Unang pahina

101 6 5
                                        

I have a confession to make.

Paano ko ba 'to sisimulan? Siguro nung nakita kita sa may tapat ng basketball court.

Katatapos lang ng exam natin. Kumbaga, pagkatapos nito bakasyon na. Kaya nagkayayaan ang lahat na maglaro ng basketball malapit sa bahay.

Umuwi muna ako para magpalit ng damit pangbahay. Hindi na ako nagatubiling magpaalam kay Eomma nun kasi busy siya sa kapapanood ng Kdrama tuwing hapon.

Itinali ko ang mahaba kong buhok ng makita ko na kayo di kalayuan pero sadyang mapaglaro ang tadhana.

Nakita kitang nakapanglumbaba, labas ang nguso at nagrereklamo sa kuya mo na umuwi na lang kayo.

Naalala ko pa yung sinabi mo sa kanya, "Oppa! Umuwi na tayo! Ako papagalitan ni Eomma nito eh!"

Tawang tawa ako nung masaksihan 'yun. Kinaladkad mo ba naman yung Kuya mong bano palabas ng court.

Tapos sinagot ka niya ng, "Isang game lang talaga tapos uuwi tayo, okay?"

Pumasok na ako ng court nakipagfistbump sa mga kaklase slash kaibigan ko.

Binatukan ko talaga yung kuya mo para matauhan. Sabi ko pa nun, "Ang lapit lapit ng bahay niyo. Ihatid mo na tapos balik ka na lang dito."

Napakamot na lang siya sa ulo. Magkapatid nga kayo. Mahilig kayong ngumuso.

"Isang game lang talaga at uuwi na kami. Hindi na ako palalabasin ni Eomma mamaya eh." Yan ang nasabi ng kuya mo.

"College ka na Fren pero binibaby ka pa rin ng Eomma mo." Lokong sabat ni Seokmin sa kuya mo.

Natawa kayo sa banat ng bestfriend ng kuya mo.

Nagsimula na kami ng laro 'nun. Agresibong maglaro yung kalaban namin kaya nalamangan kami ng sampu.

"Nakakabanas talaga yung pagmumukha ng tiking na 'yun! Ano na Kuya?! Papayag ka na lang kunin nila yung 500 won natin?!" Napahagikgik ako ng sinabi mo yun.

Pumusta ka ng 500 won kahit alam mong friendly lang game 'yun.

Natapos ang laban ng ipanalo namin kaya tuwang tuwa ka at inaya kaming mag ice cream.

"Utang 'yan ha!"

'Ibang klase ka talaga' sabi ng isip ko 'nun.

Mahilig kang kumuha ng ice cream ng iba kahit puno ng laway 'yun. Kaya ibinigay ko na lang yung akin na hindi ko pa natitikman.

"Iyo na lang oh! Masakit kasi lalamunan ko parang magkakatonsilitis sa tamis."

Nagpasalamat ka at ngumiti ng pagkatamis tamis. "Utang mo pa rin 'to ah."

Ginulo ko yung buhok mo sa sobrang kakulitan.

Naaliw talaga ako kapag kasama kita. Syempre bakod ka sa kuya mong bano.

Pagkatapos ng araw na 'yun, umuwi kayo ng probinsya samantalang ako nagpapart time kila Mingyu para sa susunod na pasukan ay may pangbayad ako ng project sa school.

Sumunod na ang mga ilang araw, linggo at naging buwan...

Umuwi ka.

Umuwi kang may lungkot sa'yong mukha. Hindi ka tulad ng dati na sobrang masayahin at sobrang pilyo.

Umuwi kang may luhang pumapatak, nagsusumamo, nagtatanong. "Bakit mo kami iniwan?", sambit mo nung makita kita sa kwarto mo.

Umuwi kang nangungulila sa ina niyong pumanaw na.

Confession of Yoon JeonghanStories to obsess over. Discover now