"Teka hindi pa kasi ko tapos. Eto yung finale." iniluwa ko yung nginunguya kong chewing gum at pinakat sa buhok nung isang sugpo. Buti na lang talaga wala ng lasa yun. Hahahaha!

"EEWWWWW!! KADIRI! LAGOT KA SAKIN JACKIE!" humagalpak lang ako ng tawa at tumalikod na. Sinipa ko yung silyang nakaharang sa daraanan ko.

"Makaalis na nga. Ang boring ng meeting niyo." iniwan ko silang mga nakamaang ang bibig habang ako naman ay dire diretso na lang sa paglabas ng kwarto. Napamura na lang ako ng may maalala ako.

"Hala putangina lagot na naman ako kay Brooke." nasabi ko sa sarili ko.

***

Masama na naman yung tingin sakin ni Brooke habang nandito ako sa opisina niya. Malamang narinig na niya yung nangyari kanina. Mabait ‘tong si Brooke mahigpit nga lang sa trabaho.

“Ibaba mo yan. Kape ko yan.” sita sa akin ni Brooke. Ang damot naman parang kape lang! Sumimangot ako at ibinaba yung kape sa lamesa.

“Eh ang damot mo naman!” nakita ko na lang na napa-iling si Brooke. Ay nako! Pagagalitan na naman niya ko.

“Napakatigas talaga ng ulo mo Jackie. Gusto mo bang isumbong kita kay She? Gumawa ka na naman ng gulo sa meeting kanina sabi ng supervisor mo. Sinasabi nila na porke’t kaibigan kita eh hinahayaan na lang kita.” malungkot na sabi sa akin ni Brooke.

“Eh kasi naman nakakaasar sila! Ay nako talaga!” humalukipkip ako. Ako na lang lagi nakikita nung mahadera kong supervisor.

“Umayos ka kasi. Oh ito yung new client natin.” inabot niya sa akin yung new envelop at tinignan yung profile ng new client namin. Anankng! Gurang na naman kliyente ko? Aba! Immune na immune na ko sa amoy lupa ah!

“Gurang na naman? Wala bang bagets na madatung diyan?” sabi ko at hinagis sa lamesa yung envelop.

“Huy wag ka ngang choosy diyan! Mayaman yan! Malaki makukuha mong porsyento if mabebentahan mo yan. May target siyang lupa sa Puerto Azul at madami pang iba! Oh diba? Wag mo lang huhuthutan ah! Ikaw ah! Alam ko yang sideline mo!” ngumiti lang ako ng nakakaloko kay Brooke at inabot muli yung envelop at muling tinignan yung profile nung gurangers na lalaki. To be fair ang gwapo pa din ni manong! Mukang may lahing Magellan! Bet ko ‘to! Money.Money.Money! Oh I love money! Hahaha.

“Sander de Vera. Pwede!! Gwapo kahit gurangers na! Baka naman may anak ‘tong gwapo? Akin na lang.” tumawa lang si Brooke.

“Sabi nila may anak daw yan and kilala bilang napakakuripot. Hindi masyadong nag-iinvest since hindi naman daw mahilig sa business.” patay malisyang sabi ni Brooke habang kinakalikot yung camera niya.

“Bebentahan ko nga.” sabi ko at naglabas ng yosi. Kailangan kumita ng malaki para sa boobs enlargement ni madir.

“Nang alin?!!” nagulat ako ng manlaki yung mga mata ni Brooke. Simula noong nakidnap ‘tong si Brooke naging green minded na ata at magandang pangitain yun. Hahaha. Lagi kasi siyang OP sa usapan namin ni Mareng Bianca. Hahaha.

“Gaga! Nang bahay at lupa siyempre alangan namang katawan ko ibenta ko dun? Alam mo naman ako conservative masyado! Hahaha.” napatigil ako sa pagtawa ng dumating si Sheila. Naku! Makasibat na siguradong bugbog na naman ang aabutin ko sa babaeng ‘to.

“Hoy Jacques ano na naman pinagsasabi mo diyan ha?!” sigaw sakin ni Sheila. Ang aga naman mag menopause nito. Agad akong nag peace sign at kumaripas na agad ng takbo sabay hablot nung envelop sa lamesa ni Brooke.

“Babayu!” sigaw ko pa.

***

Pagpasok ko pa lang sa tinutuluyan kong apartment eh naririnig ko na yung malakas na atungal ng malandi kong nanay. Iniwan na ata ng jowa niyang British. Di na nadala sa British yung malantod kong ina, ako na nga best example eh. Iniwan yung nanay ko pagkabuntis. Tangina lang! Napailing na lang ako at pinuntahan kung saan nanggagaling yung iyak ni motherhood kaso nanlaki yung mga mata ko sa nakita ko at napasugod agad kay madir.

“MOTHER!!! WAG YANG T.V HINDI PA BAYAD YAN! UTANG NA LOOB UTANG YAN!” agad kong pinigilan yung kamay ni mama. Ampota! Utang ko nga lang yung bagong T.V na yun may balak pang basagin. Ano akala niya mayaman kami?!

“Iniwan na niya ko!! Huhuhu!! Maliit daw boobs ko anak! Sabi mo ipapa-Belo mo ko! Nasan na?!!” nagkamot ako ng ulo at inayos yung T.V dun sa lalagyanan at hinarap si mama.

“Eh pag nabentahan ko ‘tong si Mr. De Vera saka yung anak niya. Pag nagawa ko yun pati puwet mo palalakihan ko din.” eto mahirap pag broken hearted nanay ko eh. Nababaliw! Saka feelingera! Akala mo mayaman kung makapag basag ng kasangkapan!

“Talaga lang! Iniwan ako ng tarantado anak! Kaya ikaw humanap ka ng mayamang jowa. Punyeta! Bakit mas malaki boobs mo sakin?!” biglang tumahan si mama at kinapa yung boobs ko kaya naman napaiwas ako bigla sa kanya, inirapan ko na lang si mama at pumunta sa ref para kumuha ng dalawang bote ng redhorse.

“Mabuti pa itagay mo na lang yan ma! Masisiraan ako ng ulo sayo!” naupo kami sa lapag at sinimulan ng tunggain yung bote ng redhorse. Halata bang nanay ko ‘tong nanay ko? Cool kami eh!

“Hay tanginang buhay!” sigaw ni mama sabay tungga sa redhorse.

“Marami pa namang papabols diyan ma! Buti ka nga boobs hanap sayo ng jowa mo! Naalala mo ba yung jowa ko nung college? Yung iniyakan ko ng bongga!” tanong ko kay mama sabay tungga sa alak ko.

“Sino yung Patrick na iniyakan mo?! Yung muntik ka ng tumalon sa Ilog Pasig?” tumango ako at napaiyak na naman. Ayoko na talagang naaalala yung first heartbreak ko eh. Putangina lang sa saklap. Hindi ko pa din matanggap yung reason kung bakit kami nag break eh.

“Kalimutan mo na yun nak! Madami pang gwapo diyang lalaki. Buti nga magkaibigan pa kayo nun eh.” niyakap ako ni mama at nag-iyakan kaming dalawa.

“Basta magpapalaki ako ng boobs. Huhuhu.” iyak ni mama.

“Basta maghahanap ako ng hot papa na madaming datung.” iyak ko din.

Kailangan ko na magbenta! Ng lupa!

To be continued...

 

 

Pasensya na po sa mga salitaan ni Jackie. Hindi siya si Jackie if hindi siya ganyan ka-straight forward.

Naaliw ba kayo sa kanya? Mas maaaliw pa kayo sa mga kabaliwan niya sa next chapters.

 Nasa side po si Jacques Dimaguiba ----->

The Virgin's First Night 4: The 13 Hell ShotsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon