Napalingon ako sa fountain at nakita ang mga magsing-irog na magkakatabi. Yung iba may hawak pang ice cream at nagsusubuan. Parang nawala na naman ako sa aking sarili. Parang kailan lang kasi na kaming dalawa ni Albert ang naka-upo malapit diyan. Parang gusto ko tuloy umiyak sa oras na ito ngunit hindi pwe-pwede.

Nawala nalang ako sa aking pagmumuni-muni nang may humarang sa aking harapan. Ang tangkad niya. At pag-tingala ko, si Crey pala. Ang lawak nang kanyang ngiti habang may hawak na boquet nang mapupulang rosas na naman. Natulala tuloy ako sa biglaang pag-sulpot niya.

"Pupunta sana ako sa bahay ninyo ngayon, pero coincidence lang na nandito rin ka pala. I bought this flower dun sa stall,"

Coincidence nga ba? Ang gwapo nang kanyang ngiti. At para na naman akong robot na kinuha ang bulaklak. Napa-lingon ako sa aking likuran at nakita ang apat na mukha atang natulala rin nang makita etong lalakeng nasa harap ko. Nakita ko pang kumawala si Hector, sa dalawa.

***

ERIER

Sino ba ito? Bigla nalang sumulpot kung saan. Hindi ko ata gusto ang ginagawa niya. May goal ako kay Iris at mukhang malaking balakid etong lalakeng ito. Nakita ko na kasi yung nga ganyang galawan sa mga pinanood ko. At mukhang may balak siyang mapalapit din kay Iris.

Hindi ako makakapayag nito dahil mababaling ang buong atensyon ni Iris sa lalakeng ito. Baka hindi ko pa maisakatuparan ang mga mithiin ko.

Bigla ko pang na-alala ang pagmumukha ni Okron. Kailangan kong magmatigas. Hanggang ngayon nananatili pa ring sarado ang aking komunikasyon sa kanilang lahat sa itaas. At ang pinagtataka ko lang, hindi naman sila bumababa at pumupunta nang bahay para alamin ang dahilan. Tahimik ang lahat kaya may pagkakataon akong samantalahin ang pagkakataon.

Kailangan kong maging malapit pa kay Iris. At etong lalakeng ito ay isang malaking kakumpitensya.

"Iris," hinawakan ko siya sa balikat. Nagulat siya sa ginawa ko. "Samahan mo naman ako doon,"

May tinuro ako at ayon sa aking mga mata, stall ito ng isang turo-turo.

"Ah...eh," nalilito niyang sagot.

Hinablot ko yung bulaklak na hawak niya at hinagis kung saan. "Oops sorry!" ngiti kong sagot at tumingin sa lalake na mukhang na-asar sa ginawa ko.

Di hamak na mas pogi naman ako sa isang ito. Tumalim yung mga mata niya patungo sa akin, binigyan ko siya nang mapang-insultong ngiti. Hinawakan ko si Iris sa braso at kinaladkad palayo sa kanya.

***

IRIS

Nagulat ako dahil bigla ba naman akong hinaltak ni Hector. Nakakahiya tuloy kay Crey. At yung tatlo parang mga estatwa. Hindi man lang lumapit sa akin.

"Sandali," saway ko kay Hector. Inis kong inalis ang kanyang mga kamay sa aking balikat. Tarayan ko nga. "Pumayag na ba ako,"

Minsan me pagka-awkward din ito eh. Napalingon ako kay Crey na naka-upo na habang isa-isang pinupulot ang mga bulaklak. Nakakahiya talaga yung ginawa ni Hector parang ako ang namula sa kahihiyan.

"Iris," wika na naman niya, ang kulit lang.

"Tumigil ka nga!" pangalawa na yun, konte nalang at beast mode na talaga ako sa kanya.

At buti naman nanahimik. Lumayo ako sa kanya at binalikan si Crey. Umupo rin ako at tinulungan ko siyang pulutin ang mga bulaklak.

"Sorry huh!" malumanay kong wika. "Hindi namin sinasadya,"

A PAST WITH AN ALIEN #wattys2018Kde žijí příběhy. Začni objevovat