. Ang OA ko lang din kasi talagang mag react. HAHAHA. Hindi naman kasi talaga ganundapat ika-react ang nakita ko. Si HateGuy lang naman kasi yung nakita ko sa publication na sinasabing gwapo daw ni Nova na editor-in-chief pala na syang nakabunggo sa'kin kanina sa LSG Office na di nag sorry na sobrang kinaiinisan ko sa di malamang dahilan.

"OMG! Si Terrenze!" Sabay turong sabi ni Nova.

Dahil busy ako sa kakaisip at di parin po ako makapag move on sa nabasa ko eh binalewala ko lang yung sinasabi ni Nova.

"OMG! OMG! Nakatingin sya sa'kin!"

Dagdag ni Nova. Kaya naman tiningnan ko ang tinuturo nya at nakita ko, nakita nya ako. Si Terrenze ni Nova at si HateGuy ay iisa. Nakatingin nga sya sa gawi namin kaya ibinalik ko yung tingin ko sa binabasa ko baka kasi mapansin nya ako't maaalala nya na ako yung tumawag sa kanya ng "butiking walang mata". Hehehehe.

Siya si Terrenze Kervin Villanueva. Editor-in-chief ng MinTech. Debate Club member. 3rd Year BS Psychology Student.

The Hate Guy.

My Hate Guy.  

Post-it StrangerWhere stories live. Discover now